Eight Shot

5K 163 12
                                    

Eight Shot

Nanlumo akong binasa ang bawat text na sinend sa akin ni Madi. Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang oras sa wallclock. 11:50 p.m na pala.

"Tangina, ang bobo mo Maxelita! Sa lahat ng kakalimutan si Madi pa?!" Paggalit sa sabi ko sa sarili ko at mabilisang nilisan ang apartment ko. Kaya pala parang may nakalimutan ako! Ang shunga!

Hindi ko na ininda ang antok ko at ang madilim na kalsada, ang mahalaga ay makapunta ako sa unit ni Madi. Naglakad ako papunta sa paradahan, dahil malalim na ang gabi, wala nang tricycle driver na nakaparada. Sakto namang may dumaan na taxing walang pasahero. Pumara ako at sinabi ang ang building ng unit ni Madi. Nagsimula nang magdrive si Manong.

"Manong pabilisan naman po ng kaunti." Medyo natataranta ko nang sabi. Sinunod naman ako ni Manong at naging mabilis ang pagdadrive niya sa kalsada papunta sa unit ni Madi.

Binayaran ko na si Manong at lumabas na sa taxi niya. Kilala naman na ako ng sekyu dito kaya't hindi na ako hinarang.

"Goodevening ho sir! Napagabi ho ata kayo? Happy birthday nga ho pala, hehe." Sabi sa akin ni kuya security. Nagtaka naman ako kasi pano niya nalaman na birthday ko?

"Ay nabanggit lang ho kanina ni ma'am Madison. Sige ho, ingat ho pa-akyat." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Mas nanlumo naman ako nang mabanggit ni kuya ang pangalan ni Madi. Tanga ko kase pota.

Nginitian ko na lang si kuya at nagthank you. Nilagpasan ko na siya at dire-diretso ako papunta sa elevator at pinindot ang floor number ni Madi. Pagkaraan ng ilang minuto ay narating ko na ang unit ni Madi. Kakatok sana ako ng maalala kong binigyan nga pala ako ni Madi ng spare key ng unit niya. Agad kong ipinasok sa butas ng doorknob ang susi at pinihit ito.

"HAPPY BIRTHDAY MAX SEBASTIAN!"

Ayan ang nakasulat sa banderitas na bumungad sa akin. Tila bumagsak ang balikat ko sa aking nakita. Feeling ko ay sinayang ko ang effort na ginawa niya para sa akin, which is nasayang ko talaga! Agad hinanap ng mga mata ko si Madi, nakita ko siyang nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog. Halata sa mukha ang pagod at pag-iyak. Nilapitan ko si Madi at pinantayan siya, hinarap ko ang mukha niyang mala-anghel sa ganda. Sana lahat talaga!

Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha at inipit ito sa likod ng tenga niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at dinampian ng halik ang mamula-mula niyang labi.

"Sorry." Mahinang sabi ko na nakapagpagising sa kaniya. Unti-unti'y minulat niya ang kaniyang mga mata at halata ang mugto rito.

"D-Dumating ka na pala. K-Kumain ka na ba?" Walang energy niyang sabi sa akin at bumangon siya mula sa pagkakahiga at umiwas ng tingin. Kahit na alam kong umiiwas siya ay tinry kong pasiglahin ang mood.

"Hindi pa nga girl e, tomguts na ake. Tara lafang na tayo!" Totoo naman ang sinabi ko, ewan ko ba kung bakit nagugutom parin ako, e kakakain lang naman namin kanina ni Luke.

"Sige tara na sa kusina." Pag-anyaya niya sa akin at tumayo na kami, naglakad kami papunta sa kusina at nakita ko roon ang sandamakmak na pagkain. Niluto pa niya lahat ng ito? Grabe, nakakakonsensya talaga! Isipin ko palang kung gaano siya kapagod na ihanda at iluto ang mga putaheng ito, hindi ko mapigilan ang maluha.

"Teka lang Max ha, iiinit ko lang ang mga ulam." Sabi niya sa akin at tinalikuran na ako, ngayo'y nakaharap siya sa may kalan at iniinit ang mga ulam.

Habang iniinit niya ang mga ulam ay hindi ko maiwasang mapagawi sa mga kamay niya at pulsuan, andami niyang paso! Naiiyak na talaga ako! Ang emotional ko na! Hindi ko na kinaya kaya't pumuwesto ako sa likod niya at niyakap siya ng mahigpit.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon