Third Shot

6.2K 187 19
                                    

Third Shot

Nagising ang diwa ko dahil sa araw na tumapat sa mukha ko, akmang itataas ko ang mga braso ko ng mapansin kong medyo mabigat ang kanang braso ko, tinignan ko kung anong nandoon or sino, nakita ko si Madison na nakahiga at mahimbing ang tulog, ang pretty talaga niya!

Kagabi lang din ay nalaman ko ang pangalan niya, she was pretty last night, ngayon ay blooming na dahil hindi sa pagmamayabang pero nadiligan ko nanaman siya hihi. Gamit ang aking daliri ay hinawi ko ang nakaharang na ilang hibla ng buhok sa kaniyang mukha at pagkatapos ay inipit ko sa kaniyang tenga. Grabe, ang pretty talaga! Tinignan ko ang kaniyang mata, ilong, bibig, leeg hanggang sa napadpad ang tingin ko sa kaniyang dibdib.

Parang lahat ng features niya, sobrang pamilyar. Parang nakita ko na. Seems like a dream, but with blurry visions.

"Huy Max! Ang aga-aga!" Sigaw ng aking isipan.

Iwinaksi ko ang aking tingin at unti-unting tinanggal ang kaniyang ulo sa aking braso. Ngalay na akez! Hinanap ko ang panty ko este ang boxer ko sa lapag. Habang nagsusuot ng boxer ay nagring ang cellphone ko. Mabilisan kong sinuot ang boxer at sinagot ang tawag.

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

"Come to my office, now." Nagulat ko ng marinig kong si Papa pala ang tumawag. I hurriedly went out of the hotel room and left Madison. Binayaran ko na rin ang mga babayaran before she wakes up.

Late ko lang narealize, dapat pala nag-iwan ako ng number ko! Shocks, pano 'kung hindi na ulit kami magkita? Hays, boba talaga Max. Gustuhin ko 'man na bumalik sa kuwarto ay baka majombag ako ni Papa ng bongga kapag ma-late ako. Eme lang, nakuha ko na address niya, ha! Ang ganda ko talaga!

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa kumpanya ni Papa, pagkatapos ay bumaba na rin ako kaagad at magbayad. Kabado 'man ay wala na akong magagawa, nandito na ako.

"Goodmorning Baby Max! Father-in-law is waiting for you inside." Bungad na pang bati ni Allison sa akin, Papa's secretary, nang marating ko ang front desk bago ang office niya. Napangiwi ako sa kaniyang sinabi at inirapan ito. Masyado siyang maharot, si Madison lang ang pwede gumanyan sa aki— ay ano ba Max!

Naglakad ako papunta sa pintuan ng office ni Papa at kumatok. Narinig 'kong pinapasok niya ako kaya binuksan ko na ang pinto at chill na pumasok sa loob. Pero girl! Sa kaloob-looban ko 'yung puso ko parang gusto nang kumawala sa sobrang kaba!

"B-Bakit niyo po ako pinatawag?" Kinakabahang tanong ko. Tinry ko naman na i-chill lang ang salita pero wiz ko kaya! Masyadong nakakatakot si Papa.

"I just want you to know na pwede ka nang bumalik sa mansyon." Napatingin ako kay Papa sa aking narinig.

"I just realized na I was too harsh about your sexuality. Hindi dapat ganon ang naging approach ko sa'yo. I was wrong about that, I'm sorry." Tila natunaw naman ang puso ko nang sabihin iyo ni Papa. Anong meron? Bakit ganon...

"Besides, I almost lost you three years ago, losing my son again would hurt me so much. So go home na, anak." Malumanay na sabi ni Papa sa akin. Gusto kong umiyak! Bakit ganon huhu, ang bait bigla! P-Parang hindi ako sinuntok amp.

"Yes po pa, I'll go home na po." Ayaw ko 'man dahil bigla kong naalala sina Hansel pero I have no choice! Parang mas mabigat naman na itakwil ako nang tuluyan ni Papa.

"Yes, that would be great. But I have one wish anak." Ayan, may hiling pa. Ano akez? Fairygodmother ni Papa?! Chos.

"Ano naman po iyon?" Palaban kong sabi, syempre dapat may laban! Keri lang kahit anong wish, basta keri ko rin.

"I'm not getting any younger, son. Gusto ko sana ng apo? Ikaw lang ang anak ko, kahit ayon na lang." Nanlumo ako sa aking narinig. Taena? Apo? Paano ko kukunin 'yon? Baby Alive keri na ba? Syet.

"Pero Pa, bakla po ako." Tanging nasabi ko sa kaniya.

"E ano naman ngayon? Being gay does not mean you can't have a child. At saka, ikaw na ang bahala 'kung paano ako magkaka-apo. If you want to have a girlfriend, go for it. Basta ang apo ko."

"Ayaw ko po sa babae."

"Hindi ko naman sinabi na gumusto ka ng babae, hijo. Ikaw ang bahala, tanggap kita 'kung ano ka 'man. I just want a gandchild. You're my only son, sa'yo. Ikaw ang ineexpect 'kong magpapalaganap ng lahi natin. Pero ikaw ang bahala, basta apo na lang sana bago 'man lang ako mamatay. Sige na, you can go, I still have things to do. Take care." Nadali naman ako ng aking konsensya sa aking narinig. As an only child, it's really obvious na Papa's expecting grandchildren from me.

Tinignan ko ulit si Papa na busy na ngayon sa mga papeles na kaniyang hawak. Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng pinto.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon