11th Shot

5.1K 156 27
                                    

11th Shot

Lumipas ang dalawang buwan ay patuloy parin ang 'relationship' namin ni Max. Nanatili parin ang ganong connections, si Max ay nagtatrabaho na sa kompanya nila, hindi pa siya official na CEO dahil pinag-aaralan pa niya kung paano. Sa dalawang buwan na pagkakaibigan namin ay hindi na rin namin ginagawa 'yung ano, 'yung s3x. Masyado na kami ng focus sa relationship namin, kadalasan ay pumupunta si Max dito sa condo o di naman kaya ay ako ang pupunta sa mansyon nila, bumalik na rin kasi siya sa puder ng Papa niya.

"Madi, pikit!" Sabi niya sa akin, walang pasok sa ngayon si Max kaya't nasa condo ko kami, nagmemake-upan. Ewan ko ba dito at hilig kulayan ang mukha ko. Gamit niya ang make-up na niregalo ko sa kaniya. Hindi naman niya iyon inuuwi at baka daw magalit pa ang Papa niya. Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng eyeshadow o eyeliner, a ewan!

"Ayan, open your eyes." Tapos na pala siya sa ginagawa niya. Pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang napakagandang Max, hindi ko pala nasabi, nakamake-up din pala ngayon si Max. Kung titignan ay mas mukha pa siyang babae sa akin ngayon. Nakasuot rin siya ng wig na hanggang balikat ang haba. Suot niya rin ang sando kong kulay pink at maong na shorts babaeng babae ang itsura. Hindi naman siya mamuscles kaya't hindi halatang lalaki siya ngayon. Pero kahit ganon, pogi parin siya sa paningin ko.

"Ang ganda," ani ko sa mahinang boses. Nakangiti ngayon si Max, kita ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Kung sana ay totoo nalang kami. Sana, totoo nalang lahat. Sana bumalik na lang ulit sa dati.

"Alam ko na 'yon girl, huwag mo na ibroadcast at baka marinig ka ng kapit-bahay mo." Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Sino ba may sabing ikaw? Mas maganda ako 'no." Wika ko at lumayo na sa kaniya, masyado siyang close. Marupok ako.

"Ay anong sabi sa confidence level? Ikaw na, girl! 'Di na nga papalag!" Tumayo na siya at nagsimulang rumampa. Nakatalikod siya ngayon sa akin, hinahanda ang kaniyang camera. Hindi ko maiwasang manggigil sa pwet niya, ang laki kasi! Pinalo ko ito at kinurot.

"Ano ba girl, masakit! Kukurutin na kita sa singit!" Hindi parin siya nakaharap sa akin bagkus ay nakatingin parin sa kaniyang camera, mukhang inaayos niya.

"Sige nga," natatawang wika ko, "kurutin mo nga." Panunukso ko sa kaniya.

"Ayoko, baka amoy pawis pa 'yan. Nako wit!" Pinalo ko muli ang pwet niya dahil sa kaniyang sinabi.

"Grabe ka! Mabango 'to! Ikaw nga dati dinidilaan m—" tinakpan ni Max ang bibig ko kaya't hindi ko natuloy ang aking sasabihin.

"Shh, maghunos dili ka, girl. Hindi ko keri ang mga susunod mong sasabihin. Masyadong pasmado bibig mo baka masampiga kita." Kinagat ko ang pasmado niyang kamay na nakaharang sa aking bibig.

"Kadiri naman! Mas pasmado kamay mo! Pwe!" Pinupunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamay. Inirapan naman ako ni Max.

"Hmp, ang arte ha? Ganda ka?" Tinuturo-turo pa niya ako. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumili. "Yah! Ayan na, girl. All set na ang camera, pipicturan kita, bilis!" Umirap naman ako at nag-ayos. Sana lang at hindi ako mukhang bruha dahil naka-bun lang ang akin buhok.

"Say cheese!" Ngumiti naman ako at nagpacute sa camera. Inayos ng kaunti ang buhok at nagfierce pa. "Tama na, girl! Twofie naman tayo!" Umupo sa tabi ko si Max habang hawak hawak ang camera sa kaniyang isang kamay. Itinaas niya ito sa ere at sinabi "Cheese!" Ngumiti naman kami, hanggang sa sunod-sunod na niyang ikinlick ang camera. Napatigil lang kami sa pagkukuha ng litrato nang may tumawag sa kaniya. Sinilip ko namang ang tumawag, pero maagap din itong kinuha ni Max.

Honey calling...

Ayan ang nakita ko sa caller I.D. Napangiti ako ng mapakla. Ganito naman lagi, tuwing nagbabonding ay tumatawag ang 'honey' niya. Hindi na lang ako nagsasalita kasi, sino ba naman ako? Kaibigan lang naman niya ako pekeng girlfriend. Anong maiikukumpara ko sa akin na kaibigan niya at sa boyfriend niyang mahal niya?

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon