Fifth Shot

6.2K 173 32
                                    

Fifth Shot

"Hi, ako nga pala si Max. Uhm, my Papa wants me to have a child pero kasi may issue. Bakla ako, and isa lang ang kilala kong pwedeng maging girlfriend ko and carrier ng anak ko. Sa kaniya lang kasi magaan ang loob ko. Siya lang din ang girl na alam kong makakatulong sa akin. Alam kong mahirap itong request ko pero kakapalan ko na ang mukha ko. Huwag 'kang mag-alala! Magbebenefit din naman siya sa request ko dahil alam ko na hindi ito madali. Kaya,






Madison, pwede ka bang maging girlfriend at maging nanay ng anak ko?"

Nakita ko namang napatulala si Madi sa sinabi ko. Kinakabahan parin ako, baka kasi mamaya ay humindi siya sa akin. Ano ba naman kasi 'yung request ko diba? Akala mo ay candy lang ang hinihingi ko. Ilang araw lang din naman kami magkakilala. Sa kaunting panahon na magkakilala kami ay hindi non kayang tumbasan ang napakalaking favor ko, i-add pa natin ang bubuntisin ko siya! Wit ko na keri! Pero kasi may iba talaga sa kaniya! Sa kaniya 'ko lang nafifeel na parang kumpleto ako.

"Ano na Madi? Kinakabahan na akes ha? Kailan ka mag-sasalita—" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong bigyan ng halik. Medyo mahaba ang halik na binigay niya sa akin kaya't nadala rin ako.

"Teka bakla," I said in between our kisses, hindi parin siya lumalayo kaya't nagsalita ulit ako. "'Yung sagot mo?" Tinigil niya ang paghalik sa akin at humiwalay saglit. Nginitian niya ako ng napakalawak at tumango ng paulit-ulit.

"Yes, payag ako." At sa sobrang tuwa ay bigyan ko siya ng smack.

"Thank you, thank you, thank you!"

"Ang babait ninyo, thank you." Pakantang sabi ni Madi. Natawa naman ako sa kinantan niya.

"Gaga, ang corny mo talaga, nag eemote pa ako e. Anyway, hulog ka talaga ng langit! Huhu." Naiiyak na sabi ko sa kaniya habang kayakap ko siya.

"Anything for you," Puno ng damdamin niyang bulong sa akin na nagpakabog ng bongga sa dibdib ko. Anong meron? Hehe syet puso kumalma ka ang OA mo rin mana ka sa amo mo.

"So ano? Kailan ba tayo magsisimula?" Pagtanong niya sa akin.

"Gaga! Anong simula? Na buntisin ka? Anytime naman girl pwede. I mean, pwede ngayon. Or mamaya- aray!"

"Sira! Hindi 'yon, I mean kailan akong masisimula bilang girlfriend mo?" Naexcite naman ako sa sinabi niya.

"Girl, the moment you said yes, akin ka na- este jowa na kita. Kaya ngayon, jowa na kita okay?" Nakita ko namang napakagat siya ng labi at ngumiti.

"Ah, sige. Pumasok ka na ulit. Siraulo ka, may paalis-alis ka pang nalalaman." Nginitian ko naman siya at pumasok na ulit sa loob.

Pumunta kami sa sofa at umupo. Nagsimula na kaming mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Dahil kami na, kailangan ay may alam kami sa isa't isa. getting to know each other ba. Cheret!

"Kailan birthday mo?" Tanong niya sa akin.

"Sa July 27, ikaw?"

"Malapit na pala birthday mo! Medyo malayo pa sa akin, sa February 18 pa." Oo nga no? Anlapit na pala ng birthday ko. Hindi ko napapansin ang araw.

Nagsimula na siyang magtanong ng kung ano-ano tungkol sa akin. Curious na curious talaga etong babaeng 'to. Pati ba naman shampoo at sabon ko ay itinanong pa sa akin.

"Ikaw naman. Nagkaboyfriend ka na or may boyfriend ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Kasi you know, baka may sabit, wit ko keri makipag-jombagan.

"Meron, isa. One great love ko." Nginitian niya ako pagkasabi niya 'non. Nashookt naman ako sa sinabi niya.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon