Seventh Shot

5.6K 157 52
                                    

Seventh Shot

Nang matapos kumain ay inaya ko siya na pupunta sa mall kaso biglang bumuhos ang ulan. We decided na dito nalang mag-stay at manunuod nalang kami ng movies. Habang namimili ng movies ay biglang siyang nagsalita.

"Bukas na ang birthday mo diba?" Tanong niya sa akin. Oo nga no? Bukas na pala birthday ko. Hindi ko na namamalayan ang oras.

"Oo nga pala, bukas dalaga na ako." Sabi ko sa kaniya kaya't binato niya ako ng remote. Ang brutal nito!

"Tange! Ilang taon ka na ba?"

"Bukas, 25 na ako. Tapos na ang debut ko at tumatanda na akes pero kiber lang." Naka-upo ako ngayon sa sofa habang siya ay nasa harapan ko na nakatalikod habang naghahanap ng magandang movie.

"Oo nga no? Ano ba gusto mo sa birthday mo? I mean, kung debut mo, what would be concept?" Tanong niya sa akin.

"Nahanap ko na!" Humarap na siya sa akin at pinakita ang CD na hawak niya. The movie title is "Love, Rosie". Mukhang maganda.

"Concept? Gusto ko may 21 roses, tapos 21 candles. Tapos kasayaw ko 'yung Prince Charming ko, habang pinapatugtog 'yung kantang ILYSB ng LANY. If ever na 21 ako bukas, kaso malabo pero ayern, ganon ang bet ko. Ih! Kinikilig ako!" Tila butete akong naglilikot sa kilig sa sofa niya. Si Madi naman ay natatawa nalang sa kalikutan ko.

"Loka-loka. Sino naman Prince Charming mo? Si Fra—" Naputol ang sasabihin niya at napatakip siya ng bibig. Ha? Ano raw? Minsan parang timang 'tong si Madi.

"Sino?"

"W-Wala! Tara nuod na tayo ng movie." Isinalpak na niya ang CD at nagsimula na itong mag-play.

Noong nasa may part na kami na kinasal si Alex ay naiiyak ako. Maging si Madison ay nagbabara na ata ang ilong kaka-iyak. Nakakainis naman kasi! Ang manhid ni Rosie, ayan tuloy late na ang lahat! Kung hindi lang siya naging manhid, edi sana, happy happy na!

"Huhu, naiinis ako kay Rosie!" Naiiyak na sabi ni Madison. Hinarap ko siya at nakita ko ang isang Madison na nakayakap sa tuhod habang pulang-pula ang ilong at mata.

"Mukha kang baluga, bakla." Natatawang sabi ko kahit na ako ay mukhang dugyot.

"Ikaw nga e, ang dugyot mo tignan, hindi naman ako umangal. Huhu!" Napangiti naman ako sa itsura niya at lalo siyang umiyak kaya't hindi ko na muna siya pinansin at itinuon ko na ulit ang pansin ko sa T.V.

Natapos na ang movie date namin ni Madi na naganap sa sala niya. Hindi na rin namin napansin ang oras. Gabi na pala? Ang bilis ng oras! Hindi ko napansin, masyado ata akong naging masaya ngayon. Sana ganito nalang lagi.

"Madi, gabi na pala? Uuwi na ako." Tumayo na ako sa pagkaka-upo at nagpaalam ako sa kaniya. Siya naman ay abala sa kakatipa sa kaniyang cellphone. Aba! Sino naman pinagkakaabalaham nito? Nagtataksil ba siya? Jusko! Two days palang kami!

"Ah, sige. Ingat ka!" Sabi niya sa akin at kumaway pa, nakatingin parin siya sa cellphone niya. Hmp! Ayaw man lang ako tignan.

"Sino 'yang kausap mo? Hindi ka 'man lang makapag-babye ng ayos sa akin." May himig ng tampo kong sabi sa kaniya. Nilingon naman niya ako at nginitian.

"Wala 'to! Sige na uwi ka na gagabihin ka pa. Ingat ha?" Sabi niya at muling bumalik ang pansin sa cellphone. Napairap naman ako.

Yumuko at nilapit ang mukha ko sa kaniya.

*tsup!*

"Sige, babye na! Lock mo 'yung pinto, bakla! Huwag puro cellphone! Papakain ko 'yan sa'yo e!" Pag-papaalam ko sa kaniya at tinahak na ang daan papalabas.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon