14th Shot

4.4K 143 30
                                    

14th Shot

I woke up feeling heavy, ang bigat ng nakapatong sa may bandang bewang ko. I switched my position and faced the person behind me, it's Max.

I moved closer to him and touched his cheeks. Parang anghel lang matulog, pinadaan ko ang daliri ko sa pilikmata niya, papunta sa ilong hanggang labi. I can't stop my thoughts. Totoo pala ang sinasabi nila, bihira lang ang makasama mo sa buhay mo ang  taong lubos mong minamahal lalo na 'kung ang alam niya lang ay may mahal na siyang iba. Hanggang gusto ka nalang, hanggang gusto ka nalang na angkinin siya. Pero in reality, hindi niya gugustuhing magpaangkin sa'yo dahil may nagmamay-ari na sa kaniya.

Even if you prayed for him to come, he changed your perspective in life, dadating parin ang panahon na kailangan ka na niyang iwan. Nothing's permanent, same goes with people in your life. Walang nag-iistay, mayron at mayroong mang-iiwan sa'yo. Sa situwasyon namin, ako ang mang-iiwan, ulit. I'm choosing his happiness over mine, again. I'm letting him go the second time around. I won't let things between us be more complicated. Baka kasi hanggang dito na lang talaga, baka wala na talaga.

Naramdaman kong gumalaw siya kaya nagtulug- tulugan ako. Hinatak niya ako papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Sinuklian ko rin ito ng isa pang mahigpit na yakap. Last na 'to, I don't want to have second thoughts, pero he's giving me a reason not to leave.

Gumalaw ako at lumayo ng kaunti pero mas malakas siya, niyakap niya ako ng mahigpit.

"Stay," he said in a husky voice. Damn that morning voice.

"I can't." Nakita ko namang napadilat siya sa sinabi ko. Niluwagan niya ang yakap sa akin at lumayo ng kaunti. "I need to make breakfast for us."

"A-Ah o-okay." Umupo siya at inayos ang morning hair niya. Ako naman ay tumayo na at nagpunta muna sa banyo para magmumog. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina at nagluto. Naramdaman ko namdaman ko naman ang mga yabag niya napapalapit sa akin. Narinig ko rin na inurong niya ang silya, mukhang umupo na siya.

"Sandali na lang 'to," matipid kong sabi. "Okay lang, I can wait." Sana ako rin, hinintay mo.

Pagkatapos maluto ay inihain ko na ito sa hapag. Nagsimula na kaming kumain, katulad kahapon ay walang nagsasalita.

"S-Sorry nga pala kagabi, wala akong maalala e." Sinubo ko na ang laman ng kutsara at nginuya ito bago siya sagutin.

"Okay lang, next time huwag ka na magpakalasing ng sobra ha?" May pag-aalang sinabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Thank you sa breakfast." Nginitian niya ako at nginitian ko rin naman siya pabalik. Ngayon ay magkaharap kami sa may pintuan dahil kailangan na rin daw niyang umalis.

Sinarado ko ang pintuan at muling bumalik sa kuwarto ko. Nahiga ako ulit at tinignan ang IG ni Max, matagal-tagal narin kasi noong nabisita ko ang IG niya. Doon ay nakita ko ang picture naming dalawa, sweet na sweet e. Merong isang picture na pumukaw ng atensyon ko, si Max at isang lalaki. Magkayakapan sila, teka? Nakita ko rin na nakaprivate na pala ang account ni Max, ang saya nila tignan. Halatang inlonve na inlove sa isa't isa. Napatulo na lamang ang aking mga luha, hindi pala, napahagulgol na sa ako sa sakit. Buti pa sila, sort of out and proud na. Ibig sabihin, happy na, e ako? When will I be happy? Well, I was, noong wala pang boyfriend si Max, I was, noong kami pa.

Now, I'm not, kasi ako ang nawala sa litrato tapos may pumalit na bago. I went to my notes and typed a poem, a free verse poem. Kasi eversince, I really love to make my own.

Roses are red,
Violets are blue,
I really wish you knew,
My love for you.

Now I'm alone crying
Sadly hoping
And silently praying
That you are coming.

Pagkatapos nito ay tinago ko na ang phone ko at natulog na ulit.

Max's POV

I went out of the building and went inside my car. Damn, bakit ganitey? Bakit ang sakit sa feeling na iniiwasan niya ako? Bakit nga ba niya ako iniiwasan? I can't understand her.

I drove off at pumunta na sa condo unit namin ni Luke. I'm sure that he's worried and tensed. Lalo na't hindi ako umuwi kagabi at hindi ako nagpaalam sa kaniya.

Ininsert ko na ang passcode ng unit at binuksan ito. I saw Luke, he's cooking breakfast, ibinababa ko na ang gamit ko sa may upuan at nilapitan siya.

"Hey," Binackhug ko siya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya, "Sorry if I didn't text you, hon." Malungkot kong saad. Naramdaman ko namang bumuntong hininga siya. Pinatay niya ang stove at hinarap niya ako.

"You do know that I got worried, right?" Nagmamaldito nanaman! Hmp.

"Yes po, and I'm sorry po." Ngumuso ako sa kaniya at tinignan siya sa mata. Kung titignan, mas matangkad si Luke sa akin at mas maskulado pero kapag sa amin ni Madi, ako ang mas matangkad. Sa aming dalawa, ako ang babae, na akin namang gusto. Hinawakan niya 'yung pisngi ko at pinantay ang mukha niya sa akin.

"Just don't do it again, hon. Kamuntikan na akong tumawag ng police last night, Akala ko may nangyaring masama sa'yo." Malumanay niyang saad.

"Kaya nga sorry po e. Kiss nalang kita, mwuah!" Kiniss ko siya sa labi kaya't napangiti siya. "Where were you ba? I keep on calling pero you didn't answer any of them." Sasabihin ko ba ang totoo? Kanina ko lang naalala ang kagagahan ko and everything about last night came flashing back. I wasn't that drunk, tipsy lang pero I know what I'm doing, but things were a bit blurry.

"U-Uhm, I just went to M-Madi's unit. You know, girls' night out, nagkakasiyahan kaya hindi ko na nagawang sagutin ang calls mo." Pagpapalusot ko.

"Okay, basta next time, magpaalam ka so that I won't be worried." Nginitian niya ko kaya't nginitian ko na rin siya pabalik. Tinalikuran niya ako at hinarap ang stove. Pumunta ako sa gilid niya at tinignan ang ginagawa niya. Inaahin na pala niya ang kakainin namin.

"Did you eat breakfast na? I was hoping that i could have breakfast with you so I made a lot today." Enebe be yen, ang englishero naman nitong jowa ko!

"I did, pero hindi naman marami ang nakain ko kanina, I can still eat with you, lalo na't mukhang ang sarap sarap niyan." Tinulungan ko na siya sa paghahain kaya't naging mabilis ang paghahanda.

Nagsimula na kaming kumain at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na gustong gusto kong maging topic.

"I saw your IG pala, hon. You posted our pic?" Medyo nagulat siya doon sa sinabi niya.

"Yeah, ang tagal na 'non ah? 'Yun yung sinagot kita." Kinikilig kong saad.

"Oh, kanina ko lang kasi nakita. So, okay lang sa'yo na ipublic na natin ang relationship natin?" Tumigil muna ako sa pagkain at tinignan siya. "Oo naman, ikaw ba? Ayaw mo?" Nakakunot noong saad ko.

"It's definitely okay with me, I would be the happiest man. Pero how about your Papa? Baka malaman niya." Natouch naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo, okay lang sa akin, tsaka he knows naman that Madi and I are together. No need to worry about." Hinawakan ko ang kamay niya nasa ibabaw ng lamesa at pinisil ito.

"Isn't it a bit unfair for Madi?" Medyo nag-aalalang tanong niya. Biglang nagflash sa isip ko ang mga matatamis na ngiti ni Madi, telling me na it's okay. She's okay...

"H-Hindi naman siguro? And besides, we... both agreed to this..." Medyo may pagaalinlangan kong sagot.

"We don't really need anyone's approval for our relationship. Tayo ang nandito sa relasyon na 'to. Their opinions won't matter, along as we love each other, we can always face challenges together." Pagkasabi ko 'non ay nginitian ko siya at nginitian din niya ako.

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon