First Shot

9.1K 243 5
                                    

{Edited}

First Shot


Damn. Bakit ko kinalimutan ang pangalan niya? Sa tingin ko I was so drunk last night kaya may mga part na akong nalilimutan. Kinuha ko na ang damit kong nakaayos sa isang parte ng kama. Naligo na rin ako and left the hotel room. After 'non ay nagpunta na ako sa receptionist para magbayad.

"Uhm, excuse me Miss?" Pag-aagaw atensyon ko sa receptionist na busy sa pag aayos ng buhok niya. Nag-angat siya ng tingin at bigla nalang ngumiti ng napakalawak. Luh? Ang landi, mas mahaba naman hair ko sa kaniya. 'Di lang halata pero yes, oo.

"Ay, yes shir? Anything I can do for you?" She said in a pabebe voice. Yuck, ang sagwa niya pakinggan. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Stop using that tone, hindi tayo talo girl." Bumagsak naman ang mga balikat niya at nagsalita ako muli, "Anyway, I am here to ask for the bill sa room na kinuha namin." Pagtataray ko sa kaniya.

"Anong room number po Ma— I mean Sir?"

"Room 7017," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Sige po Sir, I'll just check it for you." Sabay kindat sa akin, kadiri talaga to. Okay pa sana kung yung babae kagabi— teka bakit ko ba iyon iniisip? One night stand lang ang nangyari Max, kahit may konting chikahan, kalimutan mo na siya okay?

"Uh Sir, bayad na po yung room na naoccupy niyo. Binayaran na po nung babae na kasama niyo?" Hindi siguradong sabi ng receptionist. Tumango ako at nagpirma nalang sa mga iba pang kailangang pirmahan.

Hindi na naman na bago sa akin ang paglog-in and out sa Hotel. Nung College ako, laging walang si Papa so I sleep in a Hotel or kahit palipas lang ng gabi. Masyadong tahimik sa bahay, nakakasakal.

Umalis na ako sa Hotel and umuwi na, buti nalang at hindi ako naligaw and may extra money pa ako. Pagkadating ko sa apartment na inuupahan ko ay agad akong nahiga sa kama.

I still can't get that woman out of my head. Tila nagflashback ang lahat ng ginawa naming kahindik-hindik na pangyayari, charot. Isa-isa 'kong naalala ang mga scenario na ginawa namin. Mula sa mga haplos... ang mahihinang mha halinghing niya. Masyadong siyang makapit, hindi siya mawala sa isip ko. Masyado siya misteryoso, bakit napasaya niya ko kahit saglit lang? Paano niya nagawang pagaanin ang loob ko sa saglit na panahon? Bakla parin ako, ramdam ko parin yung pagmamahal ko kay Franc. Pagmamahal ko sa kaniya kahit na ang sakit sakit na. Ang tanga ko naman kasi masyado, nasasaktan na pero pinagpapatuloy ko pa. Naramdaman ko tumulo ang mga luhang matagal kong pinigilan. Hanggang sa unti-unti na akong nilamon ng dilim.

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa drawer at sinagot ang tawag.

"Hello?" Hirap pa ako magsalita dahil bagong gising.

"Ano na Maxelita?! Kailan mo balak pumasok ditey sa Parlor? Aba ineng, hapon na. Madaming costumer si Mamang! Awat na ang pag-iisleeping beauty dahil knows nating dalawa na hindi mo afford ang beauty, hanggang sleep ka lang!" Panenermon sa akin ni Hansel, kasamahan ko sa Parlor. Shit! Anong oras na ba? Masyadong napagod ang katawan ko.

"Chaka ka bakla! Eto na babangon na akez! Daming sinabi wiz mo rin naman afford 'yon! Inang 'to!"

Tinignan ko ang orasan ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang oras.

"Hala sige na baks! Papafresh lang ako saglit!" Pinatay ko na ang tawag at tumakbo na sa banyo para maglinis. Lagot nanaman ako kay Mamang Choly nito!

Pagkatapos maligo ay nagpunta na ako sa toda ng tricycle, hindi naman sobrang layo ang parlor mula sa apartment pero hindi ko rin kayang lakarin. Kawawa ang precious legs ko 'pag nagkataon.

Habang nag-aantay na mapuno yung tricycle ay may nakita akong pamilyar na mukha. Nakaside-view yung babae pero parang kamukha niya 'yung babae kagabi. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, kailangna 'kong malaman ang namesung niya.

"Manong saglit lang ho." Sabi ko sa tricycle driver at bumaba saglit.

Nilapitan ko yung babae at kinalabit ito.

"Miss?" Lumingon ang babae at napatulala. Ay syet, maling tao!

"Ay sorry Miss, kala ko ikaw yung kilala ko." Pagpapaumanhin ko sa kaniya.

"Ay alam ko na 'yan. Modus 'yan! Tapos tatanungin mo number ko? Tapos pangalan ko, tapos magtwtext ka sa akin kung kumain na ba ako, tapos pag na-fall ako ighoghost mo ako. Bulok na 'yan, wala na bang bago?" Yuck, pinagsasabi nito?

"Chaka ka! Mas pretty ako sa'yo 'no! Sabi nang akalang kakilala lang e, apaka feeler. Che diyan ka na nga, babush!" Tinalikuran ko na 'yun babae at bumalik na sa sakayan. Syet, naiwan na ako nung Manong Driver kanina! Another intay nanaman ng pasahero.

Bakit mo kasi siya iniisip Max?! Stop na, hindi na healthy 'yan! Nakakawrinkles!

"O, andites na pala ang prinsesa ng mga froglet!" Pang-aasar na bungad ni Hansel sa akin pagkarating ko sa Parlor.

"Ay hiya naman akez sa'yo princessa ng mga piglet. Sorry ha, pagoda akez kagabi kaya ganern." Kinuha ko na ang mga gamit ko at isinuot na ang apron, hindi ako magluluto, yung apron na sinasabi ko ay 'yung sinusuot namin kapag naggugupit kami.

"Shala! Anez meron at pagoda ka? Wiz ka naman nagppaabooking bakla, parlor ang buhay mo right now." Puno ng suspetya niyang tanong. Umirap na lang ako sa kaniya at hindi pinansin.

"Snowbear!" May hinanakit na wika niya pero tinawanan ko lang siya.

Niyaya ko ang isang costumer na umupo at gugupitan ko na sana, pero ang gaga nakangiti lang!

"Hala ineng, halika dito. Gupit pinunta mo dito hindi pagtitig." Naiirita kong sabi kaya't sumunod nalang siya. Hindi na bago ang ganito sa akin, sa araw araw kong nandito sa loob ng isang linggo, hindi nababawasan ang kababaihan na nahuhumaling sa akin.

'Di lang nila alam, mas bet ko 'yung mga ginugupitan sa kabilang barbers shop.

"Pero 'di nga siz, bakit ka pagoda? Anong ganap? May boylet ka?! Madaya ka bakla! Hindi ka nansasama!" Madrama niyang bigkas na may kasama pang paghawak sa puso.

"Mas mabuti nga 'yung hindi ka nakasama." Nangingiti kong sabi.

"Grabe ka sa akin! Ang bad mo! Hay, diyan ka na nga at iboblower ko lang 'yung buhok nung isang costumer." Umalis na si Hansel at ako naman ay naggugupit padin ng buhok ng constumer.

"Mas mabuti na 'yung hindi ka sumama, kasi nakilala ko siya." Nakangiti kong bulong.

"Ano po? Ako po ba kausap niyo?" Sabi nitong babaeng ginugupitan ko. Nakangiti parin siya sa akin. Naku! Sarap kurutin sa singit! Inirapan ko siya at sabay sabing,

"Hindi ikaw! Kaloka!"

My Pretty Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon