Special Chapter 01

Start from the beginning
                                    

"Sa lugar na bawal ka.." sambit ko

"Sa bar." si Nathan

Agad ko naman siyang binatukan..

"Aray!.Para saan yun!" aniya at hinaplos ang batok niyang mamula-mula..

"Baka gumaya siya..Mag isip ka nga!" bulong ko

"Kuya Ethan , hindi ako gagaya sa inyo ni kuya Nathan..Alam niyo namang may sakit ako diba?Kaya kailangan kong alagaan ang sarili ko.." ani Kean

Simula rin kasi nung nagkaisip si Kean , dun din nagsimula ang pagiging masakitin niya..Nalaman na nga lang namin na may tumor siya kaya agad rin siyang pina operahan nina mommy at daddy..

Pero sabi ng doktor kahit daw na wala na ang tumor , wag daw kaming magpadalos dalos at baka bumalik daw yun..

"Oh sige na , aalis na kami at baka hinahanap na kami ng mga kaibigan namin.." si Nathan

Tumango naman si Kean at ngumti samin..

Nang makarating kami sa garahe ay agad akong pumasok sa sasakyan ko at si Nathan naman yung sakanya..

Hindi naman masyadong malayo ang bar dito kaya naman nakarating kami agad..

Agad sinalubong ng pamiliar na amoy ng bar ang ilong ko..Amoy ng alak at sigarilyo ang amoy nito..

Sa ingay din ay halos magbulungan na yung mga taong nandito dahil hindi na marinig ng maayos ang isa't isa..

Nang makita namin ang lamesa kung nasan sina Red at Drake ay agad kaming nagtungo doon..

"Ba't ngayon lang kayo?" si Red habang kaharap ang babaeng halos maghubad na sa harapan niya

"Tsk!.Wala ka nang paki dun..Tyaka may babae ka na agad?.Grabe ka nga naman noh?" sambit ko pa

"Ako pa bah..Habulin toh , tol.." aniya sabay kindat sakin

"Bakla!.Tumahimik ka nga diyan!.Mas marami akong babae sayo!." pagmamayabang ko pa

Lilingunin ko sana si Nathan ng bigla itong nawala..

Nasan na naman yung isang yun..

"Teka lang ah , hanapin ko lang si Nathan.." paalam ko sa dalawa

Tumango lang ang mga ito kaya agad na akong umalis doon at palingalingang hinanap ang kapatid..

Nakita ko ito sa isang sulok kaya agad na sana akong pupunta dun ng bigla akong may mabanggang babae sa parang lasing na atah..

"Hey , are you okay?" tanong ko pa dito habang hawak ang magkabilang balikat nito

"Hm?.Tinatanong mo bah ako?" aniya na parang wala talaga sa sarili

"Tsk!.Bobo ka atah eh , malamang tinatanong kita..Tingnan mo nga yang dinadaanan mo , nakakabangga ka na ng tao.." sabay bitiw ko sa kanya

Ngumiti lang ito sakin ng pagka tamis tamis.

Hindi niya bah ako naiintindihan?.Ininsulto ko na nga siya ng bobo , hindi man lang siya nagalit?..Sabagay , ganyan nga naman malasing ang babae.

"Sorry po kung nabangga kita.." aniya at ngumit ulit

Tsk!.Weird!

"Alis na nga diyan sa dinadaanan ko.." lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko

Napatigil nalang ako sa paglalakad at napatitig sa mata niyang kulay brown at sa labi niyang mapupula..

She's beautiful ah..Sexy na rin.

"Sorry ulit.." aniya sabay bitiw sa kamay ko

Napalunok naman ako ng ilang beses ng bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko..

Shit!.Fuck!

What is this?.Ba't parang..

Parang kinakabahan ako na ewan!

Arghh!

Ethan kumalma ka!.Natural lang yun okay?

Kahit hindi pa yun nangyayari sa buong buhay ko..

Natural parin yun..

Wala lang yun kaya wag mo ng isipin yun..

Okay?

Sige , hahanapin ko na ang kapatid ko.

Kahit parang lutang na yung isip ko..

Okay lang yan..

Napatingin ulit ako sa babaeng yun na may kasama na ngayong isa pang babae.

That mysterious girl is interesting huh..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now