2

4 0 0
                                    

*curtains open*

Setting: bayan

(naglalakad-lakad si sisa, parang may hinahanap)

Sisa: Crispin! Crispin! (kakausapin ang isang ale) ale, ale. Pasensiya na po sa istorbo ngunit inyo po bang nakita ang aking anak? Si Crispin? Pitong-taong gulang lang po siya at ganto ang kanyang taas (acting na pinapakita ang height ni Crispin)

Ale: (mangungunot ang noo) Crispin ba kamo? Yung kawatan? Aba'y di ko alam kung saan napadpad ang kawatan na iyon! Mabuti nga at wag na siyang magpakita kung ayaw niyang maputulan ng ulo!

Sisa: (mapapaatras) k-kawatan? Ang aking anak? Isang kawatan? (patakbong pupuntahan ang isang mama) m-manong... Kilala... Kilala niyo po ba ang aking Crispin? Ang aking B-Basilio? Nakita niyo ho ba sila?

Mama: (magtataka) Crispin? Basilio? (mae-enlighten ang mukha) ah! Yung mga kriminal? Oo naman! Pinaghahanap na nga sila ngayon ni Padre Salvi---

Sisa: (aalis, pupunta sa ibang tao) Kilala niyo ho ba ang aking Crispin at Basilio?

Tao 1: Ah, yung mga kawatan---

Sisa: (aalis, pupunta sa ibang tao) Kilala niyo ho ba ang aking Crispin at Basilio?

Tao 2: Yung mga kriminal ba kamo---

Sisa: (aalis, pupunta sa ibang tao) Kilala niyo ho ba ang aking Crispin at Basilio?

Tao 3: Pinaghahanap-hanap sila ngayon ah---

Sisa: (aatras ng hinang-hina) hindi... Hindi... (lilingon sa audience) kawatan ang aking mga anak? Hindi yun totoo! Hindi kawatan ang aking mga anghel!

(medyo magiging marahas ang pagsalita) kahit kami'y dukha, kami ay may dignidad at karangalan! Hinding-hindi iyon magagawa ng aking mga anghel! Hindi!

(lalakad papuntang backstage, bumubulong)

Hindi... Hindi... Hindi yun totoo...

*curtains close*

End of Act One, Scene Two.

a play for school 3 and a half years agoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon