**

Mula noon, naging sobrang close na kami ni Ella. Pakiramdam ko natagpuan ko na ang taong matagal kong hinanap. Pero hindi ko sinabi sa kanya na ako ang nagbigay ng kwintas na yun.

Ilang buwan ko ring pinag-isipang mabuti ang nararamdaman ko noon. Naisip kong marahil gusto ko si Mika dahil akala ko sya ang batang yun. Kaya tinuon ko ang atensyon ko kay Ella. Hindi ko naman alam, na totoong gusto ko si Mika noon bilang sya. Pero huli na ang lahat ng marealize ko yun. Kami na ni Ella at mahal ko din si Ella noon. Ayoko syang saktan kaya mas mabuti ng hindi na malaman pa ni Mika na mas mahal ko pala sya. Isa pa, mukang masaya naman sya sa piling ni Javy. </3

Pero nakakainis. Puro gulatan naman kasi mga nalalaman ko. Noong nakumpirma ni Ella na si Mika ang bangkay, sinabi nyang positive na sya yun. Dahil nga sa kwintas.

Ang kwintas na pagmamay-ari kong sadya.

**

Iyak lang ng iyak si Ella. Masakit para saming lahat na malaman na patay na talaga si Mika.

"Ma--ma. S-si Mi-ka. S-sya-a. W-wa-wala na sya." Niyakap ni tita ang isa pa nyang anak.

"Yung kwintas na yun. Sya yan. Kanya yan mama. Ibinalik ko sa kanya yan dalawang araw bago pa sya umalis dito." Sabi ni Ella habang umiiyak.

..

..

..

.....

Kay Mika yun????????

..

..

..

......

"E-e-ella."

Medyo tumigil na din naman sya sa pag iyak kaya kukumpirmahin ko muna ang naisip ko.

"Ella, sabi mo kay Mika ang kwintas?" Tanong ko sakanya ng makalapit ako.

"Oo. Gino. Sya yung batang nagbigay sakin nun. Sya yung isang batang mahalaga sakin. Sinabi nya sakin na 'Wag ko daw iwawala to. At sa tuwing suot ko to, mararamdaman kong ligtas ako dahil darating ang tagapaglitas ko, si Batman daw.' Ha. Ha. Mga kalokohan noon ni Mika. Pero dahil alam kong mahalaga sa kanya yun, naniwala ako sa mga sinabi nya. At di nga sya nagkamali. Nararamdaman kong ligtas ako sa tuwing nasakin yun. Pero noong una ayokong tanggapin yun. Alam kong mahalaga yun sa kanya. Binigay kasi yun ng isang batang lalaki noon nung niligtas sya nito mula sa muntik na nitong pagkabangga noon. Ang batang yun ang nagsilbi nyang Batman-- ang kanyang superhero. Pero sabi nya dahil ate nya ko at mahal nya ako, binibigay nya sakin yun para daw lagi akong ligtas."

Nakikinig lang ako sa kwento ni Ella.

So sya nga. Si Mika nga.

"Hindi ko kayang kunin sa kanya yun kaya sabi na lang nya. 'Sige ate, ganito na lang. Sayo na muna sya. Ibalik mo na lang sakin to after high school.' Ayun ang napagkasunduan namin. malimit kasi akong muntik mapahamak nun kaya gusto ni Mikang isecure ang safety ko."

Mahal nya talaga ang kapatid nya.

"Ella. Ako ang batang yun. Ako ang Batman nya."

**

Naalala ko ang mga rebelasyong yan. Oo nga't natagpuan ko ang batang una kong minahal. Although, hindi ko alam na pagmamahal na ang tawag dun kasi bata pa ko nun. Palagi ko na syang gustong makita noon pero hindi na ko nabigyan ng chance kaya sinikap ko na din syang kalimutan.

I never thought that fate will let us meet again.

I'm so glad na ikaw yun Mika.

But, why is it so unfair??

Bakit sa ganong pagkakataon ko pa nalamang natagpuan kita Mikaela?

--

Bumangon ako sa kama ko saka nagbihis. Pupunta ko sa puntod nya ngayon. Araw-araw ko naman syang binibisita.

Nagdrive ako papunta sa isang flower shop kung saan araw-araw na ko bumibili ng bulaklak.

Naalala ko pa noon ang sabi sakin ng nagtitinda dun.

**

"Sir, ang swerte naman po ng girlfriend nyo. Araw-araw may flowers. Siguro po mahal na mahal nyo sya. Ang sweet nyo po."

Oo. Mahal na mahal ko sya. Sana naging girlfriend ko nga. Pero hindi e. Bago pa kasi mangyari yun, wala na. Wala na sya </3

"Ahm. Salamat."

"Sir, dalhin nyo naman po sya dito, para makita namin." Masaya pang sabi ni Aaliyah-- yung may-ari ng flowershop.

Nalungkot ako.

"Ah, hindi kasi sya makakapunta dito e. Hindi na pwede."

"Bakit naman?" Tanong ni Aaliyah sakin.

"Wa-wala na sya." Nangingilid ang luha ko. Siguro nagets na nya ang ibig kong sabihin.

"Aaaww. I'm sorry sir."

"Gino, call me Gino. It's okay. Sige alis na ko."

**

--

Pagkatapos kong makabili ng bulaklak kina Aaliyah, pumunta na ko sa sementeryo.

--

"Hi Mika. Kamusta ka na?"

"Miss na miss na kita."

"Susunod na ko jan sayo ha."

Pagkasabi ko no'y biglang may pumatak na sanga sa ulo ko.

Ay pu--! Ansakit oh. >.<

"Okay okay. Hindi na. Joke lang. Pero antayin mo ko jan okay. Pagpapatuloy ko muna ang buhay dito sa mundong ibabaw. Haha. Basta pag nandyan na ko, lagot ka sakin dahil hindi ka na makakawala."

Bumelat pa ko sa kanya.

Hayy, lagi ko syang kinakausap pero hindi sya sumasagot, except siguro kanina nung sinabi ko susunod na ko sa kanya.

"Mika alam kong gusto mong tuparin ko mga pangarap ko. Unti-unti na syang natutupad. At dahil sayo yun. Ikaw ang insipirasyon ko."

"Pero isang bagay pa ang hindi ko natutupad... Ang magkaron ng isang masayang pamilya."

"Umalis ka kasi agad e. Yan tuloy. Haha. Pero sisikapin kong tuparin Mika. Susubukan ko para sayo."

----------

Ookay. Sareh na guys. Mahilig ako sa reminiscing. Hihi. ^__^ V

Sareh din kung may makita kayong typo. Nitatamad akes basahin ulit e :D

More Than ThisWhere stories live. Discover now