Ipapaubos ko ang lahat ng pagkain sa dalawa kong kaibigan ng walang nguyaan na magaganap!

Nagdududutdot ako sa phone at sinend iyon kay cloud babe.



*JILLIAN'S POV*

Para akong tangang ngumingisi sa gilid habang pinagmamasdan si greysen na nakakunot ang noo at di matigil sa pagpaparoo't parito, umiling ako haaayyyy pag ibig!

Ang ganda nya sa suot na pula at hapit na dress, nag uumapaw ang KKK! kaputian, kakinisan at kagandahan tch. Pfft! Di ko maiwasan matawa sa sarili kong joke!

Wala akong masabi sa ayos ng restau. Halos punuin na kasi namin ng rose petals itong loob, yun kasi ang paborito ni cloud yung mga petals, pumunta pa kayo ng condo nya at buksan isa isa ang mga libro lahat yon merong nakaipit na petals!

Di ko maiwasan mapaisip, hanggang ngayon kasi parang di pa din natatanggap ng sistema ko na si bessy ay magkakarelasyon ulit at hindi sa lalake, kundi sa babae! Kaloka.. hindi ko akalain na makakasama ko sya sa samahang rainbow! Hahahaha!

"What are you lookin' at?" Agad na kumunot ang noo ko sa tanong ni raven na nasa harapan ko na pala, at kelan pa to bumalandra sa pagmumukha ko?

"Excuse me?"

"I said, what are you lookin at me?" Tinuro nya pa ang sarili, napanganga naman ako LITERAL na napanganga! Ba't ko naman sya titignan?

I rolled my eyes na halos ikahilo ko, lintik!

Kanina pa to simula ng ipakilala sya samin nila ate max and grey, parang lagi ako iniinis!

"Wag kang feeling, umalis ka sa harapan ko" inis na sabi ko mahina lang yon, yung tipong kami lang ang magkakarinigan.

Ewan ko lang ha, pero mainit ang dugo ko sa lalakeng to, feeling ko kasi inaasar nyako, nang aasar ang mga pag ngisi nya sakin.

Tumawa lang sya sabay naglakad papasok sa kusina. Abnormal!

Pansin ko lang din, pwede na kaming maging twinnie ni cryst. Dahil sinasapian na ako ng pagkamasungit

"Pwede ba freak, wag kang paikot-ikot? Kumalma ka si cloud lang yun!" Inis na sabi ni max habang hinihilot ang sentido hahaha!

"Hindi lang sya LANG! Si cloud yun, max! Si cloud! Alam mong iba ang toyo nun, baka mamaya hindi nya to magustuhan.. at mas lalong hindi nya ako sagutin! ano gagawin ko?"tarantang sabi ni greysen, kunot na kunot ang noo nya at kitang kita ang pagkabahala sa mukha.

Natawa kaming apat, nailing ako.. patay na patay! Hahaha!

Nakarinig kami ng tunog ng kotse, yung tunog na nagpaparking kaya naman natarantan sila cryst. And chito, pano sila ang nakatoka sa music, pagdating sa instrument magkasundo yang dalawa.

Pumwesto si chito sa cajon, si cryst. Naman ang sa gitara,

"Let's go," aya ni raven samin papasok ng kitchen



*CLOUD'S POV*

Pagkapark, ingat na ingat akong lumabas ng kotse. Masakit ang katawan ko as in SOBRANG SAKIT, cute na cute nanaman kasi sakin si ate saturn at hindi nakapagpigil na lamugin ako.

Kaya naman wala nakong lakas mag ayos pa, ang suot ko ay black shorts, white shirt na pinatungan ko ng jacket at red na fliflops, kakain lang naman kami di ba?

Pagpasok agad na umalingawngaw ang tugtog ng restau. Napahinto pa ko ng mapansin na ang natakpakan ko ay rose petals, inilibot ko ang paningin ko sa lapag.

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon