Chapter 4: Double Trouble

Începe de la început
                                    

Para mas maging emotional ang pag-iinarte ko ay sinabayan ko to ng malupit na tugtugan. Syempre playlist ko ngayon ay Sarah G. kaya simulan natin sa How could you say you love me. Andami kasing katanungan sa aking isipan na nangangailangan ng kasagutan. Ano daw? Seryoso, papano niya nasabing mahal niya ako? Kasabay ng pagkawala ng kanyang alaala, nawala na rin ang kanyang pagmamahal? Ang alam ko kasi ang utak ay nakakalimot pero hindi ang sinasabi ng puso. Sundan pa natin ng Paano ba ang magmahal. Paano nga ba ang magmahal? May rules and regulations ba to na dapat sundin? Ano nga ba ang tamang formula para lumigaya? Kung palagi ka na lang iiyak, kung palagi na lang hindi maaari, kung palagi ka na lang nasasaktan. Papano kapa magmamahal ulit? Isa pa tong Misteryo, sino nga ba ang may kasalanan? Ang taong nagpadama na para bang may pagtingin siya sayo o yung taong nahulog na alam naman niyang hindi naman siya sasaluhin nito. Nakakahilo, nakakalito at nakakapagod isipin ang isang bagay na nananatili paring palaisipan. Huling hirit na tong Isa pang araw. Sabi nga sa kanta. "Kulang na kulang ang panahon, di sapat ang meron tayo ngayon". Totoo, totoo na kulang ang bawat sandali kapag hindi mo siya kasama. Kulang ang mga araw kapag hindi mo siya nakikita. Kulang na kulang na para bang gusto kong manghingi pa ng isa pang pagkakataon para makasama siya kahit isang araw lang sa nakaraan. Kahit isang araw lang na maramdaman ang pagmamahal niya. Kahit isang araw lang na ramdam mo na sayo siya at ikaw ay sa kanya.

<<KINABUKASAN>>


Ang aga ko nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kakaisip at kakaemote kagabi. Walang hiya to si Sarah G. ang lakas makatrigger ng feelings. Nagtaka nga rin sa akin si Lance dahil mas nauna pa ako sa kanyang magising at nagawa ko pang maghanda ng almusal. Dahil sa pamamaga ng mga mata ko ay kinailangan ko pang gumamit ng concealer para matakpan ito. Kaso parang hindi pumapantay sa mukha ko kaya nakapaglagay tuloy ako ng BB cream sa mukha. Para hindi naman ako maputalang tingnan ay naglagay na rin ako ng liptint. Konting ayos ng bangs at ayun nagmukha na naman akong KPOP Idol na magpeperform sa isang music awards.

Matagal-tagal na rin nang hindi ako nag-aayos. For emergency lang talaga yang paglalagay ko ng kolorete sa mukha. Kapag may pasa o kaya eye-bags saka ako naglalagay para matakpan. Mas gusto ko pa rin ang natural kong hitsura. Pagkatapos kong makapag-ayos ay buong loob kong tinungo ang kompanyang pinagtatragabuhan ko ngayon. Nakapagdesisyon na rin ako kung mananatili pa ba ako o hindi.

Masaya kong binati ang mga guards na una ring nakapansin sa akin. Nakipagbatian sa mga executives na nakakasalubong ko sa hallway. Nagtataka pero nakangiti pa rin ako sa mga taong nakakasalubong ko na tila ba'y ako ang pinag-uusapan nila. Sa ngayon ay mas pagtuunan ko ng pansin kung papano ko mapapabuti ang aking sarili kaysa pagtuunan ang mga bagay na sinasabi ng iba sa akin. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko sa aking office ay dumiretso kaagad ako sa opisina ni Jethro. Hindi na ako magtatakang nandun na agad siya dahil dati pa lang ay alam ko na napaka workaholic niya.

"Good morning Sir" masaya kong bati. Mukhang nagulat naman siya sa pagbati ko sa kanya.

"Oohh. Good morning." Sagot niya.

"I decided to stay. Because I need this Job and I think this company will help me to imp-" di pa nga tapos yung google quote ko nang magsalita siya.

"Okay, okay I get it. I am really busy right now. So please fix my schedule today" pakiusap niya.

"You have an appointment with Mr. Borromeo at 9 am. Client visit at 10:15 am. Conference call at 1:30 pm. Na reschedule ko na rin ang appointment nyo with Mr. Alfonso tomorrow morning dahil may important meeting kayo Ms. Celestine Cua after ng Conference Call nyo." Hindi niya inakalang magagawa ko kaagad yun.

"Okay, just give me a coffee please" naiilang niyang sabi. Ano bang akala niya affected pa rin ako kay Celestine? Magsama sila.

"Sure, Brewed-coffee, no creamer with less sugar" sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Can't live without you (BL)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum