OOHDWH CHAPTER 32

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang ilang araw at dumilat na muli ang mata ng kakambal ko na si Diether Salvacio Morone pero laging gulat ng mga magulang ko ng hindi nito naalala kung ano ang nangyare sa kanya at may ibang bagay pa itong nakalimutan. Sabi ng doktor nagkaroon daw ito ng amnesia. Noong oras na napansin ko na nag-iisa ito ay agad ko itong dinalaw sa kanyang silid. "Kuya. Ano ginagawa mo rito?" Saad nito ng makita ako nakatayo sa kanyang tabi. "Nakikita mo ako? Hindi mo ko nakalimutan?" Simpleng saad ko rito. "Oo kuya. Kuya huwag mo muna kami iiwan. Hindi ko pa kaya. Kailangan pa kita." Histerical niyong saad at namuo na rin ang luha sa kanyang mata. "Patawarin mo ako, pero hindi na ako buhay." Malungkot kong saad. "Huwag mo kakalimutan na mahal na mahal ko kayo." Pagpapatuloy ko. Sinamahan ko muna ito sa kanyang silid hanggang sa narinig namin na may nag-uusap sa labas. "Papano na ang gagawin natin niyan? Hindi naman pupuwede na si Diether ang mamahala ng mga nesgosyo natin dahil sigurado na pilit aagawin ng mga kamag-anak natin mga negosyo natin at malaking problema pag nalaman nila na patay na ang kakambal nito dahil siya ang inaasahan ng buong pamilya natin." Nakita ko ang lungkot sa mata ni Diether, hindi kasi ito pinagkakatiwalaan ng iba naming kamag-anak at ito ay binansagang black sheep ng angkan. Naisip ko na bakit hindi nalang kaya siya magpanggap na bilang ako at palabasin na si Diether ang namtay para ito ay maproktehan, selfish mang desisyon pero eto lang tanging naiisip ko upang mailigtas ito sa angkan namin. Agad ko sinabi dito ang plano kog iyon at narinig kong isinanguni niya ito sa aming magulang. Inamin din ni Diether na nakikita niya ang kaluluwa ko na siyang nagpaiyak na naman muli sa aming magulang. Itinuro ako nito bilang pruweba na andoon ako sa kwarto ng oras na iyon ngunit hindi nila ako nakikita. Pumayag naman ang mga ito.

Noong mga oras na iyon ay nabalitaan ko na gising ka na daw ng oras na iyon. Nabalitaan ko na nagkaroon ka raw ng amnesia ng mga oras na iyon. Nasaktan ako ng nalaman ko na pati ako ay nakalimutan mo pero naniniwala ako na isang araw maalala mo muli ako.

Naging maayos na ang lahat, si Diether ay namuhay na si Heather habang ang nilibing nila na si Heather ay sinabing si Diether ito. Nagkaroon daw ng aksidente ang kapatid ko ng papauwi na ito sa aming bahay mula kanyang tinitirhan na condo, balak pala nito kaming sorpresahin na andito na muli ito sa bansa. Tinuturuan ko ang kapatid ko na maging ako para hindi makahalata ang mga tao sa paligid at isang araw laking tuwa ko ng matutunan na nitong maging ako. Nakita ko na nagsisimula ka na muli sa panibago mong buhay. Nakikita parin ako ni Diether ng panahong iyon. "Mahal mo parin siya?" Tanging tango lang naisagot ko sa kapatid ko. Alam ko na may gusto rin sa iyo ang kapatid ko pero dahil sa mas matimbang sa kanya ang pamilya kesa puso ay pinilit nitong sinantabi ang nararamdaman nito para sa iyo. Nagdasal ako na sana kahit manlang sa saglit na panahon ay muli kitang makapiling. Lumipas ang ilang taon pero hindi mo parin ako naalala. Pinapanuod lang kita mula sa malayo, marami na ang nagtangkang manligaw sa iyo pero inaayawan mo naman ang mga ito. Hindi ko hangad na maging malungkot ka habangbuhay, tanggap ko naman kung magkakaron muli ng bagong tao sa buhay mo pero sana naman aalagaan ka nitong mabuti.

Sa tuwing nagkakaroon ng get together ang barkada palagi ako nasa tabi ni Diether dahil hindi naman nito kaclose ang mga kaibigan ko. Isinama ako ni Diether noon sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Isa itong abandonadong building sa isang lugar sa Bulacan. Agad ko itong tinanong kung bakit kami naroon sa lugar na iyon na walang tao at ano ang gagawin namin doon. Sinabi nito na "kuya, payag ako na hiramin mo ang katawan ko para kahit papano malapitan at mahawakan mo muli ang taon mahal mo." Laging gulat ko ng narinig ko iyon at akala ko nagkamali lang ako ng narinig. "Kuya payag ako na hiramin mo muna ang katawan ko pansamantala pero kuya no dirty tricks ha." Pagbibiro pa nito. Nagkaroon kami ng kasunduan na hihiramin ko muna ang katawan nito sa loob ng 100 days at iyong panahon na iyon ay gagamitin ko upang malaman ang lahat ng nangyare sa ating aksidente at panahon upang maalala mo muli ako. Noong panahon na kaluluwa ko ang lumipat sa katawan ni Diether ay nagkaroon ako ng mild amnesia kung saan hindi ko maalala ang ibang bagay na nangyare sa buhay ko at ikaw iyon. Magsisimula lamang ang 100 days kapag nagkaroon na tayo ng relasyon ay iyon ay nagsimula noong fake relationship natin. Akala ko katapusan na ng mundo dahil hindi ko maisasakatuparan ang dapat kong gawin sa loob ng panahong iyon. Napag-usapan namin ng ni Diether at ng magulang ko na gawing lihim ang totoong pagkatao namin ngunit ito ay kinakailangan na malaman mo.

Operation: 100 Days With HimWhere stories live. Discover now