OOHDWH CHAPTER 27

755 77 31
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 27: Mall Date

"I'll say it a million times. I love you, I love you, I love you."
- The Choice


Angelie Marrianne Menova's POV

Nanunuod ako ng tv ng pumasok si Heather habang dala dala ang isang tray ng cookies. "Ano pinapanuod mo?" Tanging ngiti lang ang sinagot ko dito.

Binaba nito ang dalang tray saka ako tinabihan sa couch. Pasimple nitong inakbay ang braso nito sa akin ng napansin nito na kumunot ang noo ko. "What's wrong?"

"May dala ka nang cookies wala ka naman dalang panulak. Hays." Pagbubulong ko pero sinuguro ko na maririnig niya.

Agad nitong tinanggal ang braso at agad na lumabas sa kuwarto. Malamang sa malamang kukuha ito ng maiinom.

Habang hinihintay ko ito sinimulan ko ng kumain ng cookies na dala niya kanina. Ilang minuto lang ang lumipas ng pumasok muli ito sa kuwarto dala dala ang isang pitsel sa kaliwang kamay at na may dalang dalawang glass na nakapataob sa isang plate sa kanang kamay nito.

"Yan na wifey." Masungit nitong sabi.

Kinuha nito ang tray ng cookies at pinatong sa lap niya. Iyong kanang braso naman niya ayad na iniakbay sakin katulad ng ginawa niya kanina. "Wifey hindi ka parin ba nagsasawa diyan sa pinapanuod mo?"

"Bakit may angal ka?" Lingon ko dito. "Wala wala." Pagbulong nito.

Hindi kasi fan si Heather ng mga korean drama. Tingin kasi niya bading mga ito. Lagi din niyang katwiran na ang hirap daw manuod non kasi hindi mo naman naiintindihan ang mga salita nila at sobrang hassle daw na magbasa ng subtitle.

Ramdam na ramdam ko ang pagiging bored ni Heather dahil mas pinagtuunan nito ng pansin ang cookies kesa sa panunuod ng tv. Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan. Napansin ko na nakatingin din si Heather habang inienter ko ang passcode ko.

Sender: Ma
"Anak huwag mo kakalimutan iyong mamayang gabi ha. Isama mo na rin si Heather."

I forgot na sabihin sa kanya!

"Ano meron mamayang gabi?" Nakakunot noong tanong ni Heather.
"May party kasi mamayang gabi sa amin Heather, birthday ni Mommy." Sagot ko habang nagttype ng isasagot kay mommy.

"Yes ma, isasama ko siya. Wag ka mag-alala."

Napansin ko na nakangiti ito, kaya agad ko itong hinampas sa braso. Hindi nawala ang ngiti nito sa labi hanggang sa sinabi niya na "So your mom already knows about us?"

Doon lang nag sink in sa utak ko na oonga pala. Hindi ko nga pala nadadala si Heather sa magulang ko simula noon. Mas nilapit nito ang mukha sa akin kaya kapag gumalaw ako ay tiyak na mahahalikan ako nito. "So, tanggap na nila agad ako?" Mas naging maloko ang ngiti nito kaya agad ko itong tinulak papalayo. "Uy ano ba! Huwag ka nga ngumiti ng ganyan ang creepy kasing tignan." Inis kong sagot.

Tinawanan lang ako nito at agad na inayos ang pagkakaupo. "Anong oras ba iyong party sa inyo?"

"Around 7 pm. Pero siguro mga 6 or 6:30 pm andon na sana tayo." Napansin ko na nakatingin si Heather sa relo nito at mukhang may kinakalkula. "Ano ginagawa mo?" Pagpukaw ko ng atensyon nito. "Tara alis tayo." Pag-aaya niyo sabay tayo.

"San naman tayo pupunta? Nanunuod ako oh." Sabay baling ng mata ko sa pinapanuod ko. Humarang ito sa tv kaya ako naman pabaling baling ang tingin ko. Napansin nito na mukhang inis na ako sa ginagawa niya kaya agad na umalis sa harap ng tv. Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala ito. "Mamaya ka na kasi manuod. Tara na lakad na tayo." Pagpapacute niyang sabi.

Operation: 100 Days With HimWhere stories live. Discover now