OOHDWH CHAPTER 32

799 75 31
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 32: The Letter

"I hope that somehow I'll be able to look down and see you Charlie and all of the incredible moments just waiting for you out there and if you need me all you have to do is look up and remember I love you."
- Katie Price (Midnight Sun)


Heather Alexander Morone's POV

Agad kong iniabot kay Rian ang letter na ginawa ko. Nakatingin ito ng seryoso sa akin at ito naman ay kanyang kinuha at binuksan.

[Play Background Music.
Say Something by A Great Big World]

Dear Rian Menova,

Kamusta ka na? Sana naman palagi ay nasa mabuti kang kalagayan. Araw araw kong pinagdarasal na sana maging masaya ka dahil ang kasiyahan mo ay siya ring kasiyahan ko. Kalungkutan at pighati mo ay siyang doble ng sakit na nararanasan ko.

Bakit nga ba ako sumulat sa iyo samantalang nasa harap mo lamang ako. Natatakot ako na dumating na iyong araw na malaman mo ang katotohanan at iyon ay malalaman mo lamang sa dulo ng pakikibakang ito--100 days. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o sadyang naging makasarili lang ako. Gusto ko bago ako tumahak sa dapat kong paroonan ay makapiling muli kita kahit sa maiksing panahon lamang.

Hindi ko alam if tuluyan mo ng naalala ang lahat pero noong araw ng naaksidente tayo, ikaw lang ang tanging nakaligtas. Maaring ikagulat mo ito pero oo tama ang iyong nabasa. Matagal na akong patay pero heto ako nabubuhay sa katawan ng kakambal ko na hindi mo nakita kahit minsan dahil ito ay nasa ibang bansa namalagi. Alam ko naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ko kaya ipapaliwanag ko ng mabuti.

Ilang taon na ang lumipas noong dinala kita sa isang acquaitance party. We had so much fun there, me and the rest of the group. We are heading home already. Ihahatid na dapat kita noong araw na iyon, pero hindi ko aakalain na may sumusunod pala sa atin. Ramdam ko ang kaba mo noong panahong iyon. Hindi natin alam kung sino ba ang sumusunod sa atin hanggang sa nabangga ang sinasakyan nating sasakyan na ako ang nagmamaneho. Ikaw dapat ang unang tatamaan ng pagkakabangga pero pinilit kitang iligtas kaya imbes na ikaw ako ang natamaan ng poste. Nawalan ka na ng malay noon, tanging dugo ang nakikita ko na umaagos sa mukha mo pero ako heto alam ko na iyon na ang huling saglit ng buhay ko. Hindi ko na nararamdaman ang sarili ko noong oras na iyon dahil tanging ikaw lang ang iniisip ko. Tanging sinambit ng isipan ko ay ang sana maging ligtas dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag nakita ko na pati ikaw ay mawala. Ramdam ko na ang panghihina ko ng panahong iyon pero pilit kong iginalaw ang mga braso ko at hinawakan ko ang mukha mo bago ko tuluyang inabot ang kamay mo at pilit itong hinawakan. Marahil ito na ang huling beses na mahahawakan ko ito.

Unti unti ng pumipikit ang mata ko ng narinig ko ang mga ambulansya na paparating sa pinangyarihan ng aksidente natin. Laging gulat ko ng makita ko sarili ko na nakatingin sa sarili kong katawan. Agad nilang sinakay mga katawan natin sa ambulansya, kaya naisipan ko na sumakay din doon. Dinala nila tayo sa isang pinakamalapit na ospital, dumating mga magulang mo pati na rin mga magulang ko. Laking gulat ko ng panahong iyon na, makita ang kakambal ko na nakasakay din sa isang stretcher na umaagos din ang dugo mula sa kanyang ulo at pinasok sa isang emergency room. Kitang kita ko iyong sakit sa mata ng mga magulang ko at hindi ito tumitigil sa pag-iyak dahil ang pareho nilang anak ay naaksidente sa parehong oras pero sa magkaibang lugar.

Ilang minuto ang lumipas ng lumabas ang isang doktor mula sa emergency room at hinanap ang magulang ko. "Sino dito ang magulang ni Heather Morone?" Agad lumapit ang magulang ko ng narinig ang pangalan ko. Hindi mapinta ang itsura ng magulang ko ng narinig nila ang mapapait na salitang. "Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya. Patawad po." Hagulgol ng ina ko ang tanging nariring ko ng oras na iyon. Gusto ko itong yakapin ng mahigpit at sabihin, "Ma, Pa, mahal na mahal ko kayo." Noong oras na iyon, hindi ko na kayang tignan pa ang magulang ko sa ganoong lagay kaya naisipan ko na puntahan ang kakambal ko at ikaw na parehong kritikal ang lagay. Nagdasal ako ng mataimtim upang maging ligtas kayong dalawa.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon