CHAPTER 4

0 2 3
                                    

MGA READERS NG STORIES KO PLS. VOTE VOTE & VOTE.
COMMENT AND THEN SHARE IT ON YOUR FRIEND AND RELATIVES.

📗♌📘

JENNIE'S POV

Hayyyy!! Pagod na pagod na ako dahil sa kakahabol sa lalaking ito na isusumbong kami sa mga maling mga gawain at sinasabi namin sa dalawang estudyante at sa guro ni Jisoo sa Guidance Council kung san kami itotorture.

Mike ang sinabing pangalan ng lalaking ito ,iyon ang sabi ng estudyanteng huling binully namin ni Jisoo. At talagang nagpasalamat pa iyong lalaki sa kalokohang ginawa ni Mike sa amin at sabi pa niya daw ay napakasama ng ugali namin ni Jisoo kaya nararapat lang kaming pahirapan sa guidance. Wow, ang gentle nung lalaking iyon sobra!! Pero sa totoo lang ,kami pa la yung masyadong harsh. Well ,masisisi niyo ba ako na sa pamilya ng mga demonyo ako lumaki.

Bakit hindi pa rin siya napapagod sa pagpapahabol?! Kanina pa namin siya hinahabol aahhh!!! Halos mawalan na ako ng hininga at halos makita ko na ang impyernong pagtitirhan ko kapag namatay na ako. Pero si Jisoo desididong habulin iyong Mike na iyon ,well siya naman talaga iyong mas-mapaparusahan dahil siya iyong nagsabi na Bulldog si Ms. Sinalampakangpipit at boses niya ang naka-record sa phone ng lalaking kasinliit ng kabute.

Nakita kong pumasok siya sa eskinita sa pagitan ng Special Class Building at PE Building ,nagdadalawang-isip akong pumasok kaya tumigil muna ako at hinawakan ang mga tuhod ko gamit ang kamay ko ,pagod na talaga ako mga besshh ,hindi ko na kaya. Pero nakita kong dire-diretsong pumasok si Jisoo sa madilim na eskinita.

"Jisoo!! Jisooooooohhhh!!!" sigaw ko sa kaniya ngunit parang wala lang siyang narinig at tuluyang pinasok ang eskinita. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang ako sa kaniya ngunit pagpasok ko pa lang nakita ko na siyang lumiko sa kaliwa sa dulo ng eskinita kaya nagtungo na rin ako doon. Pagdating ko doon sa dulo ng eskinita ay wala na akong nakitang kahit anino man ni Jisoo ,ngunit may narinig akong tumawa ng marahan sa kabilang daan kung saan ang kanang parte sa dulo ng eskinita.

Napalingon ako doon at laking gulat ko na lang nang makita ko ang onano na mabilis tumakbo. Nang napadako ang tingin ko sa cellphone niya kung saan nakarecord ang lahat ng sinabi ni Jisoo ay agad ko siyang nilapitan at kukunin ko na sana pero iniwas niya sa akin iyon. Itinaas niya ang isang kamay niya kung saan naroroon ang cellphone para hindi ko na makuha o maabot. Akala niya naman kung sinong katangkaran mukhang abot ko naman.

Nang aabutin ko na sana ang cellphone mula sa kamay niya sa pamamagitan lang ng pagtaas rin ng kamay ko ay nagtatatalon siya kaya hindi ko maabot dahil ang tataas ng mga lundag niya.

"Ano ka ba?! Huwag ka ngang makulit" iritadong sabi ko sa kaniya habang nagtatalon-talon na rin ngunit hindi ko pa rin talaga maabot.
Naiinis na ako hindi dahil lang sa hindi ko maaabot ,kundi ngingiti-ngiti pa siya na para bang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.
"Nang-iinsulto ka ba??!!" wala na akong magawa kundi itulak na lang siya para ipakita ko ang frustration ko. Nailayo ko siya ng bahagya sa akin.


"ANO!!!" sigaw ko sa kaniya habang umuurong dahil palapit siya ng palapit sa akin habang nakangisi. Bumuo ang kaba sa dibdib ko nang wala na akong pag-uurungan at nakasandal na ako sa pader ng PE Building. Nakangisi pa rin siya hanngang sa makalapit na sa akin ,ikinulong niya ako gamit ang dalawang kamay niya.



"A-anong gagawin mo s-sa akin?" nauutal na tanong ko sa kaniya dahil halos 5 inch na lang ang pagitan ng mukha namin. Nang mas-lumapit pa ang mukha niya ay tumingin na ako sa ibaba at nakita ko ang cellphone niya na maluwang na nakahawak sa kamay niya. Muntik ko nang makalimutan ang pakay ko dito dahil sa lalaking nasa harapan ko na malapit na akong halikan.


Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 02, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Element Reigner: Light & Dark warfareDonde viven las historias. Descúbrelo ahora