CHAPTER 3

2 2 3
                                    

JENNIE'S POV

Sa araw na ito ang unang pasukan namin sa school.Alam niyo ba kung anong school ako nag-enroll for first semester? Syempre sa paaralan ng mga mararangyang estudyante ,sa NAVILLERA UNIVERSITY. Kahit wala na akong pamilya ay kaya ko pa ring itaguyod  ang sarili ko ,syempre sa tulong na rin ni Jisoo kasama iyong pamilya niya at iyong ipinamanang cupckae business ni lola sa akin noong namatay siya. Wala naman akong pake kung anong status ngayon ng business namin ni Jisoo pero may tiwala naman ako sa kaniyang kakayahan at diskarte. Matalino kasi siya ,siya nga yung laging TOP 1
nung grade elementary at nung secondary pa lang kami.



Nag-aayos na ako ng mga gamit dito sa kwarto ko para sa school ngayong araw ,actually were GRADE 12 na ni Jisoo kaya dobleng pagpapaganda ang gagawin namin dahil marami kang makikitang boylets dyan sa University. Hoy, huwag niyo kaming pag-isipan ng masama ha ,were just trying if we can enjoy men's by its attitude and by its side ,kasi NBSB kami ni Jisoo. Marami naman kaming manliligaw pero wala kaming mapili dahil hindi kami madaling mauto at magtiwala sa mga lalaking kakakilala lang namin. Sa dami nga ng mga manliligaw namin ay nagpaparamihan na kami ,tawa kami ng tawa sa mga panahong iyon dahil pinagtripan namin iyong mga manliligaw namin at pinaglaruan sila, sabi nga 'grab the opportunity' diba.




Matapos kong magbalik tanaw sa nakaraan namin ni Jisoo ay nagtungo na ako sa kwarto niya para alamin kung nakahanda na siya pero laking gulat ko na lang na nakahiga pa rin ang gaga sa kama niya na para bang imino-model niya ang cowboy position sa sex & climax na libro.


Tinapik ko ang mukha niya para magising siya ngunit bumaliktad rin siya ng pwesto kaya ngayon natalikuran na niya ako. Hayyy Jisoo!!! Binalibag ko sa kaniya ang mga unan na nakakalat lang sa sahig pero ang ginawa niya ay umurong papuntang gilid ngunit ang hindi niya alam ay wala na siyang pag-uurungan dahil sa sahig na siya babagsak. Tumawa ako ng mahina para hindi niya marinig ,simula kasi nung nag-away kami ay pinangako ko na sa sarili ko na magbabago na ako, baka kasi mag-away muling kami dahil lang sa letsugas kong katamaran kaya i appreciate that time on how she fight for herself and how she acknowledge things to only change
my attitude. Kaya higit na sa kaibigan ang turing ko sa kaniya dahil isa na siya sa pamilya ko at gagawin ko ang lahat para hindi kami maghiwalay ng daan sa mga susunod na oras at panahon.



Matapos siyang bumangon habang iniinda ang sakit sa balakang ay sinamaan ko siya ng tingin para matinag siya at para malaman niya rin kung anong oras na. Pero ang isinumbat niya lang sa akin ay masamang tingin kaya tinaasan ko na siya ng kilay at nginuso ko ang orasan sa kwarto niya, mga 7:06 na ang time ngunit nandito pa rin siya nagpapakasarap sa bakasyon. Tiningnan naman niya ang orasan at bumalik ang tingin sa akin with a bored look. Nagtaka siya sa suot kong damit hanggang sa narealize niya na first day of school ngayon.


Mabilis siyang nagtatatakbo sa banyo para maligo. Linibot ko muna ang kwarto niya at naagaw ng pansin ko ang isang mamahaling saplot-pangsanggol ,grabe ang ganda ng pagkakadisenyo at parang hindi gawa ng isang ordinaryong tao lamang ,para lang siyang gawa ng isang dyosa mula sa kalangitan o gawa ng isang professional designer na kailangan bayaran ng milyon upang magawa lang ang ganitong bagay.




Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harapan ko si Jisoo na natataranta."Anong hinahanap mo?" tanong ka sa kaniya.


"Eeeehhmmm, Jennie kasi--" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at naghalungkat muli ng kung anumang bagay sa kabinet niya. Napatingin siyang muli sa akin na nakabusangot na para bang nagmamakaawa ,linapitan ko siya at tinignan ko siya ng nagtatakang look. "Ano nga kasi?" muling tanong ko sa kaniya.


"Wala akong nabiling uniform for the senior high women attire"
matapos niyang sabihin iyon ay napahimas na lang ako ng sinptido ko at binigyan ko siya ng 'so-stupid-brainless-women-look' na agad naman niyang naintindihan.


Element Reigner: Light & Dark warfareWhere stories live. Discover now