CHAPTER 1

16 2 0
                                    


PICKME'S POV(THIRD PERSON )

KAHARIAN NG DRESOWA

"Mahal na reyna ,ang iyong kapatid ay nanganak na!!" nagulantang ang reyna sa sinabi ng kumadronang nag-paanak sa kapatid niya.
Hindi na niya ito sinamahan sa pag-anak dahil abala siya sa pag-iisip kung paano niya itatakas ang pamangkin sa pagiging bayani ng wicintran island.

Dahil sa paniniwala ng apat na kaharian ,ang maipapanganak na sanggol tuwing lite moonnight ay ang itinakdang maging bayani ng isla laban sa mananakop na sandatahan ng Grendel Island.
Tuwing lite moonnight kasi , hinihigop ng buwan ang lahat ng liwanag na nagmumula sa Isla ng Wicintran upang gawing palibot sa kanyang sarili at upang bigyan na rin ng liwanag ang islang pinagkuhanan niya nito. At dahil sa liwanag na bigay ng buwan mula sa himpapawid ,ang mga sanggol ay nabibigyan ng kakaibang kapangyarihan mula sa ilaw na nagpapaliwanag sa buong isla .Pinaniniwalaan kasi ng mga ninuno nila ,hindi ang buwan ang humihigop sa mga liwanag kundi ang dyosa na nakatira doon na ipinadala ng bathala upang ibigay ang ang kakaibang kapangyarihan at kakayahan sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng liwanag.





Sinundan lang ng kumadrona ang nagmamadaling reyna dahil sa pag-aalala sa kapatid at pamangkin. Nang makarating sa kwarto ng pinanganakan ,tumulo ang luha ng reyna sa nakitang bangkay ng kapatid. Namumutla ito at halatang naputulan na nang hininga dahil sa estado ng pangangatawan. Nabawasan naman ang kalungkutan ng reyna nang makitang umiiyak at puno ng sigla ang sanggol na ituturing niyang tao lamang.


Desidido nang gawin ng reyna ang matagal na niyang plano na sinimulan niya nang malaman na ang anak ng kapatid ay isa sa napili ng bathala na maging bayani. Itatakas niya ang pamangkin mula sa kanyang responsibilidad at ipupunta sa mundo ng mga tao. Upang hindi magtaka ang sinasakupan niya ,ipapalit niya ang pamangkin sa isa sa mga sanggol na ipinanganak rin sa araw ng lite moonnight sa kaharian nila.



"Mhytic" tawag niya sa puno ng mga kumadrona "Pwede na kayong magpahinga sa mga silid niyo ,utusan mo na rin ang mga tagasunod mo na sumabay na sa iyo." utos niya rito.

"Ngunit mahal na reyna ,sino ang mag-aalaga sa anak ng iyong kapatid." tanong niya sa reyna.

"Ako ng bahala rito. Gusto ko lang mapag-isa kasama ang pamangkin ko. Ayoko kasing maalala ang pagkamatay niya at gusto kong magpakasaya ngayon dahil isa sya sa napiling bayani." pag dadahilan niya sa kumadrona kahit ang totoo ay gusto niya itong itakas sa kaharian. Kinukurot-kurot pa niya ang bata sa pisngi niya ng marahan upang mas-maging kapaki-pakinawala ang kaniyang pagpapanggap.


Wala ng nagawa ang kumadrona sa sinabi ng reyna at sinunod na lamang nito ang iniutos niya ,para na rin ito sa sarili niya dahil hindi pa rin ito nakakapagpahinga dahil sa mga gawaing-palasyo.


Nang maka-alis ang kumadrona ay agad syang nagtungo sa silid nya upang suotan ng damit ang sanggol at nagsuot rin sya ng hood kagaya ng mga kasuotan sa kaharian ng terranda. Bumisita kasi ang mga ilang Terrandians upang ibahagi ang balita na itinakas ang ilang
sanggol na itinakda ring bayani ng wicintran island.


Hinintay niya munang mapadaan sa silid-daungan ang mga kawal ng Terranda. Nang makita na nyang papalapit ang mga ito ay sinigurado niya munang nakatago ang bata sa loob ng suot niyang hood ,nang masigurado niyang ayos lang ang pagkakatago sa bata ay sumabay na siya sa paglalakad sa mga ito.


Nakita nyang nagtataka ang mga kawal ng Dresowa tuwing napapadaan ito sa pasilyo na binabantayan nila. Kanina kasi apat lang ang bumisita sa kaharian nila kaya nakakapagtaka dahil nadagdagan sila ng isa.



Element Reigner: Light & Dark warfareWhere stories live. Discover now