Extra Chapter.

15.3K 211 30
                                    

-

STEVEN'S POV 


"O? Anong ginawa mo dun sa kwarto ni Mildred?" -tanong ni Luke na para bang nang aasar. Gago. Anong akala niya sa akin? Manyak? Lul! Alam ko na yung tumatakbo sa isip nito ngayon. Tss.


"Mind your own business."


"Psh." -sambit ni Zeke. Nagtataray nanaman 'tong nirereglang kapatid ni Mildred. Kunwari pang walang paki sa kapatid. Tsk.


"Sama ka Steven?" -tanong ni Luke. 'Di pa kasi ako direchahin. Pinapatagal pa. Amp.


"Saan?"


"May naghahamon sa atin ngayon e. Pa-birthday gift daw nila kay Luke." -singit ni Kyle. Well, ano pa bang dapat asahan? Mapabirthday man o hindi ay talagang hinahamon kami.


"O? Sino naman yun?" wala sa mood kong tanong. 


"Si Silent Prince at yung mga tropa nya." -saad ni Silver. Kinuha nito ang gel sa tapat ng salamin at saka inayos ang kanyang buhok.


"Bumalik na pala ang loko." nakangising sabi ko.



Si Silent Prince. Siya lang naman ang pumapang-apat sa magagaling na gangster dito sa Pilipinas. Tch. Nae-excite tuloy akong makalaban ulit yun. Weak yung mga yon.


-8:30 p.m.-


"Handa na ba kayo?" -tanong ni Zeke. Ano bang mga tanong yan? Kailan ba kami hindi naging handa?


"Yup. Matagal tagal na rin tayong hindi nakasabak sa ganito."  -saad ni Luke. Naging busy na rin kasi kami sa school. Kahit naman basagulero kami ay alam namin ang aming priority. Books before bukols.


"Oonga. Nakaka-miss." -tumatawang sambit ni Kyle. Yeah. Nakaka-miss ngang makipagbasag ulo. Lalo na't may kapalit na premyo.


"I can't wait to see the look in their face." -ngising sabi ni Silver. Tinungga nito ang hawak nitong san mig light.


"Panigurado naman na talo sila." -sagot ni Luke. 


"Oo nga. Tara na." -tawag ni Zeke.



Pumunta na kami sa secret place kung saan naglalaban laban ang mga gangster na tulad namin. As we expected, nandun na nga ang tropa ni Silent Prince. Hinihintay na kami. Madami sila pero ano naman? Talo naman yan sa amin.


"Hindi parin kayo nagbabago. Palaging late." Sabi ni Silent Prince. May pogi bang dumadating ng on time?


"Ulul. Nasa Pilipinas tayo. Asa ka pang may darating ng maaga." -pang uuyam ni Kyle. Masyado yata silang excited para dito.


"Psh. Iba ang Pilipinas sa Amerika." -sabi ni Luke. 


"So ano na? Mag-uusap na lang ba tayo dito?" nanggigigil na sabi ni Zeke. Tss. Sabik sa bakbakan ang kaibigan ko. 


"Kating kati na mga kamay ko o." -saad pa ni Silver na kunwaring nagkakamot pa ng mga kamay nya.


"Okay. Madali lang naman kami kausap." 


Lumapit si Silent Prince kay Luke at sinuntok ito sa mukha. "Happy Birthday Luke." 


Nanlaki ang mata ni Luke sa ginawa ni Silent Prince.  "Gulat ka no? Akala nyo hindi ko kayo kilala? Tss."

Paano nya kami nakilala? Eh, wala namang nakaka-alam ng tunay na pangalan namin sa mundo ng mga GANGSTERS.


"Aish! Etong sayo!" 

Ginantihan naman ng suntok ni Luke si Silent Prince. Dumudugo na ngayon ang labi nito.


"Let's make a deal."


"Ano nanaman ba yan?" 


"If you lose, we'll make sure na isa sa mga syota nyo ay mawawala." sabi nung S.P. na 'to. Natigilan ang lahat sa sinabi ni Silent Prince. Bakit parang ang dami nyang alam tungkol sa personal na buhay namin?

"Paano pag natalo namin kayo?"


"I dunno. Do whatever you want." sagot ni S.P.


"Sige. Pag-iisipan muna namin yung ipapagawa namin sa inyo." saad ni Zeke.


"Okay."


Nagsimula na ulit ang laban.


TANG*NA BAKIT ANG LALAKAS NILA?!


Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon