14.1

16.2K 230 8
                                    

MILDRED'S POV 

Nakaka-asar! Nakaka-inis! Nakaka- UGH! KUYA NAMAN EH. Wrong timing ka palagi. Tsk tsk.

"Samahan na kita Mildred." at oo, ito ang dakilang lover ko. Naks. Lover. Hindi ba pwedeng supporter?

 

"Sige?" sagot ko. Ayoko rin kasing magbitbit. Kailangan ko ng tulong. At saka mukhang marami yatang ipapabili si kuya.

 

Okay. May kasama na akong magbitbit.

"Steven, saan ang malapit na mall dito?" tanong ko dito. Hindi pa rin kasi ako familiar sa mga lugar dito.

"Malapit lang, pwede nga lang natin yun lakarin eh." sabi nito. At kung gusto nyong malaman kung nasaan kami ngayon-- nandito lang naman kami sa harapan ng bahay kung saan mainit at pwede akong mangitim.

 

"Eh. Madami tayong bibilhin tapos maglalakad lang tayo?" hindi naman sa nagi-inarte pero, hindi ko keri ang maglakad sa ilalim ng initan na may maraming bitbit.

 

"Sabi ko nga, magsa-sasakyan tayo." sabi ni Steven at kinuha ang susi ng Chevy nito sa loob ng bahay. Yay!

 

-Mall-

"Para saan ba ang mga 'to?" tanong ko kay Steven habang hawak hawak ang isang plastic na pasta.

"Ah, magluluto ata si Zeke? Birthday ni Luke." sabi nito. Tinignan ko naman ang mga nakasulat sa listahan na ibinigay ni Kuya. Oo nga, nakalagay yun dito. Hmm.

 

"Woah talaga?! Birthday niya? Kailan?" i asked. Kahit na ilang buwan na kaming magkakasama sa iisang bahay, hindi pa rin talaga ako familiar sa mga birthday nila. At sa ibang info tungkol sa kanila.

 

"Bukas." simpleng sagot nito habang pinagc-compare ang isang branded na pasta sa isang local na pasta.

 

"OMG!" ano kayang magandang birthday gift? Excited na ko! Papuntahin ko kaya sila Kim bukas para hindi ako ma-op sa kanila?

 

"Bakit?" tanong nito. Poker face.

 

"Excited na ko. Maghahanda tayo? Teka, pwede bang mang-imbita?" ano kayang magandang gawin bukas? Movie? Hmm.

 

"Ha? Ewan ko. Hindi naman ako yung magb-birthday eh." oo nga naman. Pero nagtatanong pa rin ako para sure.

Isa isa ko ng kinuha ang mga kailangan na nasa listahan. Isang pack na pasta. Apat na itlog. Hmm, gawin ko na ngang isang tray. Bacon. Olive oil? Parsley. Black pepper. Cheese. Ice cream! Ang dami na nito pero wala pa ito sa kalahati ng listahan. Kaya pala ang laki ng pera na binigay sakin ni kuya.

YSSA'S POV 

"Oy mga panget, tignan nyo. Si Kim ba yun?" sabay turo dun sa babaeng tumatakbo na parang umiiyak? Ha? Oh baka naman napupuwing lang ako?

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon