14.3

15.5K 226 28
                                    


-

MILDRED'S POV 


Ang tagal naman ni Steven. Nagugutom na ko. Ganun ba kahaba ang pila sa counter para matagalan sya? Ganun ba karami ang binibili nya para matagalan sya?


Baka nakain na sya ng counter. Puntahan ko na nga.


Nag-iwan ako ng isang bagay sa may lamesa namin para walang umupo na iba dito. Mahirap na kasi. Maraming ahas ngayon. I mean, mang aagaw ng seats.


Naglakad ako papunta sa counter at.


"Bitiwan mo nga ako!" naiinis na sabi ni Steven.


"Ayuku. Ngayon na nga lang tayo nagkita Steven tapos ganyan ka pa." nakapout pa siya. Poutangina niya ah! 'Di ka cute!


"Aish!" ayan mainis ka Steven baby. Sa akin ka lang!


What's the meaning of this? Bakit nag-PBB teens sa public si Steven?! Bakit hindi ako yung ka-PBB teens nya?! UNFAIR.

-

Kaya pala ang tagal tagal nitong si Steven. Tsk. Nakikipag-landian pa kasi. Psh. Bahala nga sya dyan.


Lumapit ako sa counter at saka dinaanan lang si Steven. Kung sino man siya. Pwe. "Ate kunin ko lang po yung order ng kasama ko." sabay turo kay Steven na nakikipag-landian pa rin dun sa mukhang bisugo na babae pero mukhang barbie.


"Mildred?" tawag ni Mildred sa akin. 


Hinarap ko siya na kunwari ay di ko alam na malapit siya sa akin. "Uy! Steven, nandyan ka pala? Hindi kita napansin."


"Mildred naman." Kasalanan ng babaeng bisugo. Natuto ng magpout ang Steven ko!


"Bakit? Ano meron? Oh..may kasama ka pala." ngumiti ako. Yung ngiting pang kontrabida. 


"Ate yung order po nya?" sabay turo ulit kay Steven. Oo gutom ako at naiinis.


"Eto na po ma'am." Inabot na sakin ni ate waiter yung order namin ni Steven. Wag mo kong kausapin Steven. Landi mo. Ako dapat yun eh. 


Nagwalk-out ako sa scene kung saan posible mag landian ang prinsipe at isang bisugo.


"Mildred!" Wala akong naririnig. Bingi ako. Hindi pa ko naglilinis ng tenga.


"Mildred!" Wag kang lilingon. Uy. Di ba movie yon?


"Mildred!"  Gutom lang yan. Walang natawag sayo Mildred. Keep calm.


"Mildred!" Bahala ka dyan! Member ako ng pabebe girls at walang makakapigil sa akin!

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon