6.2

23.3K 355 25
                                    

MILDRED'S POV

"Um.." yun na lang ang katangi-tanging salita na nasabi ko. What the hell. Bakit ba pasulpot sulpot 'tong lalaking 'to sa paligid ko?

"Welcome pa ba ako dito?" he asked while looking intently at me.

"Sort of?"  Ang awkward naman nito. 

Biglang tumahimik ang paligid na para bang hinihintay nila na may magsalita ulit sa aming dalawa ni Stephen.

"EHEM." pagbabasag ng katahimikan ni Silver. Tinignan naman ako ni Yssa at siniko ako.

"Forever turtle ba talaga ang peg mo Mildred?" sabi ni Yssa.

"Ha?" Natatanga na ako. Ano ba 'tong pinagsasasabi ni Yssa?

"Siguro naman, pwede mong ipakilala yang si Stephen dyan kay Silver di ba? Hay nako!" pagtataray ni Yssa. Oh. Oo nga pala. 

"Stephen meet Silver. Silver meet Stephen." Yun na lang ang nasabi ko. Syempre. Alangan namang may iba pa akong sabihin 'di ba?

"Sige. Alis na muna ako. Mildred, tawagan mo na lang ako kung uuwi kana." pagpapaalam ni Silver. Matagal bago nag-rehistro sa utak ko ang nangyaring pagiiwan sa'kin ni Silver ngayon. Paano ako uuwi?!

"So....panget, una na muna siguro kami ni Hana?" nagdadalawang isip na sabi ni Yssa. Mabilis namang umalis ang dalawa. 

"Ha? Akala ko ba kakain pa tayo ng-mmmphh"  Hindi na natapos ni Hana yung dapat niyang sasabihin dahil bigla na lang tinakpan ni Yssa ang bibig nito

"Bye!" sabi ni Yssa bago sila tuluyang nawala. Bago pa man ako makapag reklamo ay nakaalis na sila. Great. 

"So.....anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito. Ang random naman nito na bigla bigla na lang pupunta dito sa property namin.

"Ang laki talaga ng galit mo sakin no?" Hindi ko ito sinagot. "Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako napapatawad?"  Kung si Lord nga marunong magpatawad, ako pa kaya? 

"Hindi pa eh."

"Okay okay. To get things straight, gusto ko sanang itanong kung may pag-asa bang maging tayo ulit?" Tuloy tuloy nang sabi.

Nababaliw nanaman ako. Sumasakit ang ulo ko. Literal!  Kung bakit ba naman kasi biglang lumitaw nanaman 'tong EX ko na parang mushroom!  Wala naman na talaga akong hard feelings sa kanya. Okay na ko. Pero bakit kailangan sumulpot sya ulit di ba? 

"So...kamusta kana?" paninimula nito. Naglakad ako papasok ng bahay at sinundan naman niya ako. Sinenyasan ko sila yaya para gumawa ng meryenda. I know na may past kami. Wala naman akong tinanim na galit sa kanya. And I think its rude na hindi mag-entertain ng bisita. After all, naging parte pa rin naman siya ng buhay ko noon.

"I'm good. Ikaw?"

"Okay lang din." Kaloka ha? Ano 'to? Pag uusap sa text? Ang dami pang paligoy ligoy. Mukhang hindi naman ito bibisita sa bahay ng wala lang. 

"Ano bang kailangan mo at napadalaw ka?" diniretsa ko na. Hindi naman sa nagmamadali ako pero kasi may mga aasikasuhin pa ako. And speaking of, kailangan ko palang tawagan ulit si Silver para sunduin ako. Bwisit na 'yon. Bigla na lang akong iniwan.

"I just drop by to see you." ngumiti ito at tinitigan ako. 

"Kung ganon lang din pala, bakit hindi mo na lang ako i-search sa facebook at friends naman tayo? Marami akong uploaded pictures don." sa true naman. Hindi ko naman siya binlock nung nag-break kami. Hindi naman ako ganon ka-bitter. And besides, ang tagal na rin naman non.

"Sorry. Mukhang naabala yata kita."

"Hindi naman. Medyo may inaasikaso lang kasi I am moving out of this house. Nag aayos lang kami ng gamit."

Tumayo na ito at dumiretso sa pinto at saka nagpaalam. Weird. Wala rin naman siyang sinabing importante pagkatapos. Though, buti na lang at umalis na siya. Kinuha ko ang sinerve ni yaya na donut. Hindi man lang niya ginalaw yung sa kanya. O well. More for me!

Kailangan ko pa palang tawagan si Silver.

[Calling Silver...]

"Hello Silver!"

["Sino 'to?"] 

"Si Mildred 'to! Punta kana here!"

["Ha? Hindi 'to si Silver. Kyle 'to"]  

"What? Nasaan si Silver?"

["Hindi ko nga alam eh. Bakit? May kailangan ka ba?"]

"Magpapasundo na sana ako."

["Alright. I'll pick you up."]

"Thanks!"

Nasaan kaya 'yon? And bakit si Kyle ang natawagan ko? At bakit meron akong number nya? Minumulto na ba ako? Sinong hampas lupa ang nangialam sa phone ko?

Nasaan na pala ang dalawang bruha? Bakit biglang luli ang mga tao ngayon? Lulubog lilitaw! Hay!


KYLE'S POV

Napangiti ako pagkababa ko ng phone.  Namiss ko bigla ang kapatid ko. Halos kasing edad na siguro ito ni Mildred ngayon. 

"Kung nasaan ka man ngayon, magparamdam ka naman oh." Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang umihip ang hangin. "Nagbibiro lang! Hindi mo kailangan manakot!" 

Pinagpawisan ako ng malamig. Miss ko na ang kapatid ko pero mas nangingibabaw ang takot ko. Oo, takot ako sa multo. Hindi ako fan ng mga horror movies. Lalo yung mga thai horror films!

Nasa labas na ako ng bahay ng maalala kong hindi ko pala alam kung nasaan ang bahay ni Mildred. Wow. Ang tanga talaga. 

"FUCK!"  Napahawak ako bigla sa ulo ko ng biglang may bolang tumama sa ulo ko. Damn that hurts. Kung sino mang nagbato nito ay siyang mananagot sa'kin. 

"Oops, my bad." inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang bumato sa ulo ko. 

Agad kong nilahad ang kamay ko sa harap niya. Isang magandang dilag. Maputi, makinis, malaki ang asset. Kyle approves!

"Okay lang." 

"Justine." hinawakan naman nito ang kamay ko at nakipag shake hands. Damn. She's beautiful. Papayag kaya itong mapasama siya sa aking flavor of the week?

"Kyle." hinalikan ko ang likod ng kamay niya at saka ito nginitian. Nakita ko namang namula ang mga pisngi nito sa ginawa ko. Ang gwapo ko talaga. Mukhang may bago nanaman akong mabibiktima.

"Hoy Justine! Nandito ka lang pala! Ang tagal tagal mo naman!" -isang amazonang babae na 'di mukhang babae ang pumagitna sa aming dalawa. Sino ba 'tong istorbo na 'to?! Kita naman niyang nagb-build kami ng koneksyon nitong si Justine tapos biglang sisirain yung moment! 

"Oops. Sorry. Okay, okay, I'm coming!" nagmamadaling sabi nito sa babaeng tumawag sa kanya. "By the way, nice meeting you." Naniniwala na ako sa love at first sight!

**

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon