7.1

23.1K 333 43
                                    

**

MILDRED'S POV

Kung minamalas ka nga naman oh. Ang kuya mo pa ang sumalubong sayo.

"Ba't ang tagal nyo?" salubong na tanong sa'kin ni kuya. May kung anong itim na ulap ang nakapaligid sa kanya. Kampon talaga 'to ng kadiliman e!

"Ewan. Papasok pa ba kami o hindi?" Napatingin ako bigla sa nagsalita. Nandito na agad si Hana. At saka, bakit niya sinagot ng ganun si kuya? 

"Sabi ko nga, pasok na hindi ba?" biglang tumiklop ang dila ni kuya. Anong nangyari? Kailangan kong matutunan ang kung ano mang tricks na ginawa ni Hana. Yung itim na ulap na nakapaligid sa kanya kanina ay biglang nawala. Milagro.

Hindi man lang inaway si Hana? Tapos kapag sa'kin gigil na gigil? What kind of sorcery is that?

"Uy! Takas lang pala ako Mildred. Uwi na me!" pagpapaalam ni Hana. 

"Ha?" 'Wag naman oh!

"Ayokong ma-grounded friend. Just let me go!" sabay tingin nito kay kuya at hindi sa akin. Nagmadali itong umalis palabas ng pintuan. Ganun na lang yon? Weirdo.

"Fine. Umalis kana. Shoo!" pagtataboy ko sa kanya. Iniwan na talaga nya ako. 

"Sabi na eh." napalingon naman ako sa taong nagsasalita sa likod ko. "I guess she really don't want to see my anymore" may kung ano pang binulong ito ngunit hindi ko na narinig. 

"Ano po?"

"Just get inside." tinalikuran na 'ko agad ni kuya at agad na pumasok sa loob ng bahay. Bakit ba ang hilig ng mga tao na iwanan ako?

Sumunod na lang din ako sa kanya at pumasok na rin sa loob. I'm really tired. Gusto ko ng magpahinga but I have to fix my stuff first. May bathtub kaya sila dito? Parang ang sarap magbabad tonight at magmunimuni.

"Where did she go?" naputol ang pagp-plano ko ng biglang lumitaw si kuya sa likod ko. Sino ba ang tinutukoy nito? 

Napansin ata ni kuya ang pagkunot ko ng noo. Bakit kasi hindi niya kumpletuhin yung question niya?  "Si Hana?"

"Um, she went home na."

"I see."

Bago pa man ulit ako makapag salita ay umalis na ito. Dumagdag nanaman ang mga katanungahan ko sa buhay. Una, paano naging magkakilala sila Hana at Silver? Pangalawa, bakit biglang nagparamdam si Stephen? Pangatlo, bakit mukhang bothered si kuya kay Hana? Wala bang may balak mag kwento sa'kin ng mga ganap dito sa bahay? Keep me posted man lang sana para aware ako. Hmp.


SILVER'S POV

"And thank you for being a dumb ass!" biglang sambit ni Zeke. Nagsusungit nanaman 'tong isang 'to. 

"Ano?" nagtatakang tanong ko rito. Kanina pa kasi preoccupied ang isip ko. Inaalala ko nanaman ang mukha ng babaeng napkin na 'yon. She's cute. Pero nakakarindi ang boses niya. Masyadong matinis. 

"See. You're not listening." kumuha ito ng baso at saka nilagyan ng tubig. "Kanina pa ako nagsasalita dito tapos..nevermind" nang-uuyam na sabi nito.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" hinarap ko ito at tinignan. 

"Hindi ba uuwi si Luke?" kinuha nito ang balisong sa harap at saka pinaglaruan. Lumayo naman ako ng konti at baka mahagip ako. Sayang naman ang kutis ko kung masusugatan lang. Iniingatan ko pa man din 'to dahil maraming iiyak na chicas kung masisira 'to.

"Ah. Hindi. Brokenhearted." 

Kumuha rin ako ng baso at saka sinalinan ito ng vodka. Alak nanaman. Wala na yatang ibang laman ang sistema ko kundi alak at sigarilyo. Maaga yata akong mamamatay nito. 

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon