6.1

24.4K 363 16
                                    

**

MILDRED'S POV

"The who yung kasama mong boylet?" sabi ni Yssa. 

"Uh. Silver?" sagot ko naman habang inaayos ang damit ko. Huhubels. Nagusot na. Ayoko pa man din ng nagtutupi ng damit masyado. Hay.

"Ilan ba kayo sa house?" tanong naman niya. 

"Four? I guess." sagot ko naman dito habang busy pa rin sa pag aayos ng gamit ko. Medyo mahina ako sa pagtatanda eh. Nabanggit na ba nila kuya kung ilan kami sa bahay?

"So. Kaano-ano ni Hana si Silver?" sabi nito habang naglalagay ng nutella sa sandwich nya. 

"I don't know? Ngayon ko nga lang nalaman na magkakilala sila eh. It was quite unexpected." 

"Hindi kaya boyfriend nya yun?" tanong nito. 

Tinignan ko ito. "Well if that's the case, then good. At least hindi na niya ipu-pursue yung pagmamadre niya di ba?" As far as I can remember, sinabi ata samin ni Hana before na gusto niyang magmadre. Nung tinanong namin siya kung bakit, wala naman siyang ibang sinabi kundi trip lang niya. Minsan hindi ko na rin alam anong tumatakbo sa isip ng mga kaibigan ko. 

"Girl. Ang dami mo namang dala." sabi ni Yssa.

Pinababa ko na kasi kila yaya yung mga maleta ko. Pina-check ko na rin sa kanila yung laman nito. Mamaya baka ibang maleta nanaman ang makuha ko.

"Dala mo ba ang buong laman ng closet mo?" Lumapit si Yssa sa maleta ko at saka sinipa sipa ito. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Girl, grabe. I think nabali ang mga kuko ko sa paa. Sure ka bang damit ang laman niyan at hindi bato?"

Well. Kuya Gener is not around. My maid is not around. Hindi ko naman kayang buhatin 'to. 

"Silver is there naman. I'll ask for his help na lang." sabi ko ng nakangiti. Mabuti na lang talaga at nagpasama ako sa kanya ngayon. Good thing ay hindi naman ito nahawa sa ugali ni kuya.

Naglakad na kami ni Yssa papuntang main door ng may marinig kaming parang nag-aaway. 

"Wait." pigil sakin ni Yssa. "Naririnig mo yun?"

Dinikit namin ang tenga namin sa pintuan at nakinig.  "So?" nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Yssa.

Lumabas na kami ng pintuan at naabutan sila na nagbabangayan. Dinuro duro ni Hana ngayon si Silver. Ano bang meron sa dalawang 'to?

"You piece of jerk! I told you not to make paalala yung nangyari. Ugh!" Oh. Anong pangyayari naman kaya 'yan? 

"I can't. Your face! Ang priceless talaga!" hawak hawak na ni Silver ang tiyan niya ngayon habang tumatawa. Pikon na pikon naman yung isa. Gaano katagal na ba kaming nasa taas ni Yssa? Mukhang kanina pa nagbabangayan itong dalawa?

"Annoying crap!"

Nandito pala kami ngayon sa likod ng puno. We're hiding from them. Lumipat kasi kami ng lugar kanina na mas malapit para mas mapakinggan yung paguusap ng dalawa. 'Di kasi rinig masyado sa loob. Hehe.

"So, should we call 911 na talaga?" tanong ni Yssa.

"Nah. Moment nila yan." napangiti ako. Ang harot. Diyan naman nagsisimula ang lahat 'di ba? Sa mga asaran. I bet sa huli magkaka-igihan din 'tong dalawa. Hihi.

"Are you kidding me Mildred?" lumabas na si Yssa sa likod ng puno. "Moment ba yang tinatawag?"  Hinila niya ako at saka tinuro si Hana na may buhat buhat na pot. And..well, by the looks of it, mukhang ibabato na niya yung paso kay Silver. Aggressive naman nito!

"Wait wait!"

Bago pa man mabato ni Hana yung paso, pumagitna na kaming dalawa ni Yssa.

"What is happening here?" tanong ni Yssa habang hawak hawak sa balikat kay Silver.

"That Silverbells!" turo ni Hana kay Silver.

"Anong ako? At ikaw, Hana Banana, Silver po ang pangalan ko, hindi jinglebells. Pwede ba? Ibaba mo nga 'yan. 'Di mabiro ampota!" pagtataray ni Silver.

"Hana is my name you annoying crap!" sigaw naman ni Hana.

Bigla namang nagwalk-out si Silver sa scene. Ito na ba yung simula ng pagiibigan nilang dalawa? Ganito kasi yung mga nababasa ko sa Wattpad. Too cliche pero nakaka-kilig pa rin. From foes to friends to lovers at sana, 'wag strangers. Nagsisimula ang lahat sa simpleng asaran. 

"Hoy ikaw babae!" sabi ni Yssa habang kinukurot yung bewang ni Hana.

"A-aray! Bakit nanaman ba?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Hana.

"Anong meron sa inyo ni Silver, ha?" pagtataray ni Yssa.

Hay nako. Maka-alis na nga. Kailangan ko pang asikasuhin mga gamit ko. Marami pa 'kong kailangan ilagay sa sasakyan. Gusto ko na ring umuwi para makapag-unpack na ng gamit. Sana lang ay wala si kuya pag uwi namin.


YSSA'S POV

Magkaka-lovelife na ang aking friend. I'm so happy.

"Akin na nga yang maleta mo!" sigaw ni Silver. 

"Highblood lang?" sagot naman ni Mildred habang hila hila ang maleta nito. Ganito yata napapala ng mga taong tumitira kasama ang kuya Ezekiel niya. Nagiging beastmode lagi. Sana lang ay hindi nila mahawaan ang kaibigan kong 'to.

"I didn't know na may pangit at epal ka palang kaibigan." sabi naman ni Silver habang nakaturo kay Hana. Patola rin talaga 'to. 

"Hoy, anong ako?!"  News flash. Nag-aaway nanaman po sila. Pikon na pikon na si Hana. Jusme. Hindi na magsitigil 'tong dalawang 'to. Hanggang ngayon wala pa rin kaming idea kung paano at saan nakilala ng friend naming ito si Silver. 

Lahat ng happenings sa buhay naming magkakaibigan ay updated kami. Ultimo ingrown ng isa sa'min ay alam naming lahat. Para na rin kasi naming kapatid ang isa't isa. 

"Eh ikaw naman ta-"

"Hi Mildred!" napalingon kaming lahat sa kanya.

"S-stephen?"

**

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon