Epilogue 2.

6.2K 103 8
                                    

After a few years....

"Cheers sa bagong sakal! I mean kasal!" sigaw ni Kyle habang hawak hawak ang kamay ni Kim.

"Buti pa kayo, kasal na." sabi ni Hana sa kaibigan nyang si Mildred.

Oo. Buhay si Mildred. Masyado ata syang mahal ni Lord kaya binigyan sya ng second chance para mabuhay ulit. 

"Sus. Sa susunod, kayo naman." pabirong sabi ni Mildred kay Hana.

"Kanino naman?" mataray na sagot ni Hana.

"E di kanino pa? Kay Silver syempre!" singit ni Steven sa usapan.

"Yuck ha. Mamamatay muna lahat ng ibon sa langit bago mangyari yun. O sya, mauuna na ako sa reception." sagot ni Hana.

"Picture naman tayo kasama ng bagong kasal!" sigaw ni Yssa.

-*-

Mildred's POV

Maraming bagay ang nangyari noong mga nakaraang taon. 

Si Luke? Okay na sila ng parents nya. Nagt-trabaho sya ngayon sa company ng daddy ni Iris bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya nito sa kanila. 

Si Iris? Ayun, kasalukuyan pa ring sinasaktan si L.A., physically. Buti na lang at hindi pinapatulan ni L.A. Siguro kasi ay buntis si Iris sa pangalawa nilang anak kaya si L.A. ang pinagbubuntunan nya.

Si Yssa? Close na sila ng parents ni Luke. After a few months or years, baka magpakasal na rin sila ni Luke.

Si Hana? Ayun, makulit pa rin. Isip bata kahit graduate na ng college.

Si Silver? Hindi pa rin sila magkasundo ni Hana. Pero alam ng lahat na may gusto sila sa isa't isa.

Si Kyle at Kim? Hindi ko alam kung anong status nilang dalawa sa ngayon. 

Si kuya Zeke naman? May bago yatang pinopormahan na babae. Nakamove-on na yata talaga sya sa past girlfriend nya.

Si Aya? Bumalik na ng States at doon na nanirahan. Mayroon na rin kasi syang work doon kaya doon siya nag-stay.

Si Steven? Ayun, asawa ko na. Who would have thought na mahuhulog ako sa lalaking katulad nya? He's not my type pero sa kanya ako nahulog. Oh well. Siguro ganun talaga pag mahal mo.

-*-

"Guys isang picture pa oh!!" sigaw ni Iris.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung wala sila. 

Ano kaya kung hindi ako pinatira sa bahay ni kuya? Siguro hindi magiging ganito ang buhay ko. Buti na lang pala at doon ako tumira kay kuya.

Dahil nakilala ko ang limang gangster na nagpabago sa buhay ko. At nakilala ko ang isang gangster na syang minahal ako ng totoo. At oo, si Steven yun.

*FIN*

-*-

Author's Note:

Finally after 2-3 years, natapos na rin sya! Huhuhu. Ito na ang pinakahihintay nyong update. Tapos na rin sya sa wakas!! Huhuhu. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon