2.1

31.3K 461 45
                                    


***

"Uhm, hi? Kamusta kana?" Syempre okay na. Ilang buwan, taon na rin tayong hindi nagkikita. Malamang sa malamang ay nakamove-on na 'ko sa'yo.

"Hindi okay." sagot ko dito habang inaayos ang sarili ko. Paanong hindi ako magiging okay e kung hindi ka sana haharang harang sa dinadaanan ko ay sana hindi ako maaabutan ng mga kaibigan kong gigil na pagsukatin ako. 

"Hala? Bakit naman?"  nagtatakang tanong nito. Feeling ah. 'Kala niya yata ay may dinadamdam pa rin ako sa kanya.

"Kas-"

"MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG, MULING PAGBIGYAN ANG PUSONG NAGMAMAHAL~" 

Sabay sabay na kumanta ang mga kaibigan ko. Akala ba nila funny sila don? Binabawi ko na yung mga binitawan kong salita kanina. Hindi na ulit ako grateful!

"Hoy mga panget! Tigil nyo nga yang kahibangan nyo! Kaya tayo inuulan e. Kumakanta pa kasi kayo." suway ko sa kanila. Nakakahiya at sa gitna pa talaga ng isle kami nagtipon tipon. 

"Sus, siguro pinlano mo 'to no? Yung paghabol namin sayo?" At ako pa nga ang nagplano? Bakit parang kasalanan ko? Ako na nga ang biktima tapos ako pa ang mastermind? 

"Oo nga! Siguro pinlano mo 'to. Siguro pinlano mo yung pagbubunggo nyong dalawa.." Napairap ako. Hindi na 'ko natutuwa sa mga nangyayari ngayon. As if namang gugustuhin kong makabanggaan ang ex ko ngayon.

"Tapos tapos..Sasabihin nyo na KAYO na ulit." Excuse me. Kaya nga ex eh. Hindi na binabalikan. Pwera na lang siguro kung martir ka.

"Tama ka dyan girl." dagdag ni Hana. Sarap pagkukurutin sa singit ng mga bruha na 'to. Kung maka-issue naman parang 'di tayo friends ah!

"HOY HOY! Tigilan nyo nga ko. Hindi ko 'to pinlano no." inirapan ko ulit sila. 

"Defensive masyado?" nakangising sabi ni Yssa.

Tumawa ako ng plastic. Hay, 'tong mga pabebe girls na 'to. Mamaya talaga, makakatikim sila!

"Tatawa na nga lang, ang plastic pa." sabi ni Iris.

"Uhm, sige Mildred, i'll go ahead na." pagputol ni Stephen sa usapan. Hindi ko man lang nakausap ng maayos dahil sa pesteng mga babaeng 'to. Hindi na tuloy nakacatch-up masyado. Not that i'm interested pa sa kanya pero kahit naman papaano ay may pinagsamahan pa rin naman kami.

"Girl, ikaw ah. Make kwento nga!" conyo'ng sabi ni Hana. Yuck. 'Di ko talaga gusto yung ganitong style ng pagsasalita. Bakit hindi kana lang magtagalog? Mag-english?

"Ano namang ikukwento ko?" nauna na 'kong maglakad sa kanila palabas ng Forever21. Nahihiya na rin ako sa mga sales lady sa loob dahil sa ingay na dinulot namin.

"Yung about sa inyo ni Stephen?" 


YSSA'S POV

He's back. Stephen's back; ang boyfriend, or should I say, ex ni madam Mildred.

"Ano bang dapat kong ikwento tungkol kay Stephen?" tugon nito

"Yung ano..yung nagkabungguan kayo." Kahit kailan talaga, ang chismosa ni Hana. Ang daldal! Pero umusog din ako ng konti para pakinggan ang kwento nila. O well, hypocrite na kung hypocrite. Mukhang juicy ang chismis!

"Oh? Ano meron dun?" tipid na sagot nito. Ang showbiz ha. Kailangan talaga kulitin para magbigay ng details.

"Wala naman..hmm, may naramdaman ka ba nung ano..nung nagkabanggan kayo?" Yung tinatawag na spark?! Yung parang pag nagdikit ang mga braso niyong dalawa biglang parang may kuryente na dadaloy sa inyong  dalawa tapos magkakatinginan na lang kayo at magsasabing, na-feel mo rin ba yon?

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon