1

46.6K 734 39
                                    

***

"Iha, my decision is final." walang halong pagkurap at second thoughts na sabi ni papa sa harapan ko. 

"But-" oo, ayaw ko sa desisyon nya. Tututol na nga ako e, kaso pinutol pa ako. Alam niyo ba yung feeling?

"No buts. You'll be staying with your brother for the whole school year." walang pakundangan na sabi ulit ni papa.

"WHAT?/FUCK!" sabay naming sabi ni kuya. Darn it. Oo, masamang desisyon ang naiisip mo papa. Dinadala mo lang ako sa sarili kong hukay. Hindi mo ba naiisip yon? 

"Jared Ezekiel! Stop cussing!" suway ni papa kay kuya. Kung makapag-mura naman si kuya, akala niya e pabor din ako sa desisyon ni papa. Ayoko kaya siyang makasama. Hindi naman 100% na ayaw, pero kasi, I have my reasons.

"Tss." Padabog na umalis si kuya sa labas ng pintuan ng office ni papa. Oo, kasi diyan naman siya magaling. Sa pagdadabog. Pinaglihi nga ata 'yan sa mood swings. Ewan ko ba. Tsk!

"Pa..why do you have to do this? Alam mo naman yung situation namin ni kuya hindi ba?" nagmamaka-awang sabi ko kay papa. Lumpait ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito. Maawa at mahabag!

"Kaya nga. Baka dahil sa desisyon kong 'to, you and your kuya will be okay again." 

Hinawakan ni papa ang balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata. Alam ko naman na gusto niyang magkaayos kami. Sa tagal ba naman ng panahon na world war kami ni kuya, siguro oras na rin para magkabati kami. 

Ako gusto ko na maging okay kami, e siya kaya? Based naman siguro sa actions niya, halata namang hindi talaga ako welcome sa buhay at bahay niya. O no. This is not good.

"Sige iha, go fix your things na. Bukas kana lilipat sa bahay ng kuya mo." pagtataboy sa'kin ni papa. Literal na pagtataboy kasi tinutulak niya na ako palabas ng office niya. Nakakahurt naman 'to. 

"Okay dad." As if naman kasing may option pa 'ko, e mukha namang decided na si papa. Napabuntong hininga na lang ako. Hay, hassle! 

Ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon. Ayaw na ayaw na ayaw sa'kin ni kuya tapos magsasama kami sa iisang bahay? Nope. Hindi magandang idea. I need to have plans.

Plan – Ligtas Buhay Act. Oo, alam kong medyo baduy at corny ang pangalan ng plano ko. Pero I need to think quick. 

Plan A. Magpa-ampon sa magulang ng aking bestfriend na si Yssa. Yes. Pwede naman yun since matagal ko ng kaibigan si Yssa at para na rin naman na kaming magkapatid nun. 

Plan B. Magpa-abduct sa mga aliens at sumama kay Kokey. Isang napaka-corny na paraan kaso hindi kami bati ni Kokey. Nag away kami dahil lang sa hindi ko siya napagbigyan sa date namin last year. No thanks. Hahanap na lang ako ng gwapo sa kanto. 

Plan C. Magpakasal sa kahit sino para di ko na kasama sa bahay si kuya.

Kahit sino tulad ni Daniel Padilla, Enrique Gil, Liam Hemsworth, at Thomas Torres. Pwede naman siguro yun diba? 

Plan D. Kill kuya..with kindess.   Mahal ko kuya ko 'no kahit --

"Ma'am saan po tayo?"  biglang sabi ni manong. Hindi ko talaga alam kung bakit ang hilig ng mga tao na putulin ang bawat salitang sasabihin ko. O sige, kayo na magsalita. Ako naman ang makikinig. Imbyerna ha.

"Uh manong, uwi na po tayo." sumandal na lang ako at naglagay ng earphones ko. Susme. 

"Sige po." pinaandar na ni manong yung sasakyan. 

Nasaan na nga pala uli ako? Ah. My plans..Hmm.. What to do? What to do? Isip ng mabuti. Kung kailangan pigain ang utak, panty, at ribs para lang makapag labas ng magandang idea ay gagawin ko na.

Living With Five Gangsters - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon