Napatingin naman ako sa mga bata na masayang nag hahabulan..

"Kung sakaling pwede mong maibalik ang dati , gagawin mo bah?"

Napalingon ako kay Dale ng mag salita ito..

Napa isip naman ako sa tanong niya..

"Siguro?.Hindi ako sigurado.Kasi kapag bumalik ako sa dati , mararanasan ko pa rin naman ang sakit..At kapag nagpatuloy ako sa kasalukuyan..Siguro ganun parin , pero iba na.Iba na yung situwasyon kasi iba na rin ang panahon.." sambit ko at ngumiti

"Kung pwede ko lang angkinin ang sakit na nararamdaman mo , gagawin ko..Gusto ko , masaya ka lang , at hindi ka nasasaktan..Okay lang kung ako ang makaranas ng sakit na yan , wag lang yung babaeng pinaka iingatan ko.."

Ngumiti lang ako sa kanya..

"Mama!"

Napalingon nalang ako ng marinig ko ang tawag ni Xandra..

Hinihingal itong lumapit sakin..

"Bakit?.Nahihirapan ka na naman bang huminga?" nag aalala kong sabi

Tumangon ito at umupo sa tabi ko..Hinaplos ko naman ang likod niya at binigyan naman siya ni Dale ng tubig..

"Wag ka kasing takbo ng takbo.." sambit ko at pinunasan ang basa niyang noo..

"Nakikipag laro lang naman ako kina kuya Ethan at kuya Nathan eh.." aniya

"Kahit na..Yung mga kuya mo , masisigla sila , ikaw may sakit ka..Alam mo naman ang mangyayari kapag nasobrahan ka diba?.Sasakit yang dibdib mo at isusugod ka na naman namin sa ospital...O di kaya atakihin ka ng seizure mo.." sambit ko

"Sorry mama.." aniya at humalik sa pisngi ko at niyakap ako

Ngumiti lang ako sa kanya..

"Ethan , Nathan!.Hali na kayo , kumain muna kayo.." tawag ni Dale sa kambal

Agad naman silang tumakbo papunta samin at ngumti..

"Ang basa na ng likod niyo.." sambit ko at isa isa silang pinunasan..

"Ang bilis naman kasing tumakbo ni kuya Ethan eh.." reklamo ni Nathan.

"Ang bagal mo naman..Kaya lagi lang taya eh.." si Ethan at tumawa

Sumimangot si Nathan kaya nagtawanan kami..

"Tama na nga yan..Kumain na kayo.. " sambit ko at kinuha ang mga pagkain sa basket..

Habang kumakain kami ay napansin kong tulala si Xandra..

"Xandra.." tawag ko sa kanya

Pero hindi niya ako nilingon..Agad akong napatingin sa kung saan man siya nakatingin..

Doon ko nakita ang batang lalaki na ka edad lang atah nina Ethan at Nathan..

"Xandra.." tawag ko sa kanya ulit at agad naman itong lumingon sakin..

"Mama , ba't po siya mag isa?" aniya at tumingin ulit doon sa batang lalaki

"Ba't mo naman natanong?.Kilala mo bah siya?"

Agad naman siyang nag iwas ng tingin at ngumuso..

"Xandra , kung mag isa man siya , baka may hinihintay lang siya..O di kaya may kasama siya pero iniwan siya saglit.." pagpapaliwanag ko sa kanya

"P-Pwede ko po bah siyang lapitan?" aniya na parang nagdadalawang isip

Napangiti naman ako..

His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon