Namsan Seoul Tower ❤️ (Last Chapter)

115 5 7
                                    

"Love gising naaaa." Paggising ko kay Sungjae dahil today is the day na ng aming tooooour.

"Mmmm." Halatang ayaw magpagising. Kaya ang ginawa ko ay kiniliti ko siya hanggang magising.

"Ahahahah l-love. Hahahahaha."

"Ano dika pa babangon jan ha? Oh ayan, sige. Kikilitiin pa kita ng kikilitiin."

"Ahahaha oo nahahaha babangon nahahaha." At saka ko tinigilan ang pangingiliti sakanya.

"Bumangon na kasi jan, maliligo pa tayo tas magbreakfast pa." Sabi ko.

"To na po to na. Hahahaha. Tsaka wait lang, ligo lang gagawin natin kasi sa myeongdong na tayo kakain." Nagulohan ako sa sinabi niya.

"Myeongdong? Ano ba yun? Restaurant?"

"Ahahahahahahaha." Bigla niyang tawa.

"Love ano ba, wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah?" Asar kong sabi.

"Ahahahaha. Anong wala? Ahahaha love. Myeongdong is a place. Hahaha yun yung pinakasikat na market dito. Nakapalibot sayo ang mga pagkain dun, bawat sulok may kainan. Tsaka dun mo makikita yung mga sikat na pagkain dito sa Korea." Napafacepalm nalang ako sa explaination niya. Nagmukha kasi akong tanga.

"My God love. Ang tanga tanga ko pala."

"Hahaha baliw ka love. Hindi naman eh. Baka dimo lang talaga alam yung lugar na yun." Sabi niya sabay yakap sakin.

"Sorry love, wala kasi akong hilig dati sa mga sikat na lugar. I mean, nakuntento nalang ako sa Pinas." Pag eexplain ko.

"Ano ka ba love, it's fine. Jinjja kwaenchana." Napakawala ako sa pagkakayakap sakanya dahil inalien niya nanaman ako.

"Ha? Anong jinjwa kwanchanak?"

"Ahahaha. Ang sabi ko, jin-jja kwaen-cha-na."

"Ahh. Hahahahaha anong ibig sabihin nun love?"

"Ang ibig sabihin nun ay okay na okay lang." so yun pala yuuuun.

"Ewan ko sayo. Hahaha sige na maligo na tayo."

"Sabay tayo love?" Sabay tingin ng nakakaloko.

"Sira! Hindi noh! Mauuna akong maligo sayo tas ikaw na kasunod maligo!" Asar kong sabi.

"Bakit naman? Eh tayo din naman magkakatuloyan eh. Hahaha."

"Baliw! Hahaha kahit na noh. Syempre para mas exciting honeymoon natin kung sakali, kasi syempre pareho nating first yun."

"Oo na po kamahalan. Sige na maligo ka na." Natatawa niyang sabi.

30mins bago kami natapos maligo at mag ayos. From Itaewon, bumyahe kami papuntang Myeondong. Sumakay kami ng Subway.

"Nakakaloka naman tong subway dito. Napakadami ng destinasyon. Tapos underground na nga, may mas underground pa." Sabi ko.

"Hahahaha, ang cute cute mo love. Ganun talaga love, tingnan mo naman walang traffic diba?" Napaisip ako dun. Totoo kasi sinabi niya na walang traffic masyado dito sa Korea. Tsaka halos lahat ng tao nag cocommute dahil maluwag ang subway nila tapos mabilis pa ang byahe.

Nalaman ko pa na may subway sila papunta sa mismong airport. Ang cool diba? Samantalang sa Pinas, pahirapan na nga sumakay sa mrt at lrt, lagi pang sira, konti lang ang tren at higit sa lahat, hindi nalutas ang traffic.

Hindi ko naman sa kinukumpara ang Pinas at Korea, pero base sa mga nakikita ko. Mapapaisip ka talaga na kung pano kaya ganito din sa Pinas?

30mins after at nakarating na kami sa Myeongdong. Ang daming tao grabe. Iba't ibang lahi. May mga nakakasalubong din akong mga Pinoy at Pinay. Lalo na dun sa Itaewon sa hotel namin. Madami kasing club dun at halos lahat ng pinoy pumupunta sa lugar na yun.

My Korean Boy ❤️ (SHORT STORY) [COMPLETED]Where stories live. Discover now