Kitty 🐱❤️

125 4 0
                                    

2 weeks na ang nakalipas simula nung magstart ang school day while 3 weeks na ang nakalipas simula nung magkakilala kami ni Sungjae.

I know masyadong mabilis ang pangyayari, pero kasi parang nahuhulog nako sakanya. He's so gentleman, kind, super caring, ah basta. Halos lahat na ata ng ugali na gusto ko sa isang lalaki ay nasa sakanya na.

Lagi kaming nagkikita sa labas ng school dahil we have same schedules although magkaibang school kami ng pinapasukan.

Minsan napagkakamalan pa kaming mag jowa dahil nga lagi kaming magkasama. Ewan ba pero parang siya ang kumukumpleto ng araw ko.

Actually mamaya magkikita na naman kami. Last subject na kasi namin ngayon, so wala na kaming klase pag nagkita kami.

May ibibigay daw siya sakin. Ewan ko kung ano dahil ayaw niya naman sabihin. Surprise daw.

"Besh, panay na ata pagkikita niyo ni Oppa Sungjae ah? Kayo na ba?" Pagtatanong ni Shaira sakin.

"Ha? Ofcourse not! Ano ka ba besh, magjowa agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan muna?" Asar kong sabi sakanya.

"Subukan mo lang magtago ng sikreto sakin, iuunfriend talaga kita. Hmp!" Sabay irap.

"Unfriend talaga besh? Baka FO?" Natatawa ko namang sagot sakanya.

"Miss Shaira Mae Cinco and Miss Kiara Shae De Castro. Is there something you wanna share to everyone?" Kaloka si sir. Buong buo ah?

"None sir. We're sorry." Sagot ko sa prof namin sabay kurot sa tagiliran ni Shaira.

🖤🖤🖤

"Kaloka si sir kanina, buong pangalan ba naman binanggit?" Pagsisimula ni Shaira.

"Troooot! Naloka din ako kanina. HAHAHA" natatawa ko namang sabi.

Nasa labas na kami ni Shaira nung may tumawag sa pangalan ko kaya naman napalingon ako sa likod.

"Oh ayan na masugid mong manliligaw besh. Mauna nako sainyo ha?" Pang aasar ng bestfriend ko sakin.

"Baliw ka." Sabi ko sakanya habang tinitignan siyang paalis.

Napansin kong may hawak hawak siya sa likuran niya pero diko masyadong makita kung ano yun.

"Uhm, Kiara." Pagtawag niya sa pangalan ko.

"Ano yun Sungjae?" Sagot ko.

"Para sayo. Sana magustuhan mo."

Automatic na ngumiti ang mga labi ko nung iniabot niya sakin ang ibibigay niya.

"Oh My God!" Yun nalang ang nasambit ko sa sobrang excited.

"Nagustohan mo ba?" Pagtatanong niya.

"OMG! Oo naman! Sino bang hindi magkakagusto sa napakacute na pusang to?" Sobrang ganda niya at ang linis linis tignan dahil sa puti ang kulay nito.

"Masaya ako at nagustuhan mo ang surprise ko." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you so much Sungjae." Ngiti kong sabi habang di naalis ang tingin sa pusa.

"Ano pala ang itatawag mo sakanya?" Pagtatanong niya.

"Kitty. Kitty ang itatawag ko sakanya." Sagot ko.

My Korean Boy ❤️ (SHORT STORY) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon