28 ( sᴇᴀsᴏɴ 2 )

37 3 1
                                    

Zerielle

1 year later...

Naging sobrang busy ako sa ngayon. Nag-focus ako sa buhay ko. Okay na rin kami ni Keanun.

Hindi ko masasabing fully recovered na ako, balot parin ng galit ang puso ko.

Pagmamahal ko kay Uno? Hindi ko na alam kung saan napunta, ang alam ko, galit ako sakanya.

"Hey, Miss Beautiful? Pwede ka mayang gabi?" Sabi ni Keanun pagkapasok niya condominium ko.

"San na naman pupunta?" Patamad kong tanong "Party. Mag bar tayo. Zerielle, hindi naman pwedeng andito kalang palagi sa kwebang 'to. You need some fun, enjoyment ba. Come on, sama kana." Pangungulit niya sa akin.

"Sino kasama?" Tanong ko sakanya. "Solanna of course, are you expecting someone?" Tanong niya naman

Inirapan ko lamang siya at isinandal ang ulo ko sofa at pumikit.

"Sama ka, ha? I'll pick you up, later." Sabi niya

Tumango naman ako at narinig ko na lamang ang pinto na sumarado. Saka naman ako napabuntong hininga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko rito.

Bigla namang pumasok sa utak ko ang Ethiopia WP kong account "kamusta na kaya 'yon?" Tanong ko sa aking isipan.

Pakiramdam ko, okay naman na ako, hindi pa buo pero okay na rin. So, pwede ko na siyang buksan.

Kinuha ko ang laptop ko saka ko ni-log-in ang account na 'yon.

Maraming messages, notifications at friend requests.

Ni-accept ko muna ang friend requests saka ko chineck ang message.

"Pia, cheer up, andito lang ako para sa'yo."

"Wag mo na silang isipin, may mga taong naniniwala sa iyo't isa ako ro'n. We love you, Pia."

"Ayaw ko mang umalis ka, pero I know na kailangan mo ng pahinga. Sana bumalik ka kapag okay kana. Mamimiss ka namin."

At sobrang dami pa. Inistalk ko ang sarili kong timeline, 'yong huling post ko agad ang nakita ko.

Ang daming nag comment pero hindi ko na lamang 'yon binasa.

Ethiopia WP

Hello, Dummy World! Your girl Ethiopia is back! Let's celebrate! 💕

Like • Comment • Share

Nag scroll na lamang ako sa newsfeed ko hanggang sa pumasok ulit sa utak ko si Uno.

Should I visit his timeline?

Nagdadalawang isip ako pero ginawa ko parin. Binisita ko na naman ang timeline niya.

Napangiti ako noong makita ko na naka in a relationship na siya. Hindi ako masaya, nadagdagan nang galit ang puso ko.

Fully recovered na siya. Naka in a relationship na, habang ako, inaaalala parin ang kagagohan niya.

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon