16

43 6 0
                                    

Zerielle

Hindi na ako bumalik ulit sa loob ng bahay nila Keanun nung araw na 'yon, at sympre pinagalitan ako ni Dad.

Kesyo ang pasaway ko na raw eh hindi naman daw ako ganon noon, tinanong din ako ni Mommy kung ano nangyare pero sinabi ko lang na sumama ang pakiramdam ko kaya ganon.

Hindi rin ako nag o-online ng Dummy Account ko ayoko makausap si Uno, hindi ko alam kung bakit basta ayaw ko.

Dalawang araw na akong hindi nag da-dummy, andito lang ako sa kwarto ko, kain tulog.

Hindi ko alam pero masyadong magulo ang buhay ko ngayon. Pero mas magulo 'yong nararamdaman ko kay Uno.

Hindi sa nararamdaman, hindi ko lang talaga alam. Magulo nga eh 'di ba? Hays, pero ba't ganon? Bakit kasi ganon ako ka-affected sakanila ni Nala? Nakakainis.

Pero hindi naman dapat ako mainis, 'di ba? In the first place, walang kami ni Uno. Falling game lang 'yon, at tapos na. Walang na-fall, at tatanggapin ko nalang 'yon. Na wala talaga.

Nag online ako sa Dummy Account ko, at may mga iilang mga notifications, at mga messages.

Wala akong natanggap na message galing kay Uno, napangiti na lamang ako. Siguro nga, hanggang don nalang talaga.

May mga nagchat din sa akin, tinatanong nila kung saan ako nanggaling bakit hindi raw ako nag ol, at sympre ito sagot ko..

"I'm sorry, busy kasi ako eh. You know? Family first hehe."

'Yan na lamang ang nasabi ko sakanila, kinakamusta nila ako at sinasabi ko namang okay lang ako.

Online si Uno pero hindi manlang nagcha-chat, siguro totoo rin pala ang sinasabi ng iba, na mahilig talaga mang-iwan sa ere si Uno.

Teka bakit bako nagpapaka-apekto masyado? Hindi naman dapat 'di ba? Siguro nasanay lang ako na kausap ko siya lagi, nasanay lang siguro ako na may Uno WP na nangbu-bwisit sa akin.

Bakit ba kasi ganon? Bakit kasi namimiss ko siya?

Binalewala ko na lamang ang iniisip ko't nag scroll na lang ako ng biglang may tumunog, it means.. May nag chat..

"Namiss kita." Napangiti ako sa nabasa ko, oo, siya nga.. Si Uno nga 'yong nagchat, nakakainis 'di ba? Hindi ko alam pero naluluha ako, gusto ko siyang sermonan pero hindi ko magawa.

"Talaga ba?" 'Yan lang ang nai-reply ko kahit andami kong gustong sabihin sakanya.

"Oo, namiss kita. Saan kaba kasi nanggaling?" Reply niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang lalabas na ang puso ko sa kaba.

"Sorry, busy lang." Reply ko naman sakanya. "Tapos na 'yong game, at wala ka manlang nung inannounced 'yong panalo."  Reply niya.

"Hm, wala namang nanalo sa atin 'di ba? Okay lang." Reply ko, ewan nababadtrip ako sa sinabi niya. Gaano ba kakapal ang mukha niya para sabihin 'yon? So gusto niya akong ma-fall ganon? Kaurat.

"Haha, nakakainis wala ka nung sinabi 'yong mga panalo. Nakakainis, hindi ko nasabi sayo agad non, pero buti nalang natapos na 'yong game eh." Reply niya, medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"Huh? What do you mean?" Reply ko.

"Buti nalang natapos na 'yong game, ayoko na ng game. Gusto ko totohanan. Gusto ko maging akin ka Ethiopia, wala akong pake kung gusto mo ba ako o hindi, basta gagawin ko parin ang lahat para mahulog ang loob mo sa akin. Ethiopia, gusto kita."

--

Oh bewm! HAHAHA sorry late update, nakakainis kasi eh anoba wala lang hehe wala akong maisip. So ayon, sana nag enjoy kayo, love lots!

Comment & Vote pls!! 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon