ᴛʜᴇ ᴇɴᴅ ᴏғ sᴇᴀsᴏɴ 1

33 0 1
                                    

Zerielle

Hindi ko muna nilisan ang Dummy World pero ilang araw nalang at iiwan ko na rin ito.

Hindi ko rin maiwasan ang pag iyak kapag nakikita ko ang mga posts ni Uno tungkol sa akin, kung gaano kalaki ang galit niya sa akin.

Marami ang naniniwala kay Katelyn, dahil na rin siguro sa nilapag niyang pruweba. Eh ako? Kahit anong kwento ko pa hindi naman kasi talaga ako paniniwalaan.

Hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko kasi kung sinabi ko kaya kay Uno ang totoo hindi kaya hahantong sa ganito? Edi sana magkatawag kami, edi sana nagtatawanan kami, nag aasaran.

Kaso wala eh, 'yon na talaga ang tingin niya sa akin, isang malandi, sinungaling, gold digger.

Fresh na fresh parin sakanila ang issue. Grabe, hirap maka get over ng mga tao ngayon.

May mga users parin namang nagche-cheer up sa akin, mga naniniwala sa akin, pero iilan lang sila, 'yong iba.. wala na talaga.

How they can easily judge a situation without knowing the truth?

Pinunasan ko na lamang ang mga luha ko at isinara ang laptop ko. Hindi ko na kaya ang mga nababasa't nakikita ko.

May mga ibang ginagawan pa ng memes ang mga litrato ko na akala naman nila nakakatuwa.

May mga ibang nagsasabi pang ginagamit ko lang ang mukha ni Zerielle Riego. Hello? Masyado na ba akong maganda para gamitin ang mukha ko?

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Come in!" Sigaw ko at inayos ang sarili ko, baka mamaya si Mommy o si Daddy pala 'yon.

He entered the room with a smile "Welcome paba 'ko rito?" He said.

Tinanguan ko naman siya at ngumiti "Of course!" Sabi ko sakanya.

"Hi, I'm Keanun Prefencio, and why are you crying little young lady?" Sabi niya kaya natawa naman ako.

"Kaya tayo nagkakilala, fc ka kasi!" Bulyaw ko sakanya at natawa naman siya.

Tumabi siya sa akin "I have a good news for you!" Sabi niya at malapad na ngumiti pero may halong lungkot doon.

"What is it?" I asked "Hindi matutuloy ang kasalan." Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang pisnge ko.

"Your wish is finally granted." He says "Are you happy?" Tanong niya.

"Yes" Sagot ko at ngumiti "Okay kalang?" Tanong niya at binitawan ang mga pisnge ko.

"Yes, I'm okay. Why?" Sagot ko "You're not okay. I know you. I can see it in your eyes, umiyak kaba?" He asked.

"N-no! Hello? Ba't naman ako iiyak?" Pagtanggi ko "You can't lie to me, Ms. Riego!" Sabi niya.

Yumuko naman ako para pigilan ang mga luha ko. Ang sakit lang ng pagkatapos ng pananakit ko't pagtataboy sakanya, heto siya, tinatanong kung okay lang ako.

"I-i said, I'm okay." Sabi ko "See? You're lying. Umiiyak ka eh." Hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya.

Halata sa mukha niya ang pag-aalala "Bakit ka umiiyak? Hindi kaba masaya sa balita ko? Bigla bang nagbago ang isip mo? Gusto mo na ba akong pakasalan ulit? Sabihin mo lang." Sabi niya habang nakangiti.

Umiling naman ako bilang pag tanggi. "Then what is it?" He asked.

Binuksan ko naman ang laptop ko at pinakita ang post ni Katelyn.

"What the-- fuck?"

Kinuwento ko sakanya ang lahat. Kung paano ako nakapasok dito, kung gaano ako naging masaya rito, kung paano kami nagkakilala ni Uno at kung paano naging kami.

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon