18

34 7 0
                                    

Zerielle

Simula no'n hindi na ako nakatanggap ng kahit na anong balita kay Uno, ni-deactivate niya rin ang account niya.

May mga kaibigan din siyang galit sa akin, ako 'yong sinisisi sa pag-alis ni Uno.

Hindi nila ako maintindihan, puro sila galit at husga, hindi manlang inalam ang totoong pinagdadaanan o sitwasyon ko.

Hindi ko rin naman akalain na may mga ganoong tao rin palang ganyan sa mundong 'to, 'yong mga taong huhusgahan ka sa konting pagkakamali mo lang.

Aminin ko man sa sarili ko o hindi pero namimiss ko na talaga siya.. Si Uno, hindi ako sanay na walang nangungulit sa akin, na walang babanat ng mga korning banatan o ano.

Nakakamiss siya, nkakamiss ang pagiging walang kwentang kagaya niya. Kahit puro kalokohan, nakakamiss din pala.

Iilan nalang din ang nakakausap ko rito, hindi na kagaya noon. Siguro nga galit din sila sa akin dahil nga sa pag alis ni Uno.

Naging honest lang naman ako sa nararamdaman ko, 'di ba? Haha.

"Dai, miss na kita. Bakit hindi ka nagpaparamdam?" Biglang chat da akin ni Katelyn.

"Ah, sorry hehe. Busy lang. Kamusta kana? I missed you too." Reply ko naman sakanya.

"Sus, lagi ka nalang busy! 'Yong totoo? May masamang nangyayare sa'yo 'no?" Reply niya.

Hindi ko alam pero naiiyak ako, may taong concern din pala sa akin sa mundong 'to kahit papaano.

"Alam mo, kung ano man 'yan malalamapasan mo rin 'yan, kayang kaya mo 'yan, basta andito lang ako para sayo" Reply niya.

"Opo, thank you!" Reply ko.

Hindi na siya nag reply sa akin kaya ng scroll na lamang ako sa aking feed.

Wala naman akong nababasang matino kaya't naisip ko na matulog nalang ng biglang may nag-chat.

"Baby.."

Kinabahan ako sa aking nabasa, ewan ko pero ang saya saya ko na makita ulit ang pangalan niya.

"Baby, I missed you so much." Chat niya ulit.

"Baby, sorry ha? Kung nag deact ako? Ang sakit kasi eh." Chat niya ulit.

Hindi ako nag reply sakanya, inantay ko lamang siyang matapos sa sasabihin niya.

"Baby, about do'n sa nangyare o sa sinabi mo dati, may gusto akong patunayan sa'yo. Gusto kong iparamdam sa'yo na hindi ka pang-dummy lang, gusto ko iparamdam sa'yo na hindi ka pang-dummy, pang-habang buhay ka. So, Ethiopia? Can you give me a chance?"

---

Sorry ngayon lang ah? Nabusy kasi ako tapos nagkasakit huhu sorry na talaga.

May sakit parin ako, skl.

COMMENT & VOTE PLS!! 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon