17

37 10 1
                                    

Zerielle

Sa sinabi niyang 'yon eh milyon-milyong tanong kaagad ang mga nagsilabasang tanong sa utak ko.

Paano kung masaktan lang ako sa huli?

Paano kung iwan niya lang ako?

Paano kung lokohin niya ako?

Paano kung niloloko niya lang pala ako?

At marami pang iba..

"Seryoso kaba r'yan, Uno?" Reply ko sakanya, hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan, Pia?" Reply niya.

Kilala si Uno bilang isang tarantado at loko-loko kaya't mahirap talagang paniwalaan ang mga sinasabi niya ngayon.

"Pero Uno, mag dadalawang buwan palang tayong magkakilala.." Reply ko "Wala akong pakealam, kahit isang linggo pa 'yan, basta gusto kita! Gusto kita, Pia!" Reply niya.

Should I give him a chance? Paano kung seryoso naman pala siya? Paano kung hindi niya naman pala ako niloloko? Pinagtitripan?

Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin o isasagot ko. Hindi ko alam kung bakit pati sa pagsagot dito nahihirapan ako eh hindi ko naman siya gusto.

Bakit kailangan kong pag-isipan ng mabuti 'to, eh 'di ba hindi ko naman siya gusto?

Hindi ko nga ba siya gusto?

Shit! Napaka walang kwenta naman ng pusong 'to, pati sa taong nagugustuhan hindi na alam. Kabobohan.

Hindi ko na muna siya ni-replayan sa halip ay nag isip nalang muna ako kung ano ba talaga.

Lintek na pag-ibig!

Lintek na Uno 'to, bakit kasi ngayon pa?

Biglang pumasok sa utak ko ang realidad, si Dad, si Mom, si Keanun..

Ikakasal kami ni Keanun at hindi ko sila mapipigilan sa desisyon nila, kahit anong gawin at kahit anong ayaw ko, matutuloy ang kasal.

Nagustuhan ako ni Uno na hindi manlang nalalaman na ikakasal ako sa totoong mundo.

Nagustuhan niya ako bilang si Ethiopia WP hindi si Zerielle Riego.

Nagustuhan niya ako gamit ang social media hindi dahil sa lagi kaming lalabas para kumain.

Nagustuhan niya ako sa pekeng mundo hindi sa totoong mundo.

"Uno.." Iyan lamang na-reply ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at isasagot ko.

"Nakapag-isip kana ba? Hindi mo ba ako gusto? Haha, okay lang Pia. Naiintindihan ko naman, siguro nga hanggang kaibigan lang talaga tayo, dapat pala hindi ko pinanghawakan 'yong salitang "kahit sino magugustuhan ako." Dapat pala sa una palang hindi na ako umasa, okay lang, naiintindihan kita." Reply niya.

"Uno, I'm sorry.. Gusto mo ako bilang si Ethiopia hindi si Zerielle, gusto mo ako bilang kachat mo, hindi bilang katawanan mo sa tuwing kakain tayo sa labas. Sorry Uno, but this is Dummy World."

--

Ngayon at sinipag ako mag type, sana nag enjoy kayo mga par hehe ge talon una ulo! Char, invite niyo mga friends niyo na basahin 'to para happy tayong lahat, juk. I love you all!!

COMMENT & VOTE PLS!! 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon