2

75 11 2
                                    

Zerielle

Two weeks na ako sa dummy world at ganon parin, puro kami bangayan ni Uno.

Wala namang problema dito, sobrang saya nga eh. Andami kong kaibigan, at mababait sila. Hindi snob, kakaibang-kakaiba sa real world.

Dito, hindi nila huhusgahan ang kadramahan mo-- ay, mali pala ako. May isa palang humuhusga sa kadramahan at si Uno 'yon.

Sabi nila uso rin daw ang mga manloloko talaga dito. Katulad nung, lalake ang account pero babae pala talaga ang gumagamit. Unicorn ang tawag nila don.

Uno WP commented on your post

Ano na naman kaya 'to? Bwisit na Uno 'to palagi nalang.

"Akala mo ba uunlad ang dummy world dahil sa kadramahan mo? Hindi 'no!" Sabi niya sa comment box.

"At anong akala mo? Uunlad ang dummy diyan sa panghuhusga mo? Kung ayaw mo ng kadramahan lumayas ka dito. Block mo 'ko!" Reply ko sa sinabi niya.

"Pwede namang ikaw ang gumawa, ba't ako pa?" Reply niya.

Hindi na ako nag dalawang isip kaya agad agad ko siyang ni-block, nakakabwisit talaga.

At by the way, may crush rin pala ako dito.. Si Zero, ang astig niya kasi, 'yong ang drama niya pero nakakainlove.

Siguro may pinagdadaanan 'to siguro pareho kami. Gusto ko siyang ichat kaso nahihiya ako, pero bahala na. Pakapalan na ng mukha.

"Cheer up! Magiging okay rin ang lahat. Have a nice day!" Chat ko sakanya, shit! Nakakahiya, bakit ko ginawa 'yon?!

Dali dali niyang ni-seen 'yon kaya sobrang kinabahan ako. "Thanks Miss, ikaw rin." Reply niya pero sobrang kinilig ako.

Omg?! Nag reply siya!! Omg!! Ni-seen ko na lamang 'to para hindi mahalata masyado. Tsaka hello? Ayoko namang sumunggab kagad, 2 weeks palang kaming break pero sabagay, siya nga nong di pa kami break, may bago na eh. Char!

"Hoy babae!" Nakita kong chat ni Nala WP oo, isa siya sa mga kaibigan ko dito. Mabait 'yan, loka loka nga lang minsan.

"Bakit?" Reply ko sa chat niya "Unblock mo raw si Uno, nagbibiro lang raw siya." Reply niya.

Duh? Bi-bwisitin ako at sasabihing i-block ko siya tas ngayon.. Sasabihin niyang joke lang 'yon?! Hibang!

"Dali na raw, miss kana raw niya" Ew? Kadiri.

Ni-unblock ko naman, mabait ako eh. But actually, nagdadalawang isip talaga ako non.

Nakita ko kagad ang friend request ni Uno kaya wala naman akong ibang magawa kundi ang i-accept 'to.

"Tnx sa accept mixx..,, penge digis...." Bungad ni Uno sa messenger ko "Tss, ni-block lang kita naging jeje kana?" Reply ko.

"Hahaha namiss ko ka agad kadramahan mo eh, kahit masakit sa mata, nakakamiss rin pala." Napataas ako ng kilay sa nabasa. Nilalagnat ba 'to?

"Alam mo Uno, kung gusto mo mang-trip pwede ba? 'Wag ako." Reply ko sakanya "Eh gusto ko ikaw eh." Reply niya na mas napataas ang kilay ko.

Hello? Nilalagnat talaga 'to.

S E E N

Iyon na lamang ang ginawa ko, saka inopen muna ang Real Account ko.

Binuksan ko ang messages ko saka ko nakita ang chat ni Keanun, wala sana akong balak basahin kaso hindi ko matiis.

"Hi babe. Kamusta kana? Miss na miss na kita. Kumakain kaba sa tamang oras? Babe, gusto ko maging akin kana ulit. Babe, pinagsisisihan ko na 'yong ginawa ko. Babe, sana magkaayos ulit tayo. Mahal na mahal kita."

Naluha ako sa nabasa ko. Makipag-ayos? Nahihibang na siya, ang sakit ng ginawa nila tas 'yon ang hihingin niyang pruweba? Ano 'yon? Tinulak niya lang ako? Tsaka ano? Pinagsisisihan mo na? Ganon naman talaga diba? Magsisisi kana kapag nawala na sayo, sabi nga nila.. Nasa huli ang pagsisisi.

---

K, lame! Hays. :< sorry na. HAHAHAHAHAHAHAHA i love you ol!!

VOTE & COMMENT PLS 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon