15

48 9 2
                                    

Zerielle

Simula nung tinanong ni Katelyn 'yon ay hindi ko na kinausap si Uno, itinanggi ko rin na may gusto ako sakanya kasi sa totoo lang? Hindi ko alam.

Hindi naman pwedeng bigla akong magkakagusto sa taong halos isang buwan ko palang nakakausap at hindi ko pa kilala personally diba?

Iniisip ko lang rin 'yong mga sinabi nila Adrienne, and hello? Iniisip ko rin si Keanun, 5 years 'yon.

At I'm sure na hindi papayag sila Dad kahit umayaw ako sa mangyayareng kasalan, I know him, kapag gusto niya 'yon dapat ang masusunod.

Biglang nag ring ang cellphone ko saka ko tinignan ko sino ang tumatawag.

Daddy's calling...

Si Daddy, ano na naman kaya ang kailangan niya? Hays.

"Hello, Dad?"

"Asan ka ngayon?"

"Uhm, andito po sa bahay."

"Okay, we're on our way. Magbihis kana, may pupuntahan tayo."

"Okay."

Andito na ako ngayon sa kotse ni Dad kasama si Mommy and of course si Des andito kami sa backseat.

"Are you okay?" Tanong ni Des pero hindi ko lamang siya pinansin, obvious naman na hindi.

Pupunta lang naman kami kela Keanun ngayon and of course pag uusapan na naman namin 'yong tungkol sa kasal.

Nakarating kami sa bahay nila Keanun ng tahimik, walang imikan, mukhang seryoso talaga sila dito.

"Mom, are you really sure about this?" Tanong ko kay Mommy pero tinignan niya lamang ako at ngumiti.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila at bigla na namang pumasok sa utak ko ang masasayang ala-ala namin ni Keanun.

"Oh hello Riego's, buti't nakarating kayo?" Bati sa amin ng Daddy ni Keanun.

"Of course, you know? It's all about business kaya hindi ako makakatanggi diyan." Sabi naman ni Dad.

Nagbatian silang lahat at ako talaga 'yong hinuli ng Daddy niya.

"Hey hija, maganda ka naman pala talaga same as your Mom." Bati sa akin ni Mr. Prefencio.

"Anyway, dadating na 'yon si Keanun." Sabi ng Daddy niya.

Umupo kami sa may bandang bar counter nila at don nag usap usap ng mga bagay bagay. Hindi manlang ako tinanong kung payag ba akong ikasal kay Keanun o hindi.

Biglang may bumusina sa labas ng bahay nila. Yeah, andito na siya. Makikita ko na naman ang sobrang kapal na pagmumukha niya.

"Hey son, gladly at nakarating ka rin." Bati sakanya ng Daddy niya. "Sorry kung natagalan." Sabi niya.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan, hindi ko rin magawang magdapo ng tingin sakanya.

"Hi, I missed you." Bulong niya sa akin pero hindi ko lamang siya pinansin. "Paganda kalang ng paganda." Sabi niya ulit but still, hindi ko siya pinansin.

Hindi ko alam pero nagagalit ako, bumabalik lahat ng sakit na ginawa niya sa akin.

Nagagalit na rin ako kela Daddy sa desisyong ginawa nila, hindi manlang nila tinanong kung ano naba ang sitwasyon namin ni Keanun.

Siguro hindi nasabi ni Des sakanila ang nangyare sa amin, alam niya rin ata siguro na hindi rin papayag si Daddy kahit anong gawin niya.. Namin..

Pinag-uusapan nila kung ano ang magaganap sa kasalan namin, lahat lahat hindi manlang kami napapansin ni Keanun, hindi manlang humihingi ng suggestions sa amin.

Hays, hindi ko na kaya gusto ko nalang munang lumabas.

"Uhm, excuse me. CR lang po ako." Sabi ko saka tumayo at hindi inantay ang magiging sagot nila.

Naramdaman ko rin na may nakasunod sa akin, I know it's him kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

"Babe.." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaharap sakanya. "Can you please stop calling me, Babe?!" Halos pasigaw kong pagkakasabi.

Tinanggal ko rin ang kamay niyang nakahawak mula sa akin. Buti nalang at nakalabas na kami ng bahay nila nung naabutan niya ako kaya hindi kami maririnig.

"Bab-- Zerielle, please I'm sorry." Sabi ni Keanun "You know what Keanun? Wala na akong pake sa sorry mo, okay na Keanun. Okay na 'ko, pero sa nangyayare ngayon? Sa kasalanan na 'to? 'Yon ang hindi ko matatanggap!" Sabi ko sakanya.

Sinubukan niya akong yakapin pero tinulak ko siya palayo, "Zerielle please.. Please give me another chance." Pagmamakaawa niya.

"Keanun, magkaka-anak kana! Hindi mo ba 'yon naisip?" Sabi ko sakanya "Pero Zerielle, mahal na mahal kita." Sabi niya.

"Ang selfish mo. Iniisip mo lang lagi ang kapanan mo, hindi mo iniisip 'yong mararamdaman o pwedeng mangyare sa ibang tao." Sabi ko sakanya.

"I don't care. Wala akong pakealam sakanila Zerielle, ang mahalaga maging akin ka ulit. Maging tayo ulit. Diba, tatanda tayong magkasama? Diba? Nangako tayo sa isa--"

Hindi ko na kayang marinig ang mga susunod niyang sasabihin kaya nagsalita nalang ako ka agad.

"Sorry Keanun, pero ayoko. Ayoko na, ayoko ng tumanda kasama ka."

--

Hehe sinipag ako mag update! Batiin niyo 'ko birthday ni Author ngayon anoba hehe.

Comment & Vote pls!! 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon