24

31 1 1
                                    

Zerielle

Naging kami ni Uno, masaya, sobra. Iyong hindi kami nauubosan ng oras sa isa't-isa. 'Yong atensyon niya sa akin lang at 'yong atensyon ko sakanya lang ko.

Umiikot 'yong mundo namin sa isa't-isa. Madalas kaming mag VC pero hindi namin pinapakita ang mukha ng isa't-isa.

Dibdib niya lamang niya ang pinapakita niya at pakiramdam ko sobrang bango non, madalas pa kaming mag VC kapag bagong ligo siya.

Ewan ko sakanya masyadong proud sa pangangatawan niya.

Habang ako dingding lang namin ang ang pinapakita ko, nakakahiya eh. Feeling ko ang panget ko kahit sinabi niyang hindi naman noong nagsend ako ng picture.

At ngayon eto kami magka-vc na naman at ayan na naman siya todo pakita sa dibdib niya, kabwisit, isang malaking distraction!

"Baby, pinakilala na kita kela Mommy. Pero pinakilala kita bilanfg Ethiopia, sinabi ko nalang kay mommy na walanv kang apelyido hehe." Sabi ni Uno na nagpatawa sa akin.

"Hahaha loko loko ka talaga! Pero bat ang bilis naman ata baby?." Sabi ko at natawa.

"Wala lang, gusto ko na nga umuwi riyan sa pinas at ipakilala kita sakanila sa personal." Sabi naman ni Uno

Ginalaw naman niya ang camera niya at itinapat sa isang mata niyang medyo singkit at medyo makapal niyang kilay.

"Baby, gusto ko na umuwi sa pinas! Gusto ko na magkita na tayo." Pagmumokmok niya.

"Baliw! Eh ano kaba? Isang taon kayo diyan? Dalawang taon? Wala akong pake basta 'yon. So, matatagalan pa talaga. Hindi pa nga tayo nagdadalawang buwan eh." Malungkot kong sabi.

Kahit naman kasi ako gusto ko nang makasama ang unggoy na 'to.

"Hays. Kaya nga eh, hayaan mo na, gagawan ko ng paraan hehe." Sabi ni Uno

"Bakit? Anong gagawin mo? Don't tell me, tatakas ka?" Tanong ko sakanya

"Baaaaby, I love you." Sabi niya at alam kong ngumiti siya dahil mas lalong naningkit ang mga mata niya.

"Uno, tatakas ka?" Seryoso kong sambit "Eehh, I love you too muna tas sasagutin ko hehe." Nagpapabebe na naman ang gago.

"Okay. I love you too" naningkit ulit ang mata niya kaya siguradong nakangiti na naman 'to.

"Baby naman eh, kinikilig ako!" Sabi ni Uno dahilan para matawa ako.

"Sagutin mo na tanong ko." Sabi ko.

"Tatakas ako? Hmm, hindi. Papatayin ako ni Mommy." Sabi ni Uno at itinapat ulit ang camera sa dibdib niya.

"Baby, CR muna ako ha? Natatae ako eh hehehe." Sabi niya, bwisit! Kahit kailan talaga ang dugyot niya!

"Ew, dugyot! Oo na! Layas! Yuck!" Sabi ko habang tumatawa kami pareho.

"Bye baby, I love you!" Sabi niya at pinatay ang tawag.

Napahiga ako sa kama ko habang nakangiti. Siya talaga 'yong gagong hahanap-hanapin mo.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng biglang nag ring ang cellphone ko't nakita kong tumatawag si Mommy.

"Mommy?" Sabi ko

"Zerielle, nakapag ready kana ba? Nakabili kana ba ng mga susuotin mo?" Tanong ni Mommy.

"Susuotin? Anong susuotin po? Para saan?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi sinabi sa'yo ni Des? Hays, baka nakalimutan. Okay, so, tayo nalang ang mamili, pupunta ako riyan. Wait for me." Sabi ni Mommy

"Mommy wait, para saan po ba 'yong mga damit?" Tanong ko.

"Para bukas. Sa engagement party niyo ni Keanun."

Napanganga naman ako sa sinabi ni Mommy. Engagement Party? Hindi pa nga kami Engaged ni Keanun.

Magsasalita pa sana ako pero binaba na ni Mommy ang tawag.

Eto na nga ba eh, hindi ko alam kung ano ang idadahilan kay Uno.

--

Lame ba? Sorry na. 😭 so ayon, sorry super late update!

Vote and Comments!!! 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon