"Manong, 50 pesos nga po na siomai at ganoon rin ang fishball."

"Aba'y ang dami nito, hija ah.. Salamat sa pagbili." Nakangiting sabi ni Manong.

"Aba'y wala akong sukli.."

I already foreseen this to happen.

"Hindi, Manong.. Keep the change na lang." Mas kailangan mo iyan, Manong kaysa roon sa walang imik na gwapo.

"Naku! Ang laki naman po masyado. Ay ito po ang kita ko.. Baka sakaling umabot.." Agad na inilabas ni Manong ang kanyang kita na mga tigpi-piso at ibang smaller bills.

Tatanggihan ko ulit sana siya nang bigla na lang akong may narinig na iyak. I tried searching for a kid but I can't see one.

"Ssshhh.. baby, okay lang iyan.." Pag-alo ni Manong at noong tumingkayad ako ay nakita ko ang isang bata na nakaupo sa may likurang bahagi ng stall ni Manong.

Maayos naman ang kanyang pwesto roon.

Isang batang lalaki na nasa tatlong taong gulang pa lang yata ang nakaupo habang umiiyak.

"Naku, naubos na ang gatas. Hayaan mo, last na natin ito, Apo. Uuwi na tayo.."

Malungkot kong pinagmasdan si Manong. Nasa mukha niya ang katandaan at halos puti ang buhok. Medyo hapis na ang kanyang mukha dahil siguro sa pagtatrabaho. But you better not judge Manong kasi nga malinis talaga ang stall niya.. Agad niyang nililinis ang mga nahulog na sauce at palamig na natatapon so it looks clean.

"Nasaan po ang ina ng bata, Manong?" Curious kong tanong.

Well I just want to ask and if he doesn't want to answer me, okay lang. It's his right anyway.

I can feel Apollo at my back. His presence is intimidating that's why Manong bowed at him. May aura talaga si Apollo na pang-boss. Kita mo pati si Manong yumuko sa kanya kahit hindi niya empleyado.

**

The kid didn't stop crying and Manong was so worried. Hindi niya tuloy maasikaso ang ibang customer niya. I guess pinapaubos na lang niya iyon para walang masayang. Pambili rin daw kasi iyon ng gatas at ng pagkain nila sa araw-araw.

Imagine how hard living like that. You always have to work and look for money so you can eat. And if you found nothing, your family will starve. I feel thankful na kahit papaano ay hindi ko nararanasan iyon. Well, thanks to my Dad and Mom who tried so hard to earn money. Isa pa'y ang mga ninuno yata namin ay matagal nang nasa business world.

I looked at the puffy eyes of the kid while being craddled by Apollo. He's so cute talaga habang karga ang baby boy na may bilugang mata at pisngi. May kaputian din siya at hindi kagaya ni Manong na sunog ang balat. Well, it's because he's hardworking. Siguro namana ng bata sa ama o ina ang kanyang kutis. Hindi na rin naman kasi ako nakiusyoso pa.

"Anong pangalan mo, baby?" Mahinahon kong tanong sa bata.

He showed his three fingers and I'm a little clueless of what it meant.

"I guess he means he's three years old.." May bahid ng ngiti na saad ni Apollo.

Mukha namang naaaliw siya sa bata. I stared at the kid and he's wondering about us that's why he kind of stopped crying. Pero sa tingin ko ay iiyak ulit siya kapag naalala niyang gutom siya.

I scanned the place and I saw a grocery store. May kalapit din iyong fastfood chain na paborito ng mga bata.

I stared at Apollo and he's busy staring at the kid. Ano kayang iniisip nito? I disregard that thought and stood up. Napunta sa akin ang tingin ng bf ko. Then I pouted at the fastfood's direction. Tinaasan niya ako ng kilay at walang sabi-sabing tumayo kasama ang bata. He was holding the kid in his other arm and he pulled my hand with the other.

"Teka lang! Humingi muna tayo ng permiso kay Manong. Baka kasuhan tayo ng kidnapping."

"Glad you're using your head sometimes."

Pinandilatan ko siya ng mata and he just smirked.

"Ang sama mong boyfriend, Vox." Sabay punta ko kay Manong.

Nagpaalam ako sa kanya na dadalhin muna namin ang bata para kumain.

"Naku, nakakahiya naman, po.. Aalis na rin naman po kami eh.." Nahihiyang ngumiti si Manong at ibinigay ang palamig sa isang bagito na panay agad ang kindat pagdating ko.

He looks like a minor and he have some piercing in his ears. Kulay dilaw din ang ilang bahagi ng kanyang buhok.

Naiiling na umiwas ako ng tingin sa bagito. Sakto ring naramdaman ko ang presensya ng Greek god sa likod ko. Inakbayan niya ako at agad na umalis ang bagito na nakasimangot.

Natawa na lang din si Manong Joey sa nangyari. Now I know his name. Tapos ang bata ay Roahn ang pangalan. Ang cute nga eh.

"Iti-take out na lang namin kayo, Manong Joey. Tsaka may kasama po ba kayo sa bahay niyo bukod kay pogi?" Iyon daw kasi ang tawag nila kay Roahn sa kanila.

"Ang maybahay ko ay naroon at may sakit. Pinakiusap ko na lang nga iyon sa aming kapitbahay na tingnan muna para mapaghanap-buhay ako at makabili ng gamot." Tila naiiyak na paliwanag ni Mang Joey.

Kinalma ko si Manong at dumiretso na kami sa kainan. Pogi was pointing his fingers sa kulay pulang bubuyog. Pumalakpak siya at halata ang pagkamangha sa nakikita. Tuluyan ng tumigil sa pag-iyak.

"Jabeeeee!!!" Masayang wika niya.

Natutuwang kinurot ko ang kanyang pisngi at nakamasid lang sa akin ng seryoso ang bf ko. But I can see the hint of smile in his eyes.

Excited na pumasok kami.. I mean me and Pogi with the gorgeous statue with us. Agad na nakaagaw kami ng pansin pagkapasok pa lang namin. Ang ilan ay nakangangang nakatingin kay Apollo kahit may mga edad na.

I just sighed. Hindi talaga maiiwasan iyan. Kung pwede nga lang siyang magkulong doon sa Mt. Olympus ay pinagawa ko na sa kanya kaya lang ay hindi pa raw approve ang pagiging Diyosa ko kaya rito muna siya.

Apollo scanned the place without looking at the people who are ogling at him. There's curiousity in his eyes.

Nanlalaki ang mata na tinapik ko siya. "Don't tell me you haven't eaten here yet? Hindi ka pa nakakapunta sa ganitong fastfood chain?"

"Then I won't tell you." He smirked and handed his wallet at me.

He's so unbelievable!

Ano pa nga ba? Wala naman siyang alam dito. Kaya ako na lang ang tumayo at pumila. Medyo marami-rami kasi ang customer. Pumila ako sa likod ng isang lalaking teenager na naka-uniporme. Tatlo silang magkakasunod. Ang nasa pinakauna ay namilog ang mata nang masulyapan ako at itinuro ako sa mga kasama.

Nagsikuhan ang mga ito at huwag na huwag nila akong madadamay. I can see their reaction and it's kind of funny. Hello, mas matangkad pa ako sa mga batang ito at gusto nang magpa-cute?

Tinatawag na ang nasa pinakaunahan dahil siya na ang tatanungin but his attention is not there. Gosh, pinapatagal pa nila ang gutom ko!

Pagsasabihan ko na sana sila nang bigla ko ulit maramdaman ang presensiya niya. Here comes my hero. Nakangising tiningnan ko ang mga teenager na nakatingala kay Apollo. Nakaakbay siya sa akin at hawak sa isa pang braso si Baby Pogi.

"Hi, sweetie, what's taking you so long?" There's sensuality with his voice that even the cashier was looking flabbergasted.

But I don't care about anything at all! All I care is that he called me 'sweetie'!

OMG!

***

The Runaway GroomWhere stories live. Discover now