TRG ~ 3

36.9K 772 35
                                    

TRG ~ III

***

Freesia

"So paano na 'yan eh malapit na ang deadline tapos wala ka pang mapapasukan?" Tanya, my blockmate and friend asked me on the phone.

She called me to ask about my appointment today.

She sounded so concerned for me. Actually, mas nag-aalala pa yata siya kaysa sa akin.

Kung sana lang ay hindi ako natraffic kanina, baka nakaabot pa ako sa interview sa kompanya ng ama ko.

It's really hard to communicate with someone you haven't talked to for a long time. Matagal na kaming parang estranghero ng ama ko. But I asked for a favor to have a practicum in our company. Well, iyong secretary niya pala ang pinaalaman ko.

He's too busy with his life that I can't disturb him at all. Ayaw ko rin naman maglamyerda roon sa kompanya.

Oo na, inaamin ko, wala yata akong direksiyon sa buhay.

"I don't know.."

"Anong I don't know? Freesh, naman, try mo ulit! O kaya tanungin mo ibang blockmates natin baka may available pa! How about Colt? They have their own company, too! Or Dazzel?"

Dazzel? No way! We're not in good terms.

"I'll find a way, Tanya. Don't worry."

I'm too exhausted to talk more kaya nagpaalam na ako.

Napatingin ako sa pinto ng tinutuluyan ng stranger na iyon. Ni hindi na siya muling lumabas ng kwarto. Really though, ano bang naisip ko at pinatuloy ko siya rito?

I'm curious if what happened to his wedding as well. May mga lalaki pa palang umaatras ngayon sa kasal? Kawawa naman ang bride niya kung ganoon!

What if I report him to the police? Baka kasi hinahanap siya ng tinakasan niyang bride..

Napanguso ako sa naisip.

Paano nga kung miyembro siya ng budol budol gang? Teka, maybe I should hide my appliances? Mukhang malaki ang muscles niya so baka kaya niyang isa isahin ang mga kasangkapan ko?

Bakit ba kasi kotse ko lang ang bukas kanina? Bakit kasi yong iba nila-lock nila 'yong sa kanila!

My gosh, I'm so stressed with that traffic!

I just decided to go in my room and refresh myself. Buti nalang busog pa ako. Bahala na 'yang boarder ko. Tsaka kung magnanakaw nga siya, problema na niya iyon.

***

Napatingin ako sa lalaking kakalabas lang sa kwarto na nire-rentahan niya.

The man I just met yesterday. The guy with a lot of career. He's a hijacker, robber at artista. And I know, mas marami pa akong maililistang career niya kapag hindi siya agad umalis sa aking beloved home.

Magulo pa ang buhok niya ngunit para iyong sinadyang guluhin para sa isang photoshoot. His messy hair looks so hot. Halatang kakagising lang nito.

Ang daya niya, kapag ako bagong gising, hilamos muna bago maging tao. While he doesn't even need to exert any effort to look good.

What? Shocks don't tell me, I'm complimenting him again?! My mind's probably being paid by this guy. Mukhang kampi na dito, eh.

Napakurap ako sa mga naiisip. Ang aga, Freesia pero ang kagwapuhan pa niya ang inaatupag mo? What about your number one problem, huh?

"What are you doing?" Kumakamot pa ito sa ulo.

I laughed at what he did.

"Kung ako sayo, suyurin mo na yang nasa ulo mo. Baka kung ano na 'yan." Panunukso ko. "At hindi ba obvious na nanonood ng movie 'yong tao? Ang hirap kasi sa inyo, obvious na, itatanong pa. Sayang lang 'yong effort sa pagtanong at pagsagot." Mahaba kong litanya.

Magkasalubong ang kilay na tumingin siya sa akin. Ang kanyang kilay ay tila ginuhit talaga. Hindi katulad ng iba na kailangan pang magkilay. Seryoso, ang dami kong napapansin sa kanya.

He gracefully sat at nakadekwatro pa.

At home na at home nga siya dahil nakiupo pa. Sige na nga. Tutal, magbabayad naman daw siya, pagbigyan ang lalaking 'to.

"And if you only answered my question, you shouldn't have wasted a lot of words and saliva. I only asked one, you answered so many." Nakatutok na ang paningin nito sa tv.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. The heck. Peste 'tong lalaking to, ah. Sinupalpal pa ako! Kahit nga mga pinsan ko hindi ako masupalpal ng ganoon!

Hinampas ko siya ng throw pillow.

"What?!"

Ayan, magdusa siya sa sakit. Madilim ang tingin niya sa akin. He's mad that I hit him. Nangingitngit na siguro siya.

"Sino nagsabi sayong manood ka ng tv, huh?"

"Jeez! Stop that." He grunted while trying to stop me. "And who's that bastard? I'm more handsome than him, anyway." Mahangin na turan niya.

Pinaghahampas ko tuloy siya lalo. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa ginagawa ko. I can't help but stare at his clear skin. Sana all, may ganyan kagandang mukha.

But even so, naiinis parin ako sa pagmura niya sa pinapanood ko!

"Gwapo pala, ha!?"

"Stop!" Sabay sangga niya muli. Then, he suddenly paused. "What is that smell?" Anito na parang may inaamoy.

"Hoy, 'langya ka. Mabango ako kahit sa umaga."

Kung makapagsalita ito.. Is he insulting me? Hello, confident kaya ako sa mabango kong amoy.

"Don't be guilty.. But wait, I'm serious, are you cooking something?"

Bigla akong natigil sa tanong niya.

It's almost lunch time kaya I'm cooking something.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling pumunta ng kusina.

The F! Letsugas barabas hestas!

Iyong adobo ko, naging prito na! Naubusan ng sabaw!

***
10-13-2018

The Runaway GroomWhere stories live. Discover now