TRG ~ 24

23.6K 516 9
                                    

Thanks for reading! Votes and comments, please.

***
TRG ~ 24

***

Freesia

He was about to speak but I gestured my hand to stop him.

"Bago mo sagutin 'yan.. Bili muna tayo ng siomai at fishball. Gutom na gutom ako eh!" Nakangiwing pakli ko sa kanya.

"What?!" He looks angry right now. Tila may nagawa akong napakalaking kasalanan.

"You told me you already had your dinner with that Dazzling jerk!" Mataas ang tono na sabi niya.

Napakamot ako sa ulo ko. May dandruff na yata ako. Anyway, napa-peace sign ako sa kanya habang nakangiwi.

"Sorry, I lied.. Gusto lang kitang inisin kanina.." Pag-amin ko.

"Do you even know how much I want to strangle that Dazzling when you told me you had dinner with him? Then now, you're telling me you're hungry?!"

"Sorry na.." Pa-cute ko sa kanya. High blood na ang Manong, lagot.

"We better go home.. I'm going to cook some pasta for you." Agad niyang hinawakan ang kamay ko para tumayo.

But I held my ground at nakasimangot na inilingan siya.

"No! Gusto kong kumain ng siomai at fishball!" Sabay turo ko sa isang street vendor na maraming bumibili. May palamig pa siyang tinda kaya perfect lang..

Well, I may look classy but I love those street foods.. Mabubuhay ka sa pagkain ng mga iyan, nakakatipid din. Masa-satisfy at mabubusog ka pa.

He frowned while looking at me like I'm crazy.

"What are those? Will it make you feel bloated? I want you to eat something that will satisfy your hunger so, come on!"

Sabi ko nga, hindi niya alam ang mga street foods. Alien ulit sa vocabulary niya.

"Pero I really want to buy those." Nagmamakaawa kong saad.

He sighed then let my hand go. "Okay, you can buy now, but you better eat it after your pasta."

Tumango ako sa kanya ng nakangiti pero hindi pa rin ako umaalis sa harap niya..

He have this look that says, "What now?"

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Pahinging pera, wala akong dala. Binitbit mo lang kaya ako kanina!" Nakasimangot kong pagdahilan.

Napailing siya sa akin at dumukot sa kanyang wallet. Namumukol ang mga iyon ng iba't ibang cards. Then my eyes went wide sa mga lilibuhin sa loob noon.

Wow! Jackpot ako dito kay bf! Joke! Nagmumukhang pera yata ako ngayon. Pero hindi ko lang kasi talaga ma- imagine.. Kailangan ko yatang pasalamatan si Fate dahil sa nakilala ko si Apollo. Kung hindi ko nakalimutan ng isang beses na i-lock ang car ko, malamang hindi kami mapupunta sa ganito. Nakangiting pinagmasdan ko ang seryoso at gwapong mukha ni Apollo. I guess, Fate brought us together.

"Here it is." Abot niya sa akin ng dalawang libo.

Nanlaki ang mata ko sa ibinibigay niya. Fishball lang at siomai, dalawang libo? Rich guy talaga!

Naiiling na kinuha ko ang isang libo. Alam kong kahit maghanap pa ako ng tig-isang daan sa kanya ay wala siya noon kaya hayaan na.

Masayang pinuntahan ko si Manong na nagbebenta ng fishball. Kakaalis lang ng isang costumer niya. I looked at Apollo and I thought he would just stay there and wait for me. But nah! He can't live without me kaya sinundan niya ako. Well, assuming here.

The Runaway GroomWo Geschichten leben. Entdecke jetzt