TRG ~ 17

26.5K 584 33
                                    


TRG ~ XVII

***

Freesia

My hand's getting red from holding tightly the steering wheel. My heart's drumming in its rib cage. I don't think I'm prepared to see them all. My relatives.. my father, my family.

Itinigil ko ang kotse hindi kalayuan sa aming village. Ang Elite Village kung saan nandoon ang aking dating tinitirhan.

How long has it been since I saw our house? I'm 21 and I've walked out of our house when I was 17, turning 18 the following day. Isinakto ko talaga ang araw na iyon.. So mga three years ko na palang hindi inuuwian ito.

Anyway, noon pa man ay tila estranghero na ang tingin ko sa kabahayan namin. I've never felt at home since my Mom died. It's just so empty.

Idagdag pang nandoon ang ibang kamag-anak ko. I sighed heavily. I should have wore a Versace gown for this event para agaw pansin.

Anyway, nandito na ako, wala na akong time para mag-change outfit.

I heard my phone beeped and there's a message. I raised my brows when I saw Apollo's name on it.

From: Apollo'PC adik

Where are you? Why are you not in the house?
-

Abah, hinahanap ang beauty ko. I returned my phone in my pocket and sighed. Well, bukas ko na lang muling ipagpapatuloy ang pagpapa-cute ko kay Apollo. If I survive this jeopardy I'm about to encounter.

Muli kong pinaandar ang kotse at tuluyan ng pumasok sa aming village. When I reached our driveway, I felt so nervous while seeing our gate. There's a guardhouse on the side and I parked right next to it.

Walang sabi sabing ibinaba ko ang bintana at binaba ko ang I.D ko para ipakita.

Nanlaki ang mata ng guard habang tinitingnan ang I.D ko. Sobrang ganda ko siguro roon at grabe siya makatitig.

"Manong, picturan mo na lang ako kung nagagandahan ka sa akin. I don't want to take long." Naiiling kong saad.

Nahihiyang napakamot sa ulo si Manong.

"Naku, hindi po, Ma'am.. Nagulat lang po ako kasi ngayon lang kayo ulit nakauwi dito. Matagal na nga po kayong pinaaabangan ni Boss Cuenco kung magagawi kayo dito." Mahabang paliwanag niya.

Inilihis ko ang tingin sa kanya pagkatapos tanggapin ang I.D. Well, nginitian ko rin siya and said thanks. Duh, hindi naman kasi ako rude. At isa pa'y matagal na pala siyang nagtatrabaho sa amin kung ganoon. He knows me since three years ago then. At pinaaabangan daw ako ng ama ko? Hmmm..

At bakit kaya di ko maalala si Manong guard? Na kung tutuusin ay napakamatandain ko naman. Napailing na lang ako.

Maraming magagarang kotseng nakaparada sa aming malawak na bakuran. So they are already here. Nanlalamig ang kamay ko pero ikinuyom ko ito. Nandito na eh. Might as well come inside eventhough I can feel my eyes getting teary while looking at our house. It still looks the same.

Lalo na sa may garden.. The flowers are well taken care of. Mga bulaklak na itinanim ni Mom. Iba-ibang klase iyon and that includes her favorite flower. She studied how to grow them before. She loves them so much. And at least, my father--- or maybe the gardener took care of them.

Nakabukas ang pintuan at habang lumalapit ako'y naririnig ko ang mga mahihinang usapan.

"Freesia!" Tili ni Ate Somalia nang makita ako.

Namimilog ang mata niya habang nakatitig sa akin.. Hindi halos makapaniwala.

She's looking at the doorway and so she saw me first. Nasa bisig niya ang makulit at cute niyang anak na si Hachul.

The Runaway GroomHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin