Tumulo nalang bigla ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan..

"S-Sorry , umiyak pa ako sa harap mo--" bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay bigla niya nalang akong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Wala akong pakialam kung ilang beses pa kitang makitang umiyak..Basta ang mahalaga , hindi mo tinatago ang totoo..Umiyak ka kung gusto mo , wag mong pigilan Kyla..Nandito ako lagi para yakapin ka at punasan ang mga luha mo.." sambit niya

Napahinga nalang ako ng malalim at ipinikit ang mata..

Sunod sunod ang tulo ang ng luha ko dahil sa sinabi niya.

Ilang minuto kaming nanatiling ganun hanggang sa ako na mismo ang umatras..

"Hayst!.Kung pwede lang akong maging manhid.." sambit ko at pilit na ngumiti

Magsasalita pa sana si Dale ng bigla nalang may humawak sa kamay ko..

Pagkalingon ko ay nanlaki nalang ang mata ko dahil sa kung sino ang nasa harap ko ngayon..

"Mag usap tayo.." si Troy

Napa kunot nalang ang noo ko..

Bakit siya nandito?

Ano na naman bang balak niya?.Balak niya bang kunin ang mga bata sakin?

Para saan?

Para saktan ako?

"Ano na naman bang ginagawa mo dito.." galit kong sabi

"Kailangan nating mag usap , Kyla.." aniya

"Mag usap saan?.Alam mo?Kung may gusto kang sabihin , sabihin mo na!.Sinasayang mo yung oras ko---"

"Nakakaalala na ako.."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa sinabi niya..

Ano daw?

"Anong sabi mo?"

"Nakakaalala na ako Kyla.." aniya

Hindi ko alam kung dapat bah akong maging masaya.

Pero sa lahat ng pinagdaanan ko noong kasama ko siya , parang ayoko na..

Sapat na lahat ng sakit na naranasan ko..Sapat na lahat ng pananakit niya sakin , kasi pagod na ako..

"Wala akong pakialam kung nakakaalala ka na..Remember , sabi mo noong nasa ospital tayo , kahit makaalala kana wala ka nang pakialam samin.Kaya wala na rin akong pakialam ngayon kung nakakaalala ka na , tyaka wala na rin tayong dapat lang pag usapan..Kaya umalis ka na Troy.." sambit ko at binawi ang kamay ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay ni Dale at hihilahin na sana siya papasok ng bahay ng biglang magsalita si Troy..

"Mhie..Bumalik ka na sakin.S-Sorry..Sorry sa mga n-nagawa ko sayo.." nangingig niyang sabi

Nilingon ko siya at mapait na ngumiti..

"Sorry Troy , pero ayoko na.Nung araw na umalis ka sa ospital , yun din yung araw na nangako ako sa sarili ko na wala ka nang babalikan pa..Sinaktan mo na ako , at sumuko na rin ako sayo..Kaya yang sorry mo , kainin mo..Wala na akong panahon para sayo..Hindi maibabalik ng sorry mo ang dating pamilya na binuo ko..Hindi maibabalik ng sorry mo ang pusong nabasag mo..Walang kwenta yang sorry mo kung yung taong sinaktan mo , pagod na sa kakaintndi sayo!" hindi ko napigilang sumigaw

"Kyla , please..Wala akong naaalala noon.Ang buong akala ko talaga kasinungalingan lang lahat gaya ng sabi ni Aya--"

"Naniwala ka kasi!.Kung ako lang sana ang pinaniwalaan mo , okay pa tayo..Pero sinaktan mo ako Troy..Hindi ka nakinig sa mga sinabi ko.Pinagbintangan mo pa nga akong may lalaki diba?.At muntik pa ngang mapahamak si Kean dahil sa pananakit mo sakin noong pinagbubuntis ko pa siya.Kaya sabihin mo sakin Troy..Mawawala pa bah yun?.Yung mga piklat sa puso ko na iniwan mo..Hindi na diba , kasi yung nakaraan , paulit ulit kong matatandaan..Sana nga maaksidente nalang ako , para di na kita maalala.Para di ko na maramdaman yung sakin na pinaramdam mo sakin.."

Hinawakan ako ni Dale sa balikat ko..

Nanatili parin ang tingin ko kay Troy..

Napatingin naman siya sa kamay ni Dale na nakahawak sakin.

"Alisin mo yang kamay mo sa balikat ng asawa ko.." may pagbabanta niyang sabi

"Asawa?.Asawa pa pala ang turing mo sakin kahit halos patayin mo na ako sa pananakit mo sabihin ko lang na may lalaki ako?!.Wow Troy!.Wow talaga.." sarcastic kong sabi

Napatingin ulit siya sakin..

Kitang kita sa mata niya ang sakit at galit..

"Ngayon , nararamdaman mo na bah?Yung sakit na pinaranas mo sakin?.Habang nakatingin ako sa inyo ni Aya ganyan nag nararamdaman ko..Na parang gusto ko ng mamatay..Masaya bah?Masaya bang maramdaman yan Troy?.Hindi diba.."

Hindi siya nagsalita kaya agad na akong umayos..

"Umalis ka na dito..Bago pa ako tumawag ng security para lang mapaalis ka dito.." cold kong sabi

"Kyla--"

"Alis na!" sigaw ko

Wala akong pakialam kung may makarinig sakin..

Gusto ko lang mawala sa paningin ko ang lalaking nagparanas sakin ng sakit..

At bumuhay ng galit ko..



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin