Nilapitan ko ang crib ng anak ko at dinungaw siya..

"Baby Kean..Sorry kung makikita mong iiyak si mama mo.Nasasaktan na kasi ako eh.Nahihirapan na akong kumapit pa dito.Pero alam mo kung ano yung nagpapalakas sakin?.Yung pag asang maibabalik pa ang dating kompleto nating pamilya.." sambit ko 

Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang lahat ng kung anong meron kami ni Troy noon..

Kinabukasan ay nagising nalang ako dahil sobrang ingay na sa labas..

Tiningnan ko muna si Kean pero tulog parin ito.

Agad akong lumabas ng kwarto at tiningnan kung anong meron..

Napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Aya na yakap yakap si Troy..

"I miss you , Dhie.." aniya

"I miss you too , Mhie.." si Troy at hinalikan sa noo si Aya

Napa iwas nalang ako ng tingin bago bumaba..

Napalingon naman si Aya sakin bago ngumisi..

"Nakapanganak ka na pala?" aniya habang nakangisi

Hindi ko lang siya pinansin at tatalikuran na sana siya ng bigla niya akong hilahin..

"Wag ka ngang bastos..Kinakausap kita , kaya wag mo akong tatalikuran.." galit niya sabi

Nasasaktan na ako sa hawak niya sa braso ko pero tinibayan ko parin ang loob ko.

"Sorry ah , may mas importante pa kas iakong gagawin kesa makipag usap sa malanding katulad mo.." sambit ko at babawiin na sana ang braso ko pero bigla niya nalang hinila ang buhok ko at pinaluhod ako bigla

Sa sobrang sakit ng tuhod at ulo ko ay napaluha nalang ako..

"Wag na wag mo akong tatawaging malandi..Pasalamat ka nga , kahit ako ang mahal ni Troy may paki parin siya sa inyo ng anak mo at pinapatira ka niya dito.."

"Kahit hindi ako tumira dito , may bahay ako.Tyaka mahal ka lang naman ni Troy dahil wala siyang maalala eh.."

Naramdaman ko nalang ang mahapdi kong pisngi dahil sa sampal niya..

Napatingin nalang ako kay Troy na walang ginagawa at nakatingin lang din..

Nang umalis si Aya ay agad akong tumayo at iniwan nalang din si Troy doon..

Bumalik nalang ako sa kwarto para tingnan kung gising na bah ang anak..

Nagkulong lang ako doon kasama si Kean..Kung lalabas rin naman ako , makakasalubong ko na naman ang punyetang yun..

Nang may kumatok sa pinto ay agad ko naman yung binuksan..

"Hi.." mala demonyong ngumiti si Aya sakin

"Ano na namang ginagawa mo dito?" mataray kong sabi

"May i-uutos ako sayo.."

"Ba't hindi mo i-utos sa kasambahay?.Hindi ako katulong para utos utusan mo.."

"Tsk..Susunod ka , o masasaktan yang anak mo?"

Agad na kumulo ang dugo ko..

"Wag na wag mong idadamay si Kean dito..Bata lang siya , away natin toh at wala siyang kinalaman.." 

Ngumisi lang siya sakin..

"Kung ganun , pumayag kana sa i-uutos ko..Linisin mo yung bakuran , linisin mo ang mga kotse sa garahe at labhan mo lahat ng kailangang labhan.." sunod sunod niyang sabi

Wala naman akong nagawa kundi ang sundin nag sinabi niya dahil ayaw ko rin namang madamay si Kean dito..

Nilinis ko ang bakuran , ang mga kotse at nilabhan ko ang dapat nilalabhan ng mga kasambahay..Nagtangka pa nga silang tulungan ako pero agad naman silang binalaan ni Aya..

Papatapos na ako sa paglalaba ng bigla kong napansin ang pag papanic ng mga kasambahay..

"A-Anong nangyayari?" tanong ko at agad na pinunas ang basang kamay sa damit..

"S-Si K-Kean po m-ma'am.." nanginginig na sabi nito

Agad naman akong kinabahan..

"A-Anong nangyari kay Kean?"

"N-Naabutan nalang namin siyang umiiyak at nahihirapang huminga..Parang may nakain po ito na hindi po namin alam.." aniya

Agad naman akong nanigas sa kinatatayuan ko..

Tatakbo na sana ako papasok sa bahay ng bigla nalang lumabas si Troy at galit akong tiningnan.

Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at kinaladkad ako hanggang sa mapahiga nalang sa lupa..

"Anong klaseng ina ka at pinapabayaan mo yung bata!.Alam mo bah kung anong nangyayari sa kanya ngayon?!Nahihirapan siyang huminga dahil diyan sa kapabayaan mo!..Wala kang kwentang ina!." sigaw niya

Napa iyak nalang ako at agad na tumayo..

"N-Nasan na siya?" pag babaliwala ko sa sinabi niya

"Tinatanong mo kung nasan siya?.Para saan pa?Hindi mo na dapay siya makita kasi mahihirapan lang siya sayo...Inuna mo pa talaga ang walang kwentang paglalaba kesa ang alagaan yung bata.."

"Inutusan lang ako ni Aya!" sigaw ko

"Inutusan?.Si Aya?..Niloloko mo bah ako?.Kung inutusan ka man niya , edi sana sinabi mong ayaw mo..Sana tumanggi ka kasi may bata!"

"Tumanggi naman talaga ako!.Hindi lang talaga pwede dahil baka may gawin siyang kung ano sa bata!"

O baka nga siya pa mismo ang dahilan kung bakit nahihirapang huminga si Kean..

"Alam mo , hindi ko na kailangan ang mga paliwanag mo..Lumayas ka na dito at maiiwan sakin ang bata..Sa ayaw man o gusto mo.." aniya at tatalikuran na sana ako pero agad akong lumuhod at hinawakan ang kamay niya

"Wag..Wag please , Troy..Wag mong ihiwalay sakin ang anak ko.Kailangan niya ako , kailangan ko rin siya.." sambit ko habang umiiyak

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo..Lumayas ka na kung ayaw mong ako pa mismo ang kumaladkad sayo palabas dito.." aniya at agad na binawi ang kamay niya

Napa upo nalang ako sa lupa habang umiiyak..

Pagod na ako..

Gusto ko ng...

Gusto ko ng bumitaw.

Kaso pagod na ako sa lahat.

Pati anak ko ilalayo nila sakin..Pano nalang ako?.Sina Xandra galit sakin.Ano na bang silbi ko sa mundo?

Ba't bah nangyayari ang lahat ng toh?

Gusto ko ng bumitaw..At sa pagbitaw ko , kailangan ko na ring tumigil na umasang mabubuo pa kami..

Kasi pinili ni Troy ang malayo sakin at sumama kay Aya..Kung maaalala niya man ang lahat..

Siguro sa puntong wala na talaga ako sa tabi niya..

Pagod na nag puso ko at ang tanga ko na masyado kung kakapit parin ako kahit na nasasaktan na ako.

Babawiin ko nalang si Kean..

At lalayo na ako.



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now