52 | special chapter

1.1K 40 15
                                    

Faye

Jail Booth

"Faye, gusto kita." Nagulat ako nang sabihin 'yan ni Jihoon. 'Di ako makalingon sa kanya

"Ayoko sa'yo."

"I know pero still, gusto pa rin kita. Kahit itaboy mo ako palayo, gusto pa rin kita."

"Bakit ako?"

"Ewan. Kailangan ba may rason kapag nagkagusto ka sa isang tao?"

Hindi ako nakasagot.

"Faye, hindi ko naman hinihiling na magkagusto ka rin sa'kin. Friendship lang naman hinihingi ko sa'yo, mahirap ba ibigay 'yon? Ayoko kasi kumilos sa'yo nang hindi mo man lang ako kilala. Kung wala kang tiwala sa'kin, then please, give me a chance para magpakilala sa'yo. Friendship lang talaga, I swear, hindi naman kita kukulitin na magkagusto ka rin sa'kin eh. Friendship lang talaga."

I sighed, ang sama sama kong tao kung hindi ko pa siya papayagang maging kaibigan man lang ako.

Tsaka I think it's enough. Masyado yata akong na-trauma sa childhood ko. I think it's time to let go and to move on. Sa tingin ko naman, hindi lahat ng lalaki, katulad nung mga nambully sa'kin dati. Nang dahil sa childhood ko, nilimitahan ko yung sarili ko sa ibang tao. I think that's enough.

"Okay. Kung friendship lang ang hinihingi mo, okay. We can be friends." Sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya.

After a while, nakabalik na ang mga kaibigan namin.

"Sorry inabot ng matagal, nahirapan kaming hanapin yung isang susi eh." Sabi ni Joyce.

Nung nabigay nila yung limang susi, napalabas na kami ng Jail Booth.

"So friends na kayo?" Daehwi asked

Nagkatinginan kami ni Jihoon, parang inaantay niya na ako yung sumagot.

"Yup. We're friends." Sabi ko

"Ayun naman pala, ano? Kailangan pa talagang ikulong kayo sa Jail Booth para magkabati kayo e'no?" Sabi ni Maggie

"Duhh! Laki kaya ng nagastos namin para arkilahin yung Wedding booth at Jail both 'no!" Sabi ni Gabby

Wait, what?!

"Gabby!" Sigaw nilang lahat, napatakip naman si Gabby sa bibig niya

"Planado 'to lahat?!" I asked

"Uhm, medyo?" Sagot ni Pat.

"Anong medyo?!"

"Sorry na huhu."

"'Wag kayong papahuli sa'kin, yari kayong lahat kapag naabutan ko kayo." Sabi ko, nagtakbuhan naman sila

'Di naman talaga ako galit, gusto ko lang sila magmukhang ewan. Pay back! Naniwala naman sila grrrrr.

"Akala ko galit ka." Sabi ni Jihoon na nag-iisang 'di tumakbo, napalingon ako sa kanya, "Wala akong alam do'n, peksman, mamatay man."

"Wala naman akong sinasabi." Sabi ko

"Mas mabuti na yung klaro." Sabi niya

Napatingin kami sa mga kaibigan naming tumatakbo pa rin.

"Para silang tanga." Sabi ko

"Oo nga eh." Natatawang sabi ni Jihoon

"Lika, kain muna tayo sa canteen. Gutom na ako eh, treat kita." Sabi ko

"Seryoso?"

"Oo. Lika na."

Jihoon, I think this is a good start to our friendship

❝ hater ❞ ➳ p.jhWhere stories live. Discover now