40

1.1K 41 11
                                    

Jihoon

"San tayo pupunta?" Tanong ko kay Guanlin na katabi ko

Ngumiti siya na abot hanggang tenga, "Ikakasal ako hyung."

"Ha?! Ang bata mo pa!"

"Lah naniwala, wedding booth lang yun hyung."

"Ay sorry."

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa di mapakali eh."

"Oo naman."

"Good." Sabi niya sabay iwas agad ng tingin. Nung makarating kami sa wedding booth, wala pa sila Patricia. Napansin kong Jail booth yung katabi nung Wedding booth

"Naka full package 'to ah." Narinig kong sabi ni Jisung hyung kay Minhyun hyung.

"Ano ba yung full package?"

"May pekeng pari, may costumes, may certificate, may singsing, may video at pictures, may background music, tas may bouquet." Sabi ni Jisung hyung na ikinatawa ni Minhyun hyung.

Bakit siya tumatawa?

Ilang minuto rin, nakarating na yung squad nila patricia dito.

'Di ko alam pero ang weird ng mga ngiti nila.

"Lika pasok na tayo sa loob." Sabi ni Maggie

"Patricia tsaka Guanlin, dun muna kayo sa gilid. Magbibihis kayo diba." Sabi ni Joyce, ngumiti naman yung dalawa. Pumasok na kami sa tent lahat.

"Jihoon, ikaw best man ni Guanlin. Suot mo 'to." Sabi ni Jaehwan hyung sabay abot sa'king ng suit.

"Huy faye, ikaw maid of honor ni Patricia. Suot mo 'tong dress. Kailangan daw naka dress din yung maid of honor eh. Tas kaming bridesmaid eto lang." sabi ni Maggie sabay pakita ng kamay braso niyang may flower bracelet 

Sinuot ko yung suit. Si Faye din, sinuot yung white dress. Actually parang gown nga yon eh. Simple nga lang na version ganon

"Punta na po kayo sa unahan." Sabi nung isang babae sa'min. Siguro siya nag aayos ng booth.

Biglang pumasok si Pat at Guanlin pero..

"Bakit di kayo naka-ayos?" Tanong ni Faye, nakita kong napatingin siya sa kamay ni Patricia. "Bakit ganyan nasa kamay mo? Pang bridesmaid ya—WHAT THE HELL?!"

"Inuumpisahan na po natin ang seremonyang ito, ang pag iisang dibdib ni Park Jihoon at Faye L—" di natapos nung lalaki na nagpapanggap na pari yung sasabihin niya kasi biglang umalis si faye. Agad naman siyang tinulak ng mga kaibigan niya pabalik dito sa tabi ko. Ako naman lumapit sa wanna one

"Ano 'to?"

"Kasal mo."

"Akala ko ba si Guanlin ang ikakasal?"

"Planado lahat, jigoo."

"Ha? Bakit?"

"Secret." Sabi ni Woojin sabay dila

"Ayoko nga sabi eh!" Napatingin kaming lahat kay Faye nang sumigaw siya.

"Uy, 'wag niyo na pilitin si Faye."

"Shh Jihoon." Sabi ni Daniel-hyung

Ilang minuto silang nagtulakan pero in the end, natuloy din yung wedding kuno. Pero buong ceremony, nakasimangot lang si Faye.

After nung pekeng kasal, naunang lumabas si Faye.

"Galit yata." Sabi ni Ayhessa

Sinundan ko si Faye para kausapin at magpaliwanag. Wala rin akong alam tungkol dito.

Paglabas ko, hinabol ko agad si Faye. Nung malapit na ako sa kanya, biglang may pumalibot sa'min na ilang lalaki

"Huli kayo." Sa sobrang gulat namin, di kami nakapag react. Natauhan nalang ako nung nakakulong na kami.

Okay, jail booth.

"Ano na naman 'to?!" Maiyak-iyak na sabi ni Faye

"'Di kasama sa plano 'to! Omg!" Sabi ni Gabby pagkalapit nila.

"Kailangan niyo po mahanap yung 5 gold na susi na nakatago around the field para makalabas sila." Sabi nung isang lalaki.

"Dalian niyo hanapin huhu." Sabi ni Faye

"Oo dadalian namin." Sabi ni Jisung-hyung sabay alis. Pero bago sila lumakad paalis, pasimple muna akong kinindatan ni Woojin at ngumisi

Wait... so planado rin 'to?

**
note: ending na po ng hater this week huhu ang bittersweet ;(

❝ hater ❞ ➳ p.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon