46

1K 45 2
                                    

Faye

Ilang buwan ang lumipas at consistent naman si Jihoon sa pagpaparamdam sa'kin. Pinagalitan ko kasi kung ano ano binibili sa'kin kaya kung dati may bigay siya, ngayon wala na.

Sabi nila, nanliligaw na raw si Jihoon pero ayokong umasang ganon dahil wala naman siyang sinasabing nanliligaw na siya. Kahit may sweet gestures na siya, still, ayoko pa ring umasa.

Nasa mood akong ilibre siya ng lunch ngayon kaso kaninang umaga pa siya di nagrereply. Unusual.

Dati kada magigising ako, may good morning messages na mula sa kanya. Pero iba ngayon, kasi emoji o ano man wala akong natanggap. Nag-aalala na nga ako kasi baka may sakit o ano man.

Pupuntahan ko na sana siya sa room nila kasi palagi namang maaga pumasok yon, nang bigla siyang magtext.

One message received
From: Park Jihoon
jihoon: sorry late reply. may inaasikaso lang ako. text kita mamaya :)

I replied, it's okay. good luck :)

Dahil nagccrave ako sa milktea, pumunta ako sa milktea house sa tapat ng university.

Pero pagpasok ko do'n, nakita kong magkasama si Jihoon at Mina.

Nginitian ako ni Mina at kinawayan.

Wow. Nananadya.

Napalingon naman si Jihoon sa direksyon ko at nagulat. Napatayo siya mula sa kinauupuan niya.

Para di ipahalata yung pagkadismaya ko, ngumiti ako. Lumapit naman siya.

"A-ano ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Oh? Wag ka mautal. Pinapahalata mong nagsinungaling ka eh. Well, aayain sana kita ng lunch kaso you're not replying kaya magmmilktea nalang sana ako kaso eto inabutan ko kaya okay. Nag-alala pa man din ako tas gan'to lang pala aabutan ko, enjoy ka diyan sa inaasikaso mo." Sabi ko at umalis na.

Wala palang pake, huh? Pesteng Jihoon! Mabaog ka sana!

❝ hater ❞ ➳ p.jhWhere stories live. Discover now