33

1.1K 43 16
                                    

( a/n: long chapter ahead )

Jihoon

"Jihoon, sinabihan kita, wag kang manloloko." Sabi ni Jisung hyung. Maaga pa pero andito na ako sa kanila, gusto niya raw kasi ako makausap

"Hyung, di naman ako nanloloko eh."

"Eh ano yung ginagawa mo?"

"Lumalandi?"

Huminga siya ng malalim, "Jigoo, gano'n na rin yon. Bakit mo siya nilalandi? Kasi natutuwa ka? Kasi trip mo lang? Jihoon, panloloko na rin yon."

"Di ko alam hyung.."

"Ano ba nararamdaman mo tuwing nakikita mo siya?"

"Kinakabahan ako, natatahimik ako, nawawala yung lakas ng loob ko."

"Tingin mo bakit ka ganon?"

"Di ko talaga alam hyung."

"Kung papipiliin ka, si Mina o si Faye?"

Napahiga nalang ako sa sofa nila hyung sa sobrang stress. Di ko na talaga alam!

"Advice lang, di masamang makipagkaibigan. Pero know your limits, mamaya sa ginagawa mong yan nakakasakit ka na pala ng ibang tao."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagdoorbell.

"Andiyan na ata sila, ang aga naman." Sabi ni Hyung. Tumayo siya at binuksan yung pinto,

"Eyo eyo!"

"Ey ey ey!"

"Annyeong!"

Napatayo ako nang marinig ko boses ng Wanna One at ng squad nila Maggie. Si Faye agad unang hinanap ng mga mata ko pero wala siya.

"'Wag mo na hanapin. Kasama nila Donghyun." Bulong ni Maggie sa'kin, di ko napansing papalapit pala sa'kin si Maggie, sobrang pre-occupied ko.

"Ay ganon ba? Sige salamat."

"Wushu, selos."

"Di ah!"

"Oh? Asan sila Donghyun?" Tanong agad ni Jisung-hyung.

"Bumili ng pagkain. Susunod naman sila." Sagot ni Sungwoon-hyung.

Kanya-kanya silang kwentuhan samantalang ako, tulala. Halos mapatalon ako nang may magmessage sakin.

One message received
From: Kang Mina
mina: hi jigoo! you free tomorrow?

'Di ko alam pero wala akong ganang reply-an yon kaya binalewala ko nalang, agad naman 'yon napansin ng katabi kong si Daehwi

"Oops. Rejected si Mina-noona. Anyare, hyung?" Tanong niya agad.

"Wala akong gana, hwi."

"Is this a sign, hyung?"

"Sign?"

Nagkibit-balikat si Daehwi at umalis na sa tabi ko para puntahan si Gabby.

Iniisip ko kung ano yung sinabi ni Daehwi nang biglang dumating si Faye, Donghyun-hyung at Youngmin-hyung.

Kinamusta agad nila sila Donghyun-hyung at nagkwentuhan. Dumiretso naman si Faye sa mga kaibigan niya.

"Uy! Kain muna tayo!" Aya ni Jisung-hyung habang inaayos yung pizza'ng dala nila Faye.

Sa lapag kami kakain lahat, carpeted naman yung buong bahay nila Jisung-hyung kaya ayos lang na sa lapag kami.

"Pero oy wait, ano ba kayo ni Faye?" Medyo malakas na tanong ni Joyce kay Donghyun-hyung. Napunta sa kanila lahat ng atensyon namin.

"Wala. Best friends lang kami." Nahihiyang sagot ni Donghyun-hyung, napapangiti lang si Faye.

Bakit... parang nasasaktan ako?

"Best Friends lang pero nagsasabihan ng I Love You. Wushuuu." Sabi pa ni Jenna.

Napatingin sa'kin ang Wanna One, si Maggie at si Lyka.

"Nagsasabihan kayo ng I Love You?" Tanong pa ni Youngmin-hyung.

"Uy. Shhhh tama na yan. Walang patutunguhan 'yang pag-aasaran niyo." Sabi ni Lyka

"Weh! Kj! Porket wala rito boyfriend mo, bitter ka na." Sabi naman ni Yhessa

"Guys stop na. Kain na tayong lahat." Sabi pa ni Maggie, yun ang nagpatigil sa kanila.

Tumayo ako at umalis do'n.

Nagseselos ako!

**
note: this will be my last update. i will not be updating until friday, next week. midterms na kasi namin on thursday kaya ayon. hehe ingat kayo! 💛

❝ hater ❞ ➳ p.jhWhere stories live. Discover now