45

1K 45 16
                                    

Faye

Nang makarating ako sa school, nag-aantay si Jihoon sa labas ng room namin

"Oh? Nauna ka pa sa'kin?" I asked. Napalingon siya sa'kin at umayos ng tayo

"Siyempre, gusto kita abutan eh."

"Luh landi." Natatawa kong sabi

"Ikaw lang naman nilalandi ko."

"Wushu, babaero ka eh."

"'Di ah."

"Ano ba ginagawa mo rito? Sa fourth floor room mo ah? Bakit ka andito sa third floor?"

"Eto." Sabi niya sabay abot ng isang happy meal

"Para saan 'to?"

"Wala, baka 'di ka pa kumakain eh." Sabi niya. And as if on cue, biglang kumulo tiyan ko. Tinakpan ko 'yon, natawa naman siya

"Kumain ka muna." Sabi niya

"May pagkain ka ba?" Tanong ko

"Meron, andito sa bag." Sabi niya. Tinignan ko yung orasan ko at nakitang maaga pa naman

"Kain muna tayo?" Tanong ko

"H-ha?"

"Kain muna tayo, sa canteen."

Bigla siyang ngumiti, "Ahh osge."

"Salamat pala sa meal." Sabi ko.

"Wala yon. Ikaw pa? Lakas mo sa'kin."

"Luh edi wow." Sabi ko at naglakad na. Sumunod naman siya sa'kin

Pagkarating namin sa canteen, umupo agad kami sa bakanteng upuan. Tahimik kami nung mga unang minuto,

Nang bigla kong maalala si Mina. Ano nga pala nangyare sa kanila?

"Jihoon, may tanong ako. Pero kung ayaw mong sagutin, okay lang."

"Ano yon?"

"Ano pala nangyare sa inyo ni Mina?"

Natahimik siya. I assumed na ayaw niyang sagutin kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang magsalita siya

"Niloko niya ako." Bigla niyang sabi na nagpahinto sa akin. Napatingin ako sa kanya pero ang layo ng tingin niya, "Gustong-gusto ko si Mina no'n. Tas nalaman niyang may gusto ako sa kanya, tinake advantage niya ako para sa popularity. Nung panahong hulog na hulog na talaga ako sa kanya tsaka niya ako hiniwalayan kaya ayon."

"Pero hinahayaan mo pa rin siyang lapit-lapitan ka ng ganon? I mean, di ka ba galit sa kanya?"

"Hindi." He sighed, "'Di ko alam pero 'di ko kayang magtanim ng galit."

"Ano sabi ni Mina sa'yo nung nakipaghiwalay siya sa'yo?"

"Wala."

"Gago ba siya?!"

"Huy, kumalma ka nga." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Okay medyo oa ako do'n, pero kasi ang sama ng ugali niya!

"Tas di ka man lang nagalit sa kanya?! Sapukin kaya kita?!"

He chuckled, "Hayaan mo na yon. Wala naman na akong pake sa kanya."

"Ganon?"

"Oo. Andiyan ka naman kasi, kaya bakit ko pa siya iisipin? Mas mahalaga ka, Faye."

**
note: d-2 to hater's ending.

❝ hater ❞ ➳ p.jhWhere stories live. Discover now