48

1K 47 7
                                    

Faye

Ihahatid ako ni Donghyun ngayon sa school, namiss niya raw kasi ako kaya ayan.

"Kamusta kayo ng manliligaw mo?" Bigla niyang tanong habang naglalakad kami. 'Di naman kalayuan ang school sa bahay kaya nilakad nalang namin para makapagkwentuhan din kami. Tsaka maaga pa naman.

"Sino?"

"Edi si Jihoon."

"Psh. Di naman nanliligaw."

"Oh? Bakit parang dismayadong dismayado ka?"

"Eh kasi naman, ang hirap mangapa."

"Eh bakit di mo tanungin?"

"Natatakot ako."

"Na?"

"Baka sabihin niya, kaibigan lang turing niya sa'kin."

"Bakit? Ikaw ba? Ano na tingin mo sa kanya?"

"May gusto ako sa kanya, Donghyun. Kaya natatakot akong tanungin siya."

"Oh edi hahayaan mong ganyan ka? Na lagi kang umaasa?"

"Ewan ko na, 'di ko na alam gagawin ko."

Hanggang room ako ihahatid ni Donghyun, ewan ko ba dito. Baka may gustong makita.

Kaso pagdating sa hallway kung nasan yung room ko, nakita ko agad si Jihoon.

"Uhm, canteen muna tayo? Nagugutom ako eh." Sabi ko kay Donghyun sabay hila sa kanya

"Faye!"

"Donghyun dali." Sabi ko kay Donghyun para di kami abutan ni Jihoon, kaso wala eh, naabutan pa rin.

"Faye, hayaan mo naman akong magexplain oh." Sabi ni Jihoon. Binitawan ko kamay ni Donghyun at naghalukipkip.

"Uhm, faye, mauna na ako ah? May gagawin pa kasi ako. Chat nalang kita. Bye Jihoon." Sabi niya at nagpaalam sa amin.

Umirap ako at naglakad na palayo kay Jihoon.

"Uy Faye! Makinig ka naman oh."

"Ano papakinggan ko?"

"Explanation ko, please naman oh."

"Pakidalian, gusto ko nang pumasok ng room."

"Okay. Sorry kasi 'di kita namessage kahapon, sorry hindi ako nakapagpaalam. Minessage kasi ako ni Mina nung isang gabi, nakikipagbalikan."

"At nakipagbalikan ka naman?"

"No! Makinig ka muna, please?" Sabi niya, inirapan ko lang siya. "Sabi ko magkita kami kinabukasan, kaya ayon. Nung nasa milktea house kami, sinabi ko sa kanyang ayoko nang makipagbalikan. Tsaka sana wag na niya akong guluhin kasi okay na ako eh, masaya na ako, kuntento na ako sa'yo, Faye. Kaya bakit pa ako magpapakatanga sa kanya? Isa pa, 'di ko na siya mahal."

'Di ko alam sasabihin ko. Gusto kong magalit pero ayaw na ng puso ko. Sobrang soft ko pagdating kay Jihoon and I know that it's not a good thing anymore.

Nahulog na yata talaga ako kay Jihoon

"'Wag ka na magselos oh, ikaw lang naman eh." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko

LUH! NI HINDI MO NGA NILILINAW KUNG ANO LABEL NATIN GAGO KA BA

"'Di ka nagsisinungaling?"

"Hindi! Peksman. Mamatay."

"Oo na."

"Bati na tayo?"

"Oo na nga."

"Sorry talaga, next time magpapaalam na ako."

"Sorry din kung umasta akong gano'n."

"Okay lang yon, cute mo nga eh."

"Ah ganon?"

"Joke lang! Sige na, pumasok ka na. Sunduin kita mamayang uwian, treat kita dinner."

"Weh seryoso ba 'yan?"

"Yup."

"Okay."

"Sige na, pasok ka na ng room mo."

"Okay. See you later."

"See you."

Kinikilig ako!!!!!!!!

❝ hater ❞ ➳ p.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon